Start na ng Foundation Day ng school. Nagpe-prepare na ako para pumasok sa school ng biglang nagring yung phone ko.
*Harry's Calling..*
OMG! Bakit kaya? Kinuha ko yung phone ko at sinagot ang tawag.
Ako: Hello.
Harry: Nasan ka na?
Ako: Nandito pa sa bahay. Bakit?
Harry: Alam ko. Nandito ako sa labas ng bahay nyo. Sabay na tayo pumasok. Bilisan mo mag-ayos! Hihintayin kita dito.
Ako: Ay! Eh bakit nandyan ka? Sige, teka lang. Hintayin mo nalang ako. (Binaba ko na yung phone)
Nagmamadali akong bumaba, hindi na din ako kumain para mapuntahan ko na agad si Harry. Paglabas ko, sumakay agad ako sa sasakyan nya.
Ako: Bakit mo ba ako sinundo?
Harry: Para sabay na tayo pumasok.
Ako: Hindi mo man lang sinabe kahapon. Para maaga ako gumising at di ka naghintay. Kanina ka pa ba sa labas?
Harry: 30 minutes. Tagal mo lumabas eh.
Ako: Sorry na! Sa susunod kasi magsasabi ka.
Tumingin lang sya sakin at ngumiti. Kunwari galit ako pero deep inside kinikilig ako. Imagine, sinundo ako ng crush ko sa bahay para sabay kami pumasok. Ito na yung hinihintay ko eh, ang maging close kami. Binibigay na ng tadhana yung hiling ko. Feeling ko tuloy nasa fairytale ako, sinundo ako ng prince charming ko gamit ang karwahe nya.
Nandito na kami sa school. Bumaba na ako sa sasakyan nya at nasa parking lot ng school ang mga kaibigan ko at barkada nya pero parang may kulang. Wala si Louis.
Ako: Wala ata si Louis? Bakit di nyo kasama?
Liam: Naghahanda para mamaya.
Ako: Mamaya? Ah, kasali sya sa singing contest? Eh bakit kayo?
Niall: Academic contest kasi ako eh. Si Liam naman sa Dance Contest. Eh sabi ni Sir Pangilinan bawal na sumali sa iba pag may sinalihan na.
Ako: Ah. What time daw ba magstart yung Contest?
Harry: 7pm ang start. Nood tayo ha?
Ako: Sige lang (Smile)
Pumasok na kami sa loob dahil magpa-practice pa kami for pageant. Pagpasok namin sa loob, nag kanya-kanya na ulit kami. Pumunta na kami ni Harry sa stage. Pagtapos ng practice, nakita ko si Harry nakaupo sa gilid. Nilapitan ko sya at tinabihan.
Ako: May talent ka na?
Harry: Oo, kakanta lang ako.
Ako: Okay yan. Maganda naman boses mo eh (Ngumiti ako sakanya)
Harry: Thanks! Ikaw, ano talent mo?
Ako: Secret! Pasabog talent ko. (Laugh)
Harry: (Laugh) Sige nga? Abangan ko yan ha?
Ako: Paano? Eh bawal kaya manuod.
Harry: Gagawa ako paraan.
Ako: Bahala ka.
Harry: Tara sa cafeteria, nagugutom ako eh. Kain tayo.
Ako: (Tumayo ako at inaya sya) Tara! Libre mo ako.
Harry: (Tumayo at umakbay sa akin) Sige ba.
Yung pag-akbay nya sa akin? Muntik na akong matunaw eh. Sobrang kilig yung naramdaman ko tapos kahit pawis na pawis sya, ang bango bango pa din nya. Naglalakad na kami papuntang canteen. Pagdating namin, umorder agad sya at kumain kami. Pagtapos namin kumain, hinanap namin mga kaibigan namin para makapunta na ng stage para panuorin si Louis.
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
Fiksi PenggemarFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^