Chapter 14

7 2 0
                                    




Pag uwi ko sa bahay ay hindi agad ako nakatulog. Ni hindi ako agad nakapagpalit ng damit at nanatili lamang akong nakahiga sa aking kama. Gulat na gulat pa rin ako sa pangyayari. Totoo ba talaga yung nangyari o nag-iimagine lang ako ng mga bagay-bagay? Wow, Via! Ang halay naman ng imahinasyon mo kung ganon. Napailing na lamang ako sa aking sarili.

Kalahating oras na ang nakalipas nang magpasya akong magshower. Bawat patak ng tubig na dumadaloy sa aking balat ay naaalala ko ang nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito mawala wala sa aking isipan. Halik lang naman iyon for Pete's sake, Via! Binilisan ko na lang ang pagligo para makakain na ako ng hapunan.

Nagtutuyo ako ng aking buhok nang mag ring ang aking cellphone. Nakita ko sa screen na si Brenna ang tumatawag. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ang tawag, ngunit sa huli ay sinagot ko rin ito.

"Sheeeeeeeet! Via! Ano baaaaa hahahaha!" muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa sigaw ni Brenna.

"Hoy inaano kita dyan? Ang lakas ng boses mo huminahon ka nga!" saad ko sakanya.

"Eh kasi naman, eeeehhhh! Enebe hahahahaha!" aniya na parang may kumikiliti sakanya.

"Para kang tanga, Brenna! Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo."

"Eh kasi naman po, kala ko mawawalan ka na ng labi sa halikan niyo ni Zach kanina." at agad akong nagsisi kung bakit ko pa sinagot ang tawag niya. Pinipilit ko na ngang wag isipin, heto naman siya at pinaalala pa.

"Ang OA mo, ha! Simpleng halik nga lang iyon." giit ko.

"Ay wow! Simple lang daw. Kaya pala nag eespadahan na kayo ng dila kanina. Hindi ko na alam kung ano ang definition ng "simple" sayo girl!"

Hindi agad ako nakasagot sakanya. Dahil aminado akong hindi yun isang simpleng halik. Masyado iyong mainit at mapusok para tawaging isang simpleng halik.

"Oh, natameme ka dyan? Naiimagine mo na naman ba? Hahahaha!" ang sarap nalang bigla na pumasok sa loob ng cellphone at batukan itong si Brenna.

"Nagtutuyo kasi ako ng buhok. Di ko masyado narinig yung sinabi mo." depensa ko. Narinig ko naman ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

"Baka yung labi mo yung kailangan mong tuyuin. Alam mo na.." tawa pa rin siya ng tawa na akala mo mangkukulam siya.

"Ay ewan ko sayo Brenna! Nababaliw ka na ngang talaga. Ibababa ko na ito dahil maghahapunan pa ako."

"Sige. Kamemerienda mo lang ng labi ni Zach gutom ka na naman? Oopps, hahaha! Sige na bye na." napailing na lamang ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi pumayag si Zach sa dare na yun? At bakit din ba kasi hindi ako pumalag? Ang gulo ko rin, e!

Bumaba na ako para kumain. Sa sobrang takaw ko ay naubos ko ang ulam pati ang kanin sa rice cooker. Nagpahinga ako ng ilang saglit habang nanonood ng tv. Inaantok na ako pero hindi pa ako pwedeng matulog dahil marami akong kinain.

Ilang minuto ang nakalipas nang mapagdesisyunan kong umakyat sa aking kwarto at doon na lamang tumambay. Ramdam ko ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata kaya kinuha ko ang aking laptop upang manood ng movies. Pinili kong panoorin ang movie na Shutter para magising ako. Napapayakap ako sa aking unan tuwing may mga nakakagulat na scene. Talagang nagising ang diwa ko sa pelikulang iyon.

Bumaba ako sa kitchen para kumuha ng tubig at agad na bumalik sa aking kwarto. Naiimagine ko kasi yung babae dun sa Shutter kaya halos kumaripas ako ng takbo. Buti nalang nga at hindi nabasag iyong basong hawak ko.

Pinatay ko na ang aking laptop at naisip na lamang na magfacebook sa cellphone ko. Like lang ako ng like ng kung anu-ano. Pilit na nililibang ang sarili habang hinihintay lumipas ang oras. Ilang saglit pa ay nag beep ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung kanino nanggaling ang mensahe.

Zach:

Goodevening! :) :*

Bumilis agad ang tibok ng puso ko nung nakita ko yung kiss na emoticon. Nababaliw na ba ako? Lol.

Me:

Hi! Goodevening din :) bat gising ka pa?

Zach:

Hindi ako makatulog. May iniisip ako, e.

Me:

Anong iniisip mo? Bukas mo na isipin ulit yan hahaha!

Zach:

Di ko maiwasang di isipin, e. Masyadong masarap para makalimutan.

Me:

Ano ba iniisip mo? Pagkain ba?

Zach:

Yung halik mo. Yung labi mo. Naadik na ata ako hahaha! Sarap kagatin ng lips mo. ;)

Di na ako nakapagreply pa. Yung dating akala kong mahiyain at tahimik, ay ganito pala kastraighforward sa taong gusto niya. Delikado!

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon