Chapter 3

8 0 1
                                    

Weeks passed and everything seems to be okay. Tristan asked me if he could court me but I rejected. I told him that I am in a relationship and suggested that we could still be friends but not more than that. He seemed cool with it so we continued as friends.

Alex and Brenna keeps on bugging me about Zach. They told me that Alyssa and Zachary were over. Their relationship lasted only for two weeks. What the hell? What are they? Fuck buddies or what? I should have known. Mas nagtatagal pa ata iyong load ko kesa sa mga relasyon ngayon.

Today is thursday and I wasn't feeling well. My head hurts really bad and I have a fever. Brenna asked Ma'am Chavez if she could bring mo to the infirmary. I told her that there's no need but she insisted. So she accompanied me to the infirmary and the nurse told me that I should stay there and rest for a while.

I woke up feeling better and immediately checked my phone. It's already 3:15pm and I am late for our club meeting. I told the nurse that I feel better and then she let me go.

Tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tiningnan para malaman kung sino ang nagtext. Nagtext si Tristan at sinabing nasa 1st floor sila ng aming campus malapit sa freedom wall. He said that if I'm still not feeling well, I'll be excused in our activity. Nagtipa ako ng mensahe at sinabi sakanyang maayos na ako at pupuntahan ko sila.

Tristan and Mara are nowhere to be found. Bakit ngayon pa? Tanging si Zach lang ang kakilala ko ngunit di ko siya nilapitan. Nagulat siya nang makita ako pero mas nagulat ako nung tinaas niya ang kanyang kamay para makipag highfive saken.

I was hesitant at first. Ngunit kalaunan ay ginawa ko rin ang gusto niya. Last time I checked we were not close. What is happening right now? I think I should go back to the infirmary 'coz I think my head hurts because of his unusual actions.

"Hi! Ayos ka na ba? Wala ka ng lagnat?" ani Zach.

"O-okay na ako. Paano mo nalamang may lagnat ako?"

"Wala ka sa room kanina, e. Tinanong ko si Tristan kung nasaan ka. Sinabi niya saken na nasa infirmary ka."

"Ahh. Anong activity ngayon?"

"Magsusulat lang ng prayer tapos ididikit mo dyan sa freedom wall."

"Ganun ba? Salamat. Sige gawin ko na 'to."

"Gusto mo bang tulungan kita? Baka kasi di ka pa talaga okay."

"No, I'm fine. Prayer naman ito kaya madali lang."

Nang matapos kong gumawa ng prayer ay agad ko itong dinikit sa freedom wall. Pero hindi mawala sa isipan ko kung bakit hanggang ngayon ay nakasunod sa akin si Zach.

"Via! Nandito ka na pala! Saglit lang ha. Kami kasi ni Mara ang inuutusan ni Ms. Tinio." saad ni Tristan.

"Ganun ba? Sige. Okay lang naman ako dito."

"Wag ka mag-alala pre, aalagaan ko siya." sabat ni Zach.

Lumipas ang ilang minuto ay kinausap ko si Zach.

"Break na kayo ni Alyssa? Bat ang bilis naman?"

"Oo. Okay lang. Di ko naman talaga siya gusto. Pinilit lang ako ng mga kaibigan niya." aniya.

"Di ka ba nainlove sakanya? Bat di mo pinigilan?"

"Hindi ako nainlove sakanya. Kaya bat ko pipigilan?"

Ilang minuto kaming natahimik. Nakatingin lang sa bawat estudyanteng dumadaan at natatanaw namin.

"Pwede kong kunin number mo?" Aniya.

"A-ahh sige. Pakilala ka nalang pag magtetext ka."

Tapos na ang club meeting at sabay kami nina Brenna pauwi. Kinuwento ko sakanila ang paguusap namin ni Zach at ngayo'y halos mapunit na ang mukha nina Alex sa kakangiti.

"Alam mo, makipagbreak ka na sa boyfriend mo. Di na kayo nakakapagusap. Ni hindi na nga ata uuwi sa Pilipinas yun, e!" ani Alex.

"Tama ka dyan, friend! Nandyan naman kasi si Zach. I think he likes you!" ani Brenna.

"Ano ba kayo! Wala siyang gusto saken. Atsaka taken na ako kaya wag niyo ko kulitin."

Habang nagtatalo kami ay may natanggap ako mensahe.

Unknown Number:
Habang kausap kita kanina, di ko maiwasang mapangiti. Sana hindi pa iyon ang huli.

Hi! Zach nga pala. Text tayo ha. :)

Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Kaya't nung mapansin ni Brenna na tulala ako ay agad niyang hinablot ang cellphone ko sa aking kamay.

"O M G! Sabi ko na nga ba may gusto siya sayo! Mamili ka na girl. It's either Leighton or Zachary. Pero suggestion lang ha, kay Zach ka nalang. Malapit sayo. Araw-araw mong nakikita at higit sa lahat pogi pa! Wake up ha." minsan sa sobrang walang preno ng bibig nito ni Brenna ang sarap nalang niyang lagyan ng packaging tape sa bibig.

I'm so confused. Lately hindi na kami okay ni Leighton. Hindi na kami nag-uusap. Ano bang dapat kong gawin? Ilang beses akong nag-iwan ng message sakanya pero ni isa wala akong natanggap na reply. Are we over? Did he find someone new?

Who should I love? Dapat ko bang mahalin yung matagal ko nang kilala pero malayo saken ngunit di na nagpaparamdam o mahalin yung taong ngayon ko lang nakilala pero madali kong makakasama at unti-unting nagpaparamdam? Pero imposible naman. Last time I checked, inis ako kay Zach dahil sa nangyari. So ano tong naiisip ko na sino dapat ang piliin ko? Ofcourse wala ako dapat piliin. Si Leighton lang at walang iba. Or am I just indenial? Na may gusto na nga talaga ako kay Zach at pinapang cover up ko lang yung inis ko sakanya?


Hay! Ano na ba talaga Via? Ang bilis ng pangyayari. I have to weigh everything. Whatever my decision will be, this must be worth it.

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon