Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay sinabi ko sakanyang babalik na ko kina Brenna. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kaya iyon na lamang ginawa ko. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan nina Brenna."Oh bat hingal na hingal ka?" ani Alex.
"Tumakbo kasi ako. Baka kasi wala na kayo rito kaya nagmadali ako."
"Nasaan na nga pala si Zach?" tanong ni Brenna. Gusto ko sanang sabihin na iniwan ko siya pagkatapos niyang halikan ang aking pisngi ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
"Nauna na 'ko sakanya. Sabi ko kasi pupuntahan ko pa kayo. Dumiretso na ata iyon sa gym." palusot ko. Sa gym kasi gaganapin iyong program. Para iyon sa mga transferee students at new teachers. Welcome program para sakanila.
"Punta na kaya tayo sa gym? Para makahanap tayo ng magandang pwesto." ani Alex. Sumang ayon naman kami sa sinabi niya kaya tumayo na kami para dumiretso sa gym.
Pagkapasok namin sa gym ay marami na ang tao. Siksikan na kaya di kami makahanap ng magandang pwesto. Iyong mga transferee ay nakahiwalay ng pwesto. Sila ay nakaupo sa monoblock chairs malapit sa stage and the rest ay sa bench o kaya sa sahig ng gym.
Maraming naiinip na habang tumatagal ang program. At masasabi kong isa ako sa mga naiinip na dahil kumakalam na aking tiyan. Dapat pala ay bumili ako ng pagkain sa canteen bago kami pumunta rito.
Hindi na ako nakikinig sa sinasabi ng Principal dahil alam ko naman na iyong sinasabi niya. Hindi ako transferee kaya di ko na kailangang makinig. Abala ako sa paglalaro ng aking cellphone para lang malibang ang ang aking sarili. Kanina pa ko nabbwisit sa mga berdeng baboy na ito dahil hindi sila matamaan ng mga ibon.
Kating kati na akong bumili ng pagkain. Gusto kong kumain ng siomai with fried rice dahil nakita iyong isang elementary student na naglalakad habang kumakain nun. Natatakam ako sa bawat subo nung bata. Para akong ilang araw na hindi pinakain sa sobrang gutom ko.
"Maawa ka sa cellphone mo. Baka lumubog iyong screen niyan sa diin ng pagdutdot mo." ani Brenna
"Naiinis na kasi ako. Ang daming nakaharang na kahoy. Atsaka nagugutom na ako."
"Gutom na gutom na rin ako. Bakit ba kasi kailangang kasama pa tayo sa program na ito. Sana pala umabsent nalang ako at nakipaglaro sa bespren ko." ani Alex
"Ang baboy mo, lex! Hahahaha! Ganyan ka na ba katigang ha?" pang-aasar ko sakanya.
"Kaya ang payat niyan, nauubos na yung bitamina niya kakalaro niya sa bespren niya. Sa susunod, dugo na lalabas dyan. Hahahaha!" sabat ni Brenna
"Palibhasa wala kayong mga experience kaya grabe kayo kung makapang asar saken! Hindi niyo ba alam na nasasaktan na ako?" pagmamaktol ni Alex. Hinawakan niya pa ang dibdib niya na animo'y nasasaktan siya.
"Yung junjun mo ang nasasaktan sa kakasalsal mo riyan. Manahimik ka!" ani Brenna
"Hahahahaha! Manahimik kayo. Baka marinig nila tayo. Nakakahiya!" sabi ko habang tumatawa. At nanahimik nga sila. Ganyan talaga sila mag-usap. Akala mo laging may giyera pag sila ang nagbangayan. Hindi sila nag-aaway sa ginagawa nilang iyon. Hindi rin sila magkagalit. Sadyang malakas lang talaga sila mangtrip sa isa't isa.
Ipagpapatuloy ko na sana ang nilalaro ko nang biglang tumawag si Zach sa cellphone ko. Sinagot ko ito.
"Punta ka dito sa canteen."
"Huh? Bakit? Anong gagawin ko riyan?" tanong ko.
"Basta. Hihintayin kita." Binaba ko na ang tawag. Tiningnan ko ang kabuuan ng bleachers at napagtan
Iginala ko ang aking paningin sa canteen. Nakita ko siyang nakaupo sa dulong pwesto at agad nagtungo roon.
"Hi! Bakit mo ako pinapunta dito?"
"Binilhan kita ng pagkain. Baka nagugutom ka na." Sinulyapan ko ang mga pagkaing binili siya sa akin. Oo "mga" kasi marami siyang binili. Nakita kong may siomai with fried rice, spaghetti at sandwich.
"Ang dami naman nito!"
"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya dinamihan ko na." aniya.
"Salamat. Sabayan mo na ko kumain."
Sabay kaming kumain dahil siomai with fried rice naman talaga ang kanina ko pang gustong kainin. Matapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit. Sakto namang may magpeperform sa gym kaya lumipat kami ng pwesto para makapanood kami. Malapit lang kasi ang canteen sa gym kaya makikita mo kung may kakanta sa stage.
May umakyat na estudyanteng lalake dala-dala ang kanyang gitara. Nagsimula na ito sa pagstrum nang marinig ko ang pamilyar na intro ng kanta.
🎶 "Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka.." 🎶Sinabayan ko ang kanta habang naglalaro ako sa aking cellphone. Tahimik lamang si Zach sa aking tabi.
🎶 "Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana'y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man.." 🎶Paborito ko itong kantang 'to dahil kanta ito ng isa sa mga paborito kong banda.
🎶 "Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na.." 🎶.Nagulat ako nang may narinig ako kumanta sa gilid ko. Tiningnan ko si Zach at nakita kong kinanta niya iyon nang nakatingin sa akin. Para bang ipinaparating sa akin ang bawat salita sa kantang iyon. Tila ba ito ang gustong sabihin ng kanyang puso tungkol sa nararamdaman niya para saken. Natapos na ang kanta at nakatingin pa rin siya saken.
Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla niya akong tawagin.
"Via..."
"Bakit Zach?"
"Hulog na hulog na ako sayo."
Pinutol ko ang titigan naming dalawa. I think I am too. Sabi ko sa aking isip.

BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...