Chapter 5 Part 2: Our Closeness and His Sweetness

15 2 0
                                    

Naligo at gumayak na ako dahil yun ang sabi ni Boss Harry. Mula paggising ko hanggang ngayon, di pa sya ngatetext sa akin. Ano na kaya nangyari dun? So hinintay ko nalang sya sa sala. Maya-maya, may pumasok sa pinto. Si Harry.

Ako: Tara na ba?

Harry: Sorry, kanina ka pa ba naka-ayos?

Ako: Hindi naman. Kabababa ko lang.

Harry: Sige, tara na.

Pagpasok namin sa kotse nya.

Ako: Bakit nga pala hindi ka nagtetext?

Harry: Wala lang. Gusto ko sana isurprise ka, kaso nauna ka pa sa akin (Malungkot)

Ako: Uy! Okay lang. Wag ka na malungkot. Eto naman. Eh, saan ba tayo pupunta?

Harry: Basta.

Kinikilig ako sakanya kahit wala syang ginagawa. Feeling ko prinsesang prinsesa ako dahil sakanya. Pero saan kaya ako dadalhin ng mokong na to? Dahil ang boring, nagpatugtog ako sa sasakyan nya, nabibingi kasi ako sa katahimikan namin eh. Focus na focus sya masyado sa pagda-drive. Bigla kaming huminto. Tinignan ko yung lugar. Isang restaurant.

Harry: Nandito na tayo! (Tumingin sakin at ngumit)

Napatingin lang ako sakanya. Bumaba na sya sa sasakyan at ako din. Hinawakan nya yung kamay ko at pumasok na kami sa loob. Hindi ko alam kung anong meron at dinala nya ako dito. Pagpasok namin, nilapitan agad namin yung mga tao na nasa VIP Room, familiar yung muka ng isa sa akin kaso di ko matandaan kung saan ko sya nakita. Kumiss sya dun sa familiar face na yun pati dun sa lalaki na katabi nung babae. At biglang --

Harry: Kc, They are my Parents. Mom, Dad, si Kc po (Nakangiting pagpapakilala nya sa akin)

Nagulat ako! Mommy nya pala yung familiar face na yun sa akin. So bilang pag-respeto, nilapitan ko ang Mommy at Daddy nya, kumiss ako at nag-greet. So umupo na kaming apat. Hindi ko maisip kung bakit sinama ako ni Harry dito at pinakita sa Parents nya pero ang saya ko. Imagine? Kahit kilala na ako ng parents nya, pinakilala pa din nya ako. So, kumain na kami, nagkaroon ng konting kamustahan at konting kwentuhan. Ang saya kausap ng parents nya, ang gaan ng loob ko sakanila. Siguro dahil sa friends sila ng parents ko kaya nakasundo ko agad sila. Tapos na kami kumain, nagpaalam na si Harry sa parents nya na ihahatid na nya ako. Pumayag ang parents nya, nagpaalam na ako sakanila ng maayos. Nagthankyou din ako dahil sa warm welcome nila sa akin at umalis na kami ni Harry.

Pagsakay namin sa sasakyan nya.

Ako: Bakit sinama mo pa ako sa family date nyo? Nakakahiya!

Harry: Naitanong ka kasi sa akin ni Mommy nung minsan kaya naisipan kong isama ka para makita ka nila.

Ako: Ganun ba? (Mahinang sabi ko) Pero nakakahiya. Sumali pa ako sa bonding nyo.

Harry: (Tumingin sa akin) Okay lang yun no. Part ka na din ng family namin.

Nagulat ako sa sinabi nya. Part na ako ng family nila? Pumapalakpak ang mga tenga ko sa sobrang tuwa. Hindi ko inaasahan yun. Part ako ng family nila as what? Hay nako! Wag mag-assume.

So, nagdadrive na sya papunta sa amin para ihatid ako. Medyo inaantok na ako kaya nakatulog ako sa byahe. Mga 30 minutes, ginising na nya ako. Nandito na pala kami sa amin. Nag-ayos agad ako at bumaba sa sasakyan nya. Bago ko isarado yung pinto--

Harry: Matutulog ka na ba agad?

Ako: Hindi naman. Hihintayin pa kita makauwi eh.

Harry: Sige, text nalang tayo.

All his Little Things ♥Where stories live. Discover now