Late ako nagising dahil hindi ako makatulog kagabi. Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko iyong sinabi ni Zach kagabi. Hindi ako iyong babaeng gusto niya pero iba ang dating sa akin nung sinabi niya.Naligo agad ako dahil malelate na ako sa aking klase. Nagtext ako kay Brenna para itanong kung nagsisimula na ang klase at nagreply siyang hindi pa at mukhang absent daw ang aming subject teacher para sa period na iyon. Nevertheless, nagmadali pa rin ako dahil mahirap na ang masaraduhan ng pinto kapag nalate.
Pagkarating ko sa school ay nagmamadali ako paakyat sa aming classroom. Naabutan kong maingay ang aking mga kaklase senyales na wala nga ang aming guro. Nakipagkwetuhan na lamang ako kina Brenna habang hinihintay ang susunod na subject.
"Tara gala naman tayo mamaya. Bored na bored na ako sa bahay, e." ani Brenna.
"Oo nga, Aviana! Kain naman tayo sa labas. Bonding naman tayo nakakamiss na." pagsang-ayon ni Alex.
"Kayo nalang. Pass muna ako. Antok na antok ako kasi hindi ako nakatulog nang maayos."
"At bakit naman hindi ka nakatulog nang maayos, aber? Explain to me in 3 paragraphs." ani Brenna.
"Baka kailangan mo rin matulog? Para kang bangag dyan, e! Ah basta! Marami lang akong iniisip kagabi kaya di ako nakatulog nang maayos."
"Ang sabihin mo, isang tao lang naman iniisip mo pero di ka nakatulog. What's the real score between the two of you?" ani Alex.
"Hindi ah! Wag nga kayo makulit. Kotongan ko talaga kayo dyan. Uuwi ako agad ngayon after class kaya wag niyo na ko pilitin. Sa susunod nalang, okay?"
"Payong kaibigan lang ha. Kung may nararamdaman ka na para sakanya, hayaan mo. Wag mong pigilan. Libre lang magmahal. Wag mo ipagkait sa sarili mo." saad ni Brenna.
"Ay wow! Coming from you? Hahaha! May nasasabi ka rin naman palang matino." pang-aasar ni Alex.
Alam ko naman iyon. Ni hindi ko nga alam kung anong nararamdaman ko e. Am I just overthinking things? Masyadong mabilis para magkagusto ako sakanya. May something sakanya na hindi ko alam kung ano at patuloy na gumagaan ang loob ko sakanya. Gustong gusto kong tinitingnan ang mga mata niyang may mahahabang pilikmata.
Natapos ang klase na panay ang paghikab ko. Muntik na akong makatulog sa klase dahil parang hinihele ako ng aming guro sa kanyang boses.
Nag-vibrate ang cellphone ko. Nakita kong may isang text at agad kong binuksan ito.
Zach:
Nagpuyat ka? You seem very sleepy.Me:
Yeah. Wasn't able to sleep well last night.Zach:
Ahh. Ayaw kong napupuyat ka. Hatid na kita pauwi.Me:
Hindi na. Kaya ko pa naman umuwi mag-isa. I'll just text you as soon as I get home. :)Zach:
Ihahatid na kita. I want you home safe and sound. Please?Me:
Umm, sige. Kita nalang tayo sa may gate ng school.Naglalakad ako papunta sa may gate nang makita ko siyang nakasandal sa pader habang hinihintay ako. I suddenly felt something in my stomach. I'm sure it wasn't stomach ache or something. It felt good though.
"Hi! Kanina ka pa dyan?"
"Hindi naman. Kararating ko lang din dito. Ako na dyan sa bag mo." aniya.
"Nako hindi na. Magaan lang naman ito. Tara na?" Saglit lang kaming nag abang ng jeep dahil maaga pa naman. 3pm palang at hindi pa punuan ang jeep. Iniabot ko na ang bayad ko ngunit imbes na iabot ito sa driver ay hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi ko alam kung bakit niya kailangang gawin iyon. Pingtitripan niya ba ako? Sinulyapan ko ang mukha niya at nakita ko siyang nakapikit habang ramdam ko ang higpit ng pagkahawak niya sa aking kamay. Iidlip siguro siya.
Nang malapit na kami sa bababaan namin ay sinabi ko sakanyang hanggang sa mall nalang niya ko ihatid dahil malapit lang naman ang bahay ko.
Habang naglalakad papunta sa mall na malapit sa amin ay nagkwentuhan kami. Tinanong ko siya kung may balak pa ba siyang makipagbalikan kay Alyssa ngunit iling lamang ang sinagot niya sa akin.
"Hanggang dito mo nalang ako ihatid. Kaya ko na. Thank you ah? Nag abala ka pa, hindi naman kailangan." saad ko sabay ngiti sakanya.
"Wala yun. Basta ikaw." aniya.
Tatalikuran ko na siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako sakanya.
He moved a little bit closer and whispered in my ear...
"Mag-ingat ka. Liligawan pa kita." Then he kissed my cheeks. I turned my back at him and walked away.
And in that moment, I realized something....
That I was slowly falling for him. This is dangerous.
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...