Chapter 4

10 0 0
                                    

Nagkausap na kami ni Leighton ngunit may kakaiba. The spark isn't there anymore. Naging cold ang paguusap namin. We weren't sweet like we used to before. Dahil ba busy na kami at walang time sa isa't isa lalo na't magkalayo kami? Maybe that's the reason.

"You look like shit, Via. What's wrong?" ani Brenna.

"There's something going on between me and Leighton. We talked but something's different. No butterflies or spark at all."

"Alam mo, bago ka pa ipagpalit niyan makipaghiwalay ka na. Hindi na nagwowork ang relationship niyo. Agapan mo na habang di pa malalim yung nararamdaman mo para sakanya." saad ni Alex.

Pinag-isipan kong mabuti iyong sinabi niya. Maybe he just fell out of love. Maybe we didn't keep the fire burning enough. Maybe this is the end for us?

Madalas akong itext ni Zach. He's sweet. I must admit na gwapo nga siya. Hindi ko siguro napapansin dati dahil sa napahiya niya ako. Tahimik siya pero palangiti. At gustong gusto ko tuwing ngumingiti siya kasi nawawala iyong mga mata niya. Hindi siya mukhang palatext na tao pero nakakapagtaka dahil ang sipag niyang magtext. Minsan ang hahaba pa ng nilalaman ng messages niya sa akin.

Zach:
Kain ka na. Sana sa susunod ako na ang kasabay mo kumain.

Namula ang pisngi ko sa simpleng text niya. Gosh! Para kang timang, Via! Kinagat ko ang labi ko bago nag reply.

Me:

Thank you! Kain ka na din.

Nasa iisang room lang kami pero tuwing break time ay tinetext niya talaga ako. Siguro ay dahil tahimik lang talaga siyang tao kaya mas nailalabas niya yung mga salitang gusto niyang sabihin sa text.

Nandito ako ngayon sa canteen kasama sina Alex at Brenna. Parang premiere night ng isang pelikula sa sobrang dami ng tao. Kapit na kapit na sa akin si Brenna dahil daw baka magkapalit sila ng mukha ng makakasalubong niya sa sobrang siksikan.

"Aviana, Hi nga daw pala sabi ni Zach." ani Tristan.

Ganyan palagi si Tristan pag nakikita niya ako lalo na pag kasama niya si Zach. Aniya'y suportado niya kami kung sakaling sagutin ko ang kaibigan niya.

Sinulyapan ko ang mukha ni Zach at nakita kong nakangiti siya saken. Ayan na naman ang mga mata niyang naniningkit tuwing ngingiti siya. Nginitian ko siya pabalik 'saka nagpatuloy sa paghahanap ng pagkain.

"Makipagbreak ka na. Pagka-uwing pagkauwi mo ay makipagbreak ka na dyan kay Leighton. Para ka lang nagboyfriend ng hangin. Sa totoo lang daig pa siya ng hangin. Kasi ang hangin nararamdaman samantalang siya hindi." supporter na rin itong si Alex ng loveteam daw namin ni Zach.

"Oo naisip ko na rin yan. Makikipaghiwalay na ko. Para malaya na talaga kaming dalawa."

Siguro nga hindi pa namin kaya ihandle ang Long Distance Relationship kaya nagkaganito. Mamaya ay sasabihin ko na kay Leighton itong saloobin ko.

"Dito ka nalang kay Zach. Mamahalin ka niya. Wag ka na sa boyfriend mo. Ang layo naman niya e." ani Tristan. Hindi ko sinabi sakanya na hihiwalayan ko na si Leighton. Dahil paniguradong magdiriwang iyon kapag nalaman niya.

Tapos na ang klase at dumiretso ako sa labas ng school para makauwi ako agad. Nag online ako at nakita kong online din si Leighton. Nagtipa ako ng mensahe nang matapos ko iyon ay limang minuto akong tulala. Tila kinakabahan at nagdadalawang isip kung pipindutin ko ba ang "enter" sa keyboatd. Sa huli, ginawa ko pa rin ito. Pikit-mata akong naghintay ng reply ni Leighton.

Me:
Leigh, it's not working anymore. Lumalayo na ang loob natin sa isa't isa. Maybe we should breakup. Ang hirap ng ganito tayo. Ramdam ko na rin ang coldness mo.

Leighton:
It's okay. If that's what you want then so be it. I'm gonna miss you, Via. Friends?

Me:
I'm gonna miss you too. Yes. Friends :)

Noon pa man ay wala kaming naging pag-aaway ni Leighton dahil mahaba ang pasensya niya at talagang iniintindi niya ako. Kaya masaya ako at maayos ang naging breakup namin.

Matutulog na sana ako ng biglang umilaw ang cellphone ko at nakitang may isang message doon. Binuksan ko ito at binasa.

Zach:
Hi! :)

Me:
Why are you still awake?

Zach:
Iniisip ko yung babaeng gusto.

Me:
Ahh. Naks! Bakit naman?

Zach:
Iniisip kong bakit yung taong gusto ko, may nagmamay-ari ng iba.

Me:
Hindi talaga lahat ng bagay makukuha natin, e. :(

Zach:
Darating din ang araw na mapapasaakin siya. At sa sobrang lalim ng pagkakahulog niya, hindi na siya makakaahon pa.

Bakit parang iba ang dating nung sinabi niya? And because of that, I wasn't able to get some sleep. Damn that guy!

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon