Chapter 2

14 0 0
                                    

Simula noong mangyari iyon, hindi ko siya pinapansin o kinakausap man lang. Maraming nagsasabi na nililigawan na niya si Alyssa. I didn't mind. I shouldn't mind in the first place.

I kept myself busy in school. Tuwing uuwi ako ay inaabangan ko naman ang pag online ng aking boyfriend na si Leighton. Nakaugalian ko na kasi na bago ako matulog ay dapat magkausap kami. Umaga roon, gabi naman dito. Kaya kagigising palang niya, ako naman ay matutulog na.

Leighton:
Hi hon! Kumusta school?

Me:
Ayos naman. Eat ka na ng breakfast mo ha? Wag ka magpapalipas ng gutom. Miss na kita :(

Leighton:
Yes hon. Opo, sleep early ha? Miss na din kita hon.

Me:
Sige hon matutulog na ko. Bye bukas ulit mwa :*

Then I logged out. Ganun lang palagi. Hindi kami masyado makapagusap dahil kadalasan ay 10pm na siya nakakapag online. Hinihintay ko nalang talaga na makachat siya para makapag goodnight. Pero kahit na ganoon, kontento ako. Natutulog ako nang may ngiti sa aking labi.

Nabago na ang seating arrangement namin sa classroom at sa harap ako napwesto. Magkatabi ng pwesto sina Zach at Alyssa. Pero ni minsan hindi ko nakitang sweet sila sa isa't isa. Mas nakikita ko pang si Alyssa ang nagpapapansin kay Zach. Matunog na matunog sa batch namin ang relasyon nila. Isang linggo na simula noong maging sila ngunit mas madalas na kasama ni Alyssa ang mga kaibigan niya at ganoon din naman si Zach.

Sa Physics class namin ay sila ulit ang magkatabi. Madalas silang tuksuhin ng aking mga kaklase tuwing ganun ang mangyayari.

Kinabukasan ay sinabihan kami ng aming adviser na kailangan namin pumili ng club na aming gustong salihan. Napili ko ang Teatro Club ngunit puno na raw ito. Sinubukan ko rin ang English Club ngunit puno na rin. Si Alex kasi ay naunang makapagpalista sa Teatro at si Brenna naman ay sa Math Club.

"Ma'am Chavez puno na po yung mga club na gusto ko sanang salihan. Anu-ano po ba ang may slot pa?"

"Check ko lang iha. Ah, may slot pa sa Sunbeams."

"Tungkol saan po iyong club na iyon?"

"About christian values iyon." Ani Mrs. Chavez.

"Sige po sasali po ako sa sunbeams." Laking tuwa ko nang may nasalihan na akong club ngunit agad rin iyong nawaglit.

"Okay sige. Sina Zach, Tristan at Mara ang makakasama mo."

Si Tristan ay transferee din. Close sila ni Zach. At sa tingin ko'y mag bestfriend na sila ngayon. Sila kasi ang madalas na magkasama at close na close talaga sila. Si Mara naman ay kaibigan ko noong 1st year palang ako kaya ayos na rin. Pero bat kailangang nandun din si Zach? Dahil tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang pagkapahiya ko.

Tuwing huwebes ng alas tres hanggang alas kwatro ang club time. Mabibigat ang paa ko habang naglalakad papunta sa room ng Sunbeams. Nasa may labindalawa lamang ang nakikita kong mga tao sa loob.  Nakapabilog na ang mga upuan at mukhang ako nalang yata ang kulang. Kami ata ang pinakakaunti kumpara sa ibang club. Tumuloy ako sa loob para maghanap ng mauupuan. Iginala ko ang aking paningin sa mga upuang naroon at ang bakante lamang ay iyong katabi ni Zach. Nag angat ako ng tingin sa mukha niya at nakita ko siyang nakikipag-usap kay Tristan. Umupo ako sa tabi niya at bigla siyang natahimik.

Nagsimula nang magpakilala isa-isa. Ako ang huling magpapakilala at pagkatapos kong gawin iyon ay napansin kong titig na titig si Zach sa akin. Nang mapansin niyang nakita ko siyang nakatingin sa akin ay bigla siyang nag-iwas ng tingin.

What was that huh? Pagkatapos mo akong ipahiya ay may gana ka pang titigan ako? Damn.

Nang matapos ang isang oras ay naghahanda na ang lahat para makauwi. Nagmadali akong kunin ang mga gamit ko sa locker para makauwi na. Nagpaalam lang ako kina Brenna at Alex na mauuna na akong umuwi dahil masakit ang ulo ko.

Habang nag aabang ako ng jeep ay nakita ko si Tristan na papunta sa gawi ko. Kasama niya iyong kaklase namin na babae at kahit hindi ko man tanungin ay halatang halatang may crush sakanya.

"Uyy Aviana! Pauwi ka na rin ba? Sabay ka na samin. Pareho lang din ng way pauwi itong si Tristan sa atin, e." Ani Julie. Iyong babaeng tinutukoy ko na kasama ni Tristan.

"H-ha? Nako, wag na! Baka makaistorbo pa ako sainyo. Ako nalang mag-isa pauwi."

"Aviana sabay ka na samin. Para naman mas magkakilala pa tayo. Magkaklase tayo at iisang club pa pero di pa tayo nakakapagusap man lang. Wag ka na mahiya." Ani Tristan.

"Sige. Nakakahiya naman sainyo."

Nang makasakay kami sa jeep ay inabot ko agad ang pambayad ko ngunit binalik lang ito ni Tristan sakin. "Ako na ang magbabayad para sainyo. Sagot ko na kayo."

Mabuti pa itong si Tristan, friendly. Hindi kagaya nung kaibigan niyang suplado. Maagan kasama si Tristan. Tawang lamang kami ng tawa sa mga kinukwento niya. Nalaman ko rin na mauunang bababa si Julie sa amin at kami naman ni Tristan ay iisa lamang ang bababaan.

"Manong, para ho! Ingat kayong dalawa. Dito na ako. Bye!" Ani Julie.

Nagpatuloy ang paguusap namin ni Tristan. Nang makababa na kami sa jeep ay nilabas niya ang kanya cellphone.

"Umm, Aviana pwede ko bang hingin yung number mo?"

"Ahh sige." Nilagay ko ang number ko sa cellphone niya at saka nagpaalam na mauuna na.

Pagkauwi ko ay naligo at kumain agad ako. Binuksan ko ang aking laptop para ichat si Leighton. Pagkatapos ng isang oras naming paguusap ay nakatanggap ako ng mensahe sa aking cellphone.

Unknown Number:
Hi! This is Tristan. Save my number. Btw, I enjoyed talking with you earlier. ;)

I replied, "Hello! I enjoyed too. Goodnight. :)"

Tristan:
I think I like you.


I didn't know how to respond. What should I reply? Should I say thank you? Nah, like lang naman. No big deal. I just closed my eyes and tried to sleep. And that was how my night ended.

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon