Totoo ngang may pakpak ang balita. Dahil kinabukasan pagkatapos kong sagutin si Zach ay kalat na kalat sa batch namin na kami na. Hindi ko alam kung paano nila nalaman iyon. May nakakita kaya sa canteen? O dahil sa ingay ng mga kaibigan namin kahapon?Mas naging sweet sa pagtetext si Zach kagabi. Di ko nga akalaing may sweetness pala iyon sa katawan dahil hindi halata sakanya. Mukha kasi siyang snob at siga pa maglakad. Parang puro kalokohan lang alam.
Half day lang kami sa school ngayon. Meron kasing meeting ang faculty after lunch kaya kailangan kaming pauwiin nang maaga. Masayang masaya kami sa announcement na iyon.
Nahihiya pa ako kay Zach. Unang araw namin ngayon bilang magkarelasyon. Hindi kami masyadong nag-uusap sa school dahil nga hindi pa ako nakakapag-adjust. Pero tuwing magkakatinginan kami sa classroom ay kinikindatan niya ako. Ako naman ay iiwas ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi.
"Via! Congrats ha? Kayo na pala ni Zach. Sabi ko na nga ba at magiging kayo, e. Bagay kasi talaga kayo." ani Thea.
"Salamat, Thea! Di ko naman akalain na bagay pala kami. Haha!"
"Oo nga. Iba yung chemistry niyong dalawa, e. Nagjajive kayo. Osige balik na ako sa upuan ko ha." aniya. Nagpasalamat ako sakanya at hinayaan na siyang bumalik sa kanyang pwesto.
"Via! Tara sa amin mamaya. Tambay lang. Maaga naman uwian natin e. Sagot ko na pagkain. Dali!" ani Brenna.
"Sinu-sino ba pupunta sainyo?"
"Sasama si Alex. Isama mo si Zach kung gusto mo."
"Eh nahihiya kasi akong kausapin siya."
"Bakit naman? Boyfriend mo naman yun. Kaya sige na! Kausapin mo at yayayain mo para naman makapagbonding din kayo."
Tumango na lamang ako sakanya at nag-isip kung paano ko siya yayayain. Nakikipag-usap sa siya mga barkada niya habang hawak nila ang kani-kanilang mga cellphone.
Maya maya pa ay may pumasok na taga kabilang section. Iginala nitong ang kanyang paningin sa loob ng aming classroom. Nang mahanap ang kanyang pakay ay dumiretso agad ito rito.
"Jared! Papasa naman ng mga ano dyan oh. Alam mo na yun." aniya.
"Bat ako? Si Zach ang maraming ganon, Jethro! Sakanya ka manghingi." ani Jared.
"Ano ba iyong kailangan mo, Jethro?" tanong ni Zach.
"Pre papasa daw siya ng mga porn." ani Jared. Biglang namula sa kahihiyan si Jethro.
"Mamili ka nalang dyan." Sabay bigay ni Zach ng kanyang cellphone kay Jethro.
Gulat na gulat ako sa nakita ko. Maraming ganun sa cellphone niya? Hindi ko inasahan yun. At iyon ba ang pinapanood nila kanina? Normal naman talaga sa mga lalake iyon pero nagulat lang talaga ako. Lalo tuloy akong nahiyang lumapit sakanya.
Napatingin sa gawi ko si Zach. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik. Tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Hala! Anong gagawin ko? Di ako handa tsk.
"Hi! Bat tulala ka?" aniya.
"May inisip lang ako kanina. Hehe. May sasabihin ka ba?"
"Wala naman. Gusto ko lang lapitan yung girlfriend ko. Masama ba?"
"A-ahh. Hindi naman. Upo ka." sinunod niya iyong sinabi ko at umupo siya sa tabi ko. Wala kasi kaming teacher ngayon dahil absent siya. Kaya malayang nakakapagpalipat-lipat ng mga pwesto ang mga kaklase ko.
"Zach, may lakad ka ba mamaya?"
"Hmm. Wala naman. Bakit?"
"Gusto mong sumama sa amin mamaya? Pupunta kami kina Brenna. Tambay at kain lang. Kung ayaw mo naman ay oka--"
"Sasama ako. Sasamahan ko ang girlfriend ko, okay?" tumango ang sakanya at hinalikan niya ang noo ko bago siya bumalik sa kanyang pwesto.
Maraming nakakita sa kanyang ginawa kaya kinantyawan nila kami. Habang ako naman ay nabigla pa sa pangyayari.Makalipas ang ilang oras ay uwian na. Nilagay ko agad ang iba kong mga gamit sa locker at agad na pinuntahan sina Brenna.
"Asan na ang boyfriend mo?" tanong ni Alex.
"Tawagan ko nalang. Baka kasama sina Tristan sa canteen." Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at idinial ang kanyang numero. Agad naman niya itong sinagot at sinabing bumili lang siya ng tubig at pupuntahan kami dito sa may waiting shed.
Ilang saglit lang ay namataan na namin siyang papunta sa gawi namin. Kaya tumayo na kami para sa paghahanda ng pag-alis. Pagkalapit sa amin ay kinuha niya ang bag ko at inakbayan ako.
"Grabe naman ang kasweetan nito! Hindi ko kinakaya." rinig kong sabi ni Brenna kay Alex.
"Ako rin, e. Pag ganyan pa naman ako sa girlfriend ko gusto niyang ikama ko agad siya." ani Alex.
"Manahimik ka gago! Walang may pake." ani Brenna.
Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Sumakay na kami sa jeep papuna kina Brenna. Mabilis lang ang naging biyahe at pagkalipas ng ilang minuto ay na kina Brenna na kami.
Nagpabili agad ng softdrinks si Brenna sa kanilang kasambahay pagkarating namin. Nag-order din siya ng iilang pagkain na sa tingin ko ay sobra pa para sa apat na tao.
Habang abala sa telepono si Brenna ay namili naman ng mga dvd si Alex. Maghahanap daw siya ng mga magagandang pelikulang panonoorin. Nang matapos sa pag-oorder si Brenna ay agad siyang lumapit sa amin.
"Maglaro muna tayo ng truth or dare. Maya na tayo manood pag nandyan na iyong mga pagkain." tumango kaming tatlo sakanya bilang pagsang-ayon.
Unang ikot ng bote ay tumapat kay Alex. Pinili niya ang dare kaya pinainom siya ng limang kutsara ng suka ni Brenna. Sumunod naman na ikot ay si Brenna. Dare ang pinili niya kaya naghiganti itong si Alex. Pinakain niya ng limang kutsarang hot sauce si Brenna. Hindi pa naman ito kumakain ng maaanghang. Kaya't halos magmukha siyang adik sa pula ng kanyang mga mata pagkatapos. Ang sumunod na tinapatan ng bote ay si Zach. Dare ang napili niya kaya si Alex ang nag-isip ng gagawin niya habang abala sa Brenna sa pag-inom ng gatas dahil sa anghang ng hot sauce.
"Alam ko na! French kiss mo si Via sa loob ng thirty seconds." ani Alex.
Gulat na gulat ako sa gusto niyang ipagawa. Nahihibang na ata itong si Alex. Epekto ata ng suka sakanya. Hindi naman sa unang beses ko yun. Nagawa ko na yun dati pero matagal na yun. Mas lalo pa akong nagulat nang lumapit sa akin si Zach at unti-unting ilapat ang kanyang mukha sa akin. Hindi agad ako nakapagreact hanggang sa maramdaman kong ilapat niya ang kanya labi sa akin.
His soft lips made its way to mine. His kisses were tender and gentle. I slowly closed my eyes to feel the sensation of his lips. I pulled him closer to give him more access to my mouth. He caressed my back, neck and down to my shoulders. He continued kissing me until his tongue tentatively and slowly entered my mouth. He explored every corners of my mouth, savoring every moment. He licked and sucked my tongue like it's his favorite lollipop. I can feel his fingers running through my hair as his kisses slowly went deeper and deeper. His tongue explored the roof of my mouth and tickling my tongue. We continued kissing until we slowly gasped for air.
I slowly let go of his lips and I felt him kissing my forehead after that.
"Busog na pala ako. Yan nalang ulit kainin ko mamaya." Then he winked at me.
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomansaYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...