Pagbaba ko ng eroplano, napangiti ako bigla. Dahil makikita ko na din ang mga kaibigan ko. 3 days din akong nawala, namiss ko din sila. Pauwi na kami sa bahay nila Mommy at Daddy. Tinext ko na ang mga kaibigan ko para iparating sakanila na nakabalik na ako. Pagkadating namin sa bahay, ibinaba ni Manong ang mga gamit, hinanap ko si Manang at niyakap. Umakyat ako sa kwarto para ikiss si LouLou at Ryry. Yan yung mga teddy bear ko na galing kay Louis at Harry. Nagbihis ako at nagmadali bumaba. Sakto naman na paalis na sila Mommy para pumunta naman sa states. Sasamahan nila si Lolay dun. Nagpaalam ako sakanila na pupuntahan ko ang mga kaibigan ko sa school, dala dala ko ang mga pasalubong ko sakanila na binili ko sa duty free. Pumayag naman sila at hinatid ako sa school. Pagdating ko sa school, nasa parking lot silang lahat.
Ako: Hey!!!! (Sigaw ko na ikinagulat nila)
Tumatakbo ako papunta sakanila nang bigla kong nakita si Harry kaya napahinto ako. Sinalubong naman ako ni Louis.
Ako to Harry: Hey! (Nakangiti)
Harry: Hey! (Nakangiti)
Kinilig ako sa pagbati nya sakin. Hindi ko na sya tinignan pa, binaling ko na ang tingin ko kila Louis.
Ako: Namiss ko kayo. Oh heto, chocolates. No time for shopping kaya chocolate nalang binili ko.
Binigay ko sakanila ang mga parte nila. Napatingin sila sakin at nag-thankyou.
Niall: Si Harry? Wala?
Ako: Pwede bang wala sya? (Inabot ang paper bag nya) Para sayo (Nakangit)
Nagulat si Harry sa iniabot ko. Napatingin muna sya sakin bago nya kinuha at ngumiti.
Harry: Thanks!
Isinama ko talaga sya sa mga binili ko. Pero ang plano ko, ipapaabot ko lang kay Liam okaya kay Louis, hindi ko naman kasi inexpect na magkakasama sila kaya ako na ang nag-abot sakanya. Himala! Hindi nya kasama si Taylor ngayon? Eh, bakit ko ba iniisip yung babaeng yun?
Niall: So, kumpleto na tayo.
Gigi: Tara kaya Sb?
Ako: Ayan nanaman tayo sa sb na yan.
At nagtawanan kaming lahat. Purgang purga na ako sa sb sa totoo lang. Pero di ako nagsasawa, parang kay Harry. Che! Landeee. Pumwesto na si Liam sa sasakyan nya at inaya na kaming pumasok. Nauna sila at nahuli kami ni Harry. Nagkahiyaan pa kaming dalawa kung sino ang mauunang pumasok.
Niall: Pasok na. Ano hinihintay nyo? Pasko?
Pinauna na akong pumasok ni Harry at sya naman ang sumunod. Magkatabi kami sa upuan. Geeez! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala sa dibdib ko at magsasasayaw at magtatatalon. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil na-conscious ako. Feeling ko kasi nararamdaman ni Harry yung kabog ng dibdib ko dahil magkatabi lang kami. Napatingin sya sakin, ramdam kong lumingon sya. Ako diretso lang ang tingin ko sa harap, hindi ko sya nililingon. Ang tagal nyang nakatingin sakin kaya napa-pikit ako.
Harry: Hey. Okay ka lang?
Ako: (Napadilat bigla) H-ha? Ako ba?
Harry: Oo. Ikaw. Okay ka lang ba?
Ako: Ha-ha-ha. Oo, okay lang ako. Bakit?
At napatingin sila sakin dahil sa tono ng boses ko.
Gigi: Bakit parang kinakabahan ka?
Ako: Ha? H-hindi ah. Bakit naman ako kakabahan?
YOU ARE READING
All his Little Things ♥
Hayran KurguFirst Time ko magsulat ng Story dito sa wattpad so I hope magustuhan nyo tong First Story ko na inspired by 1D. Enjoy Reading. Don't forget to rate :) Godbless! ^^