Chapter 21

9 1 0
                                    




Kinabukasan ay masakit ang aking balakang at hirap ako maglakad. And it still hurts down there. Hindi ko alam kung makakapaglakad ba ako nang maayos nito.

Naligo ako gamit ang maligamgam na tubig upang maginhawaan naman ako kahit papaano. Tuwing napapapikit ako ay naaalala ko pa rin ang mga nangyari sa amin ni Zach. Ganun pala iyon 'no? Lahat ng sinabi ko noon ay kinain ko ngayon.

Nagmadali na akong maligo dahil baka malate na ako. Tama na ang pag flashback, Via! May pasok ka pa kaya isantabi mo muna yan ha?

Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Naabutan ko pa sina mama at papa na kumakain ng agahan. Humalik na lamang ako sa kanila at nagpaalam. Hindi nagpaawat si mama at pinagbaunan pa ako ng sandwich para daw hindi ako malipasan ng gutom. Tinanggap ko naman ito dahil totoong gutom na talaga ako kaso malilate na ako kaya hindi na ako makakasabay sa kanila.

Agad naman akong nakasakay ng jeep at naging mabilis ang biyahe patungo sa school. Mabuti nalang at walang traffic dahil talagang malilate ako kung nagkataon.

Pagkarating ko sa school ay agad akong sinalubong ni Zach. Ngiting ngiti siya habang naglalakad papunta sa gawi ko. Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti dahil nakakahawa ang ngiti niya.

"Ang aga mo ah? Kanina ka pa dito?" tanong ko sakanya.

"Oo, e. Kasi pag nagtagal pa ako sa bahay delikado." ani Zach.

"Huh? Bakit? Anong meron sa bahay niyo? May nangyari ba?" takang tanong ko. Ano kaya ang posibleng nangyari sa bahay nila?

"Meron. Sa kwarto ko. May masarap na nangyari." nakangisi siya habang sinasabi iyon kaya nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.

"Sira ulo ka talaga!"

"Pag nagtagal pa kasi ako sa kwarto ko, maaalala ko yung nangyari. Masyado pang maaga para tigasan ako. Hahaha!"

Nabatukan ko siya nang dahil dun. Baka kasi may makarinig sa kanya. Ni hindi man lang kasi bulong ang pagkakasabi niya 'non. Hay nako, Zach! Dati tahimik ka lang ngayon kung anu-ano na ang lumalabas dyan sa bibig mo. Tsk.


Pumasok na kami sa loob ng school. Malapit na kasi mag flag ceremony kaya kailangan nasa loob na kami. Pilit kong inayos ang aking paglalakad. Masakit pa rin kasi talaga kaya ang hirap maglakad ng normal na para bang walang masakit sayo.

Pumunta na kami sa kung nasaan nakapwesto ang section namin at agad na pumila. Nakita ko si Brenna na nakatingin sa akin at may bakas ng pagtatanong sa mukha niya. Pumila ako sa harap niya. Hindi na ata siya mapakali kaya kinalabit niya agad ako.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang medyo hirap ka maglakad? Napilayan ka ba? May masakit ba sayo?" inosenteng tanong ni Brenna sa akin.

"Wala 'to ano ka ba. Nadulas lang ako kanina sa bahay sa pagmamadali ko."

"Hoy, Via! Ano nga kasi? Nag-aalala ako sayo. Alam kong hindi ka nadulas."

Biglang tumunog ang National Anthem. Buti nalang at pansamantalang napatahimik si Brenna dahil don. Nang matapos ang Flag Ceremony ay hudyat na ito na maaari na kaming umakyat sa classroom. Ngunit bago iyon, naramdaman ko nanaman ang muling pagkalabit sa akin ni Brenna.

"Ano? May nakaaway ka ba ha?" ani Brenna

"Wala nga. Halika nga dito. Dun tayo sa bench."

Mabilis siyang naglakad patungo sa bench na tinutukoy ko. Agad siyang umupo at hinintay na makalapit ako sa kanya.

"Ay, ang tagal ha. Mga bukas ka pa makakarating?" biro ni Brenna.

"Tange! Saglit lang kasi. Masyado kang atat, e!"

Binilisan ko na ang paglakad ko dahil baka umakyat na yung adviser namin. Bago pa ako makaupo sa tabi ni Brenna ay may umakbay sa akin. Agad kong tiningnan kung sino ito.

"Anong meron? Bakit di pa kayo umaakyat?" ani Alex.

"May dapat kasing ikwento itong kaibigan mo sa atin." sagot ni Brenna.

"Maupo muna tayo para makapagkwento na ako, okay?" sagot ko. Naupo na kami ni Alex sa bench kung nasaan si Brenna. Huminga muna akong malalim bago nagsalita.

"Ganito kasi.. Umm.. Ano e.. Hmm.. Ahh.. Ehh.."

"King ina, Via! Nakakatouch yung kwento mo. Ang dami kong napulot na aral." ani Brenna.

"Hahahahaha! Tanga. Natatae ata si Via. Umiire siya." ani Alex. Ayun at nabatukan ko silang dalawa. Kita na ngang kinakabahan ako tapos ganyan sila. Hindi sila nakakatulong, leche!

"Eto na nga sasabihin ko na. Mga uhaw sa kwento, bwisit!"

"Hahahaha! Ano na ba kas---"

"May nangyari na samin." Pagpuputol ko kay Alex.

"Whaaaat? You mean, may nangyari? As in? Sex ganon? Pak ganern?" sabat ni Brenna.

"Oo. As in." pag amin ko.

"Kelan nangyari? Saan? Paano? Masakit? Malaki? Ay pucha delete, ano?!"

"Teka nga Brenna! Ang dami mo namang tanong. Nakakaloka ka!"

"Gaga! Mas nakakaloka ka. Naiwala mo na ang Perlas ng Silanganan."

"Hahahaha! Inggit ka lang kay Via. Tuyo't ka kasi hahahahaha!" tawang tawang sabi ni Alex.

"Kahapon lang. Sa bahay nila. Naiwan kaming dalawa sa bahay nila. Tapos ayun nga."

"Tapos ayon, naglaro sila ng pak ganern! Apir, Via! Welcome to the Club! Hahahaha!" ani Alex.

"Gago ka, Alex! Kaya naman pala hirap kang maglakad nang maayos dahil sumobra sa buka yang legs mo. Mukhang baon na baon 'te!" ani Brenna.

Napailing nalang ako sakanilang dalawa habang nagtatawanan sila. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at niyaya ko na silang umakyat. Nakasalubong pa namin si Zach na siya naman'y papunta sa cr habang papasok kami sa classroom. Kinindatan pa niya ako bago siya tuluyang pumasok sa cr.

"Nangangamoy round 2 ah! Hahahaha!" ani Alex. Nakatikim nanaman siya ng batok saken. Buti nalang hindi nila ako jinudge sa nangyari. Mahal ko talaga tong mga kaibigan ko.

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon