Pakiramdam ko ay ang pula pula ng mukha ko ngayon. Nakababa na kami sa Ferris Wheel na iyon. Panay ang lingon ko sa mga taong sumakay din doon. Naghahanap ng maaaring posibilidad na may nakakita sa nangyari. Ngunit normal naman ang lahat. Masaya at nagtatawanan.Isinantabi ko na lamang ang aking nasa isip. Paranoid lang siguro ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkahawak ang aming mga kamay. Meron kaming mga nakakasalubong na galing sa ibang rides na napapatingin sa akin. Chineck ko pa ang aking mukha sa aking salamin upang tingnan kung may dumi ba ito. Wala naman. Bakit kaya? Sinulyapan ko ang mukha ni Zach. Napakalawak ng kanyang ngiti na para bang nanalo siya sa lotto. Napansin niya yata na nakatingin ako sakanya kaya't bumaling siya sa akin.
"Bakit? May gusto ka bang puntahan?" Umiling ako sakanya at ngumiti.
"Wala. Ang gwapo mo lang kasi." napangiti siya sa sinabi ko at naramdaman ko nalang ang marahan na pagkurot niya sa aking pisngi.
"Wag kang ganyan. Baka hindi lang bra mo ang matanggal ko sa susunod." Bigla akong pinagpawisan. Hindi na maipinta ang aking mukha. Narinig ko na lamang ang tawa niya. That. One. Sexy. Chuckle. Damn!
Habang naglalakad kami ay nakita namin sina Brenna at Alex na masayang naglalaro. Himala nga at hindi sila nagbabangayan ngayon. Nilapitan namin sila at sakto naman na tapos na ang kanilang nilalaro.
"Uyy! Saan kayo galing? Mukhang enjoy na enjoy itong boyfriend mo Via, ah! Parang masarap ang tulog niyan mamaya. Hahahaha!" Binigyan ako ng makahulugang ngiti ni Brenna.
"Masarap nga ata talaga tulog ko nito. Sobrang sarap." seryoso naman si Zach sa pagkakasabi niya nun pero bakit parang iba ang dating sa akin nung sinabi niya? Bakit parang ang halay nung naisip ko? Jusko, Via! Ferris wheel pa ha!
"Oy ano yan? Bat sasarap ang tulog mo? Pinagod ka ni Via? Saan niyo ginawa? Sinong nasa ibabaw? Wild ba?" Sunud-sunod na tanong ni Alex kaya't agad siyang nabatukan ni Brenna.
"Ayan! Dyan ka magaling! Anong ibabaw at wild ang pinagsasabi mo dyan? Inatake ka nanaman ng ka-hokagehan mong monggi ka!" ani Brenna.
"Eh ang lawak ng ngiti ni Zach, e. Mukhang nakaiscore." nagawa pang makipag highfive ni Alex kay Zach matapos niyang sabihin iyon.
"Bastos lang yang pag-iisip mo. Masyadong marumi kaya kung anu-ano ang nakikita mo kahit sa simpleng ngiti lang." ani Brenna
Niyaya ko na silang naglakad papunta sa bus namin. Baka kasi naroon na ang iba naming kaklase at kami na lamang ang hinihintay. Ngunit bago kami tuluyang lumabas ng Enchanted Kingdom ay nagyaya muna si Brenna na bumili ng souvenir. Naiwan sa labas ng souvenir shop sina Alex at Zach dahil wala naman daw silang bibilhin. Kaya't kaming dalawa lamang ni Brenna ang magkasama sa loob nitong shop. Bumili ako ng stuffed toy, tshirt at pillow. Si Brenna naman ay halos ganoon din. Nagbayad na kami ng aming mga pinamili ngunit bago kami lumabas ng shop ay kinalabit ako ni Brenna.
"Via, bakat yung nipples mo. Hindi ata maayos yung bra mo." agad akong namula sa sinabi niya napatingin ako sa dibdib ko at nakitang tama na siya. Nagmadali akong ayusin ito bago kami lumabas.
"Nag sex ba kayo ni--"
"Oyy hindi! Hindi talaga!" agad na depensa ko.
"Hahaha! Okay, okay. Chill ka lang! Nagtatanong lang." lumabas na kami ng shop at agad na binitbit ni Zach ang mga pinamili ko. Sinabi ko naman na magaan lang naman ito ngunit mapilit siya.
Nagpunta na kami sa aming bus at marami na nga ang naroon. Ilang saglit pa ay kompleto na kami. Hinintay na lamang ang mga nasa ibang bus upang sabay sabay na kaming aalis. Kumain na muna kami ng mga sandwich habang naghihintay. Inannounce ng tour guide na pwede na nga magpalit ng pwesto kaya't agad na tumabi sa akin si Zach.
Napakamaalaga niya sa akin. Maya't maya ay tinatanong niya ako kung nagugutom ba ako o kung nahihilo ako. 6:30pm na nang makaalis kami sa EK. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakaramdam ako ng antok. Agad na inilahad ni Zach ang kanyang balikat senyales na doon ako matulog. Ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat at agad na nakatulog.
Ilang minuto lang ay nagising din ako. Baka kasi nahihirapan na si Zach kaya't dumilat na ako. Nakaidlip naman ako kaya hindi na ako inaantok. Makalipas ang isa't kalahating oras ay nasa school na kami. Nagpaalam na kami kina Brenna at Alex na mauuna kami. Ihahatid pa kasi ako ni Zach kaya gagabihin siya lalo kung magtatagal pa kami.
Pumara kami agad ng taxi. Sinabi ni Zach sa driver kung saan kami bababa. Sabi niya ay magdidinner muna kami saglit sa mall bago niya ako ihatid. Tumango na lamang ako. Ilang minuto ang nakalipas at narito na kami sa mall. Sa isang fast food lang kami kumain para mabilis kaming matapos.
Hinatid niya ako sa street malapit sa bahay namin. Hinalikan niya ako sa aking labi at nagpaalam.
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong inayos ang aking mga gamit. Nag shower ako para maginhawaan. Tinext ko agad si Zach na itext niya ako kung nakauwi na siya. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko.
Zach:
I'm home babe.Me:
Buti naman po. :)Zach:
Tulog ka na babe. Baka pag naisip kong gising ka pa... wala hehe. I love you!
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...