Chapter 6

16 1 3
                                    




Maaga akong nakarating sa school. Dahil tuwing natutulala ako ay di ko maiwasan yung nangyari kahapon. Hinihintay ko ngayon sina Brenna at Alex habang nakasandal ako sa isang bench.

Fifteen minutes na ang nakalipas ngunit wala pa rin sila. Kinuha ko na lamang ang aking earphones upang makinig ng music.

🎶 All I can say is it was enchanting to meet you

Your eyes whispered, "Have we met?"
Across the room your silhouette
Starts to make its way to me
The playful conversation starts
Counter all your quick remarks
Like passing notes in secrecy

And it was enchanting to meet you
All I can say is I was enchanted to meet you....🎶

Sinasabayan ko ang kanta habang ako'y nakapikit. Feel na feel ko ang kantang ito sa di malamang dahilan.

🎶This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you.. 🎶

🎶 The lingering question kept me up
2 AM, who do you love?
I wonder 'til I'm wide awake
And now I'm pacing back and forth
Wishing you were at my door
I'd open up and you would say, "Hey,
It was enchanting to meet you,
All I know is I was enchanted to meet you..... 🎶

Naalala ko yung sinabi niya sa akin sa text.

"Darating din ang panahon na mapapasaakin siya. At sa sobrang lalim ng pagkakahulog niya, hindi na siya makakaahon pa."

Ito ang isa sa dahilan kung bakit ako madalas napapaisip sa gabi. Iniisip ko kung bakit niya pa kailangan sabihin iyon sa akin gayong hindi ko naman kilala kung sino iyong taong gusto niya. Pero nang dahil sa nangyari kahapon ay binigyan niya ng kasagutan ang mga tanong sa aking isip.

Napapitlag ako nang maramdaman kong may biglang tumabi sa akin. Agad kong dinilat ang aking mga mata at nakita si Zach na nakatingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Dito ako madalas tumambay. Hindi sana ako uupo rito kasi may tao. Gusto kong mag-isa lang ako. Pero nung nakita kong ikaw pala iyon, naisip kong mas masaya siguro kung ikaw ang kasama ko." aniya.

"Ganun ba? Sorry sorry. Lilipat nalang ako ng pwest--"

"Hindi. Dito ka lang. Gusto kitang masolo."

"H-ha? Ako? Bakit? Pwede namang lumipat nalang ako ng pagtatambayan."

"Iniiwasan mo ba ko, Aviana?"

"Hindi. Bakit naman kita iiwasan?"

"Hindi ko alam. Pero bakit pakiramdam kong iniiwasan mo ako?"

"Hindi, Zach. Maniwala ka. Hindi talaga kita iniiwasan."

"Good. Kasi gusto kitang makausap."

"Ano naman ang paguusapan natin?"

"Aviana, alam kong single ka na. Maaaring tatanggihan mo ko pero gusto kong sabihin sayo na gusto kita. At kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ay gusto sana kitang ligawan."

"Zach, wag mo ako pagtripan ha! Hahahaha. Di ko alam ganyan ka pala mang trip."

Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan ako sa aking mga mata.

"Gusto kita. Hindi, inlove na pala ako sayo. Please, bigyan mo ako ng chance na ligawan ka." aniya

"Zach, hindi ko alam. Masyadong mabilis. Hayaan mo muna akong makapag-isip."

"Kung iniisip mong trip lang ito dahil masyadong mabilis ang lahat, nagkakamali ka. Pero sige, bibigyan kita ng panahon para makapag-isip." Tumayo siya at naglakad palayo. Kasabay nun ang pagdating nina Brenna.

"Nagkausap kayo ni Zach?" ani Alex

"Ah, oo. Nakita niya kasi akong mag-isa rito."

"Ano namang pinagusapan niyo?" tanong ni Brenna.

Kung di ko lang kaibigan itong si Brenna ay iisipin kong katulad siya ng mga tsismosang kapitbahay na walang ginawa kung hindi ang mangalap ng tsismis.

"Gusto raw niya akong ligaw--"

"Ayy shutanginaaaaaa! Kinikilig akooooo!" biglang hiyaw ni Brenna.

"Ano ka ba! Para kang nakalunok ng megaphone. Manahimik ka nga." suway ni Alex kay Brenna.

"Tse! Palibhasa tigang na tigang ka na sa girlfriend mo kaya ang sungit mo." ani Brenna

"Wag na nga kayo magtalo. Anong gagawin ko?" sabat ko.

"Kung di ka naniniwala, let him prove you that he's serious." ani Brenna.

"Pakiramdaman mo ang sarili mo. Hayaan mong ang puso mo ang magdesisyon. Kahit magbigay kami ng advice, puso mo pa rin naman ang masusunod." ani Alex.

"Hay. Hindi ko na alam."

Tumunog ang bell at hudyat iyon na magsisimula na ang klase. Kinuha ko ang aking mga gamit at niyaya ko nang umakyat sina Alex.

"Gagraduate na tayo! Mas marami nang mga gwapo sa college hihi." tuwang tuwa na sabi ni Brenna.

"Alam mo, sa bibig mong yan walang magkakagusto sayo. Para kang pinaglihi sa pwet ng manok, e. Nakakaturn off ka." ani Alex.

"Ang sabihin mo, isang taon ka ng walang sex life. Kaya ka nagmamaktol dyan. Boo!" pang-aasar ni Brenna.

"Alex, anong feeling?" tanong ko.

"Ng ano, Via?" ani Alex.

"Ng... Umm. S-sex."

"Masarap. Sobra!" sa pagkakasabi niyang iyon ay parang bigla niyang naalala ang mga pinaggagagawa nila ng girlfriend niya.

"Bat mo natanong, Via? Nagawa niyo na ba iyon ni Zach?" tanong ni Brenna.

"Langya naman Brenna! Konting preno naman dyan sa bibig mo, sobra na, e. Nakakabigla mga lumalabas dyan." saad ko.

"What?! Wag na tayo magpaliguy-ligoy pa. Kaya sagutin mo ako."

"Hindi nga kami ni Zach bakit namin gagawin yun. Atsaka ayaw ko. Di pa ko handa sa ganyan."

"Ahh. Osige sabi mo, e." ngunit nasilayan ko ang makahulugang ngiti ni Brenna nang sabihin niya iyon.

Totoong ayaw ko. Hindi pa ko handa. Pero siguro kung mahal ko iyong tao, gagawin ko. Siguro hindi ngayon dahil masyado pang maaga para roon. Kaso hindi ko talaga maimagine ang sarili kong gagawin iyon.

Naging mabilis ang oras sa araw na ito. Dahil siguro ay puro seatworks at activities ang ginawa namin sa lahat ng subjects kaya't hindi ko namalayan ang oras at ngayon ay uwian na. Kinuha ko ang aking mga libro at binitbit ang aking bag. Ilalagay ko sa locker ang mga librong di ko kakailanganing basahin sa bahay pag-uwi. Pagbukas ko ng aking locker ay may isang pulang rosas at may nahulog na papel. Inilagay ko muna ang aking mga libro sa loob ng locker atsaka ko kinuha ang rosas at ang nahulog na papel. Agad ko iyong binuksan at binasa dahil sa kuryosidad.



To: Aviana Kinsley Gallego

"🎶I'll spend forever wonderin' if you knew, I was enchanted to meet you too..... 🎶

Can I court you?

-Zachary Graysen Martinez

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon