Chapter 9

10 2 1
                                    



"Via! Saan ka ba nagpunta at ang tagal mong bumalik?" tanong ni Brenna saken. 

"Ah, kumain lang ako. Niyaya kasi ako ni Zach."

"Ayan. Ayan tayo, e. Hindi ka man lang nagyaya samin." reklamo ni Alex.

"Malamang magdidate sila kaya bakit kailangang naroon tayo?" ani Brenna.

"Sorry guys. Akala ko kasi may sasabihin lang siya, yun naman pala eh binilhan niya ako ng pagkain."

"Ang sweet naman pala ni Zach, e. Wala man lang bang patake out para samin?" ani Brenna

"Wala. Sino ka ba para itake out ng pagkain ni Zach? Ikaw ba iyong nililigawan niya?" usal ni Alex.

"Hay nako. Ewan ko sayo. Bukod sa pambabara at pakikipaglaro sa bespren mo, ano pang alam mo? Irita 'to!" ani Brenna.

Hinayaan ko nalang na mapagod sa pag-aasaran ang dalawa. Sanay na sanay na ako sakanila dahil wala namang pisikalan na nangyayari. Balak kong magpunta sa mall mamayang uwian. Matagal na rin na school at bahay lang ako. Gusto ko naman makapamasyal kahit saglit para naman malibang ako.

"Hi, Via! Kumusta?" bati sa akin ni Tristan. Kasunod niya sa kangyang likod ay si Mara.

"Hi, Tristan at Mara! Okay lang ako.  Saan kayo galing?" sagot ko.

"Sa Faculty lang. May ipinakuha lang sa amin si Ma'am Chavez."

Tumango na lamang ako. Nagpaalam si Tristan na pupuntahan niya si Zach kaya't naiwan kaming magkasama ni Mara.

"Alam mo ba, ang sweet ni Zach sa akin."  bakas ang kilig sa pagkakasabing iyon ni Mara.

"Talaga? Anong meron?" takang tanong ko.

"Wala naman. Gabi-gabi kaming magkatext. Tapos puro pick-up lines yung mga sinasabi niya saken. Kilig na kilig nga ako, e." aniya

Hindi ko alam kung totoo ba iyong sinabi ni Mara pero nanikip ang dibdib ko. Nasaktan ba ko? Nagselos? Hindi ko alam. Baka nga pinagtitripan niya lang ako. Baka si Mara naman talaga yung gusto niya at hindi ako.

Hilaw na ngiti ang iginagawad ko kay Mara sa bawat kwento niya sa di umano'y kasweetan ni Zach. Kilig na kilig siya sa mga sinasabi niya habang ako ay unti-unting naninikip ang pakiramdam. Lalong nanikip ang dibdib ko nang matanaw ko si Zach na papunta sa gawi namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang papalapit siya.

"Umm, Mara. Una na 'ko. Nandyan naman na si Zach. Kukunin ko na ang mga gamit ko sa locker para makauwi na ako." pagpapaalam ko kay Mara.

"Ha? Ah, osige. Mag-iingat ka ha." ani Mara.

Tumalikod na ako sakanya para di na ko maabutan pa ni Zach. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay narinig ko na ang pagtawag ni Zach sa pangalan ko. Hindi ko siya nilingon. Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Nagmadali akong kuhanin ang mga gamit ko para makaalis agad ako.

Sa kabilang hagdanan ako dumaan para hindi nila ako mapansin kung sakaling naroon pa rin sila ni Mara. Baka hindi ko kayanin ang kasweetan ni Zach na sinasabi ni Mara. Akala ko ba ako ang gusto mo? Bakit may isa pa? Naiinip ka na ba sa akin? Iwinaksi ko ang iniisip kong iyon. Hindi dapat ako magpaapekto. Hindi ako dapat magpatalo. Mabuti nalang ay hindi ko pa sinasabi sakanya na nahuhulog na ako sakanya. Dahil baka magmukha lang akong tanga kapag nalaman kong hindi naman pala talaga niya ako gusto.

Nagmamadali ako nang may nakabunggo ako. Inangat ko ang paningin ko sa taong nakabunggo ko.

"Sorry, Via. Di ko napansin na may makakabunggo ako. Nagtitext kasi ako. Sorry talaga." ani Thea.

Kaibigan ko itong si Thea. Hindi kami sobrang close pero masasabi kong kaibigan ko siya. Ex niya si Alex. Naging sila noong first year highschool.  Hindi ko nga lang alam kung bakit sila nagkahiwalay.

"Nako ano ka ba. Ako ang dapat magsorry. Hindi kasi ako nakatingin dahil ang lalim ng iniisip ko. Sorry, Thea."

"Ayos lang. Basta sorry ulit ha. Uuwi ka na ba?" tanong ni Thea.

"Oo, e. May pupuntahan pa kasi ako."

"Ganun ba? Sige mag-iingat ka ha."

Tumango ako sakanya saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Tinext ko sina Brenna na magkita kami sa isang mall mamayang 5:30pm. Alas tres palang ng hapon kaya't may sapat na oras pa kami. Balak ko muna kasing iuwi ang mga gamit ko at magpalit ng damit.

Pagkalipas ng isang oras ay nakapagbihis na ako. Kinuha ko lamang ang cellphone at wallet ko para makaalis na. Nagtext sa akin si Brenna na nasa Foodcourt sila ng mall na pagkakakitaan namin.

"Oh anong meron? Bat mo naisipan mag-mall?" tanong ni Alex.

"Wala naman. Bored na ko sa bahay e. Gusto ko mamasyal." sagot ko.

"Bakit parang ang tamlay mo? Anong problema? Sige na, spill." usal ni Brenna.

Kinuwento ko sakanila iyong mga sinabi sa akin ni Mara. Walang labis, walang kulang. Bawat detalye ay sinabi ko sakanila para mas mabigyan nila ako ng payo sa gagawin ko.

"Kinompronta mo na ba si Zach tungkol diyan?" tanong ni Alex.

"Hindi pa. Natatakot ako sa malalaman ko e."

"Bat hindi ko kaya tanungin si Zach tungkol diyan? Siya lang naman ang makakasagot niyang tanong sa isip mo, e. Tamang tama. Papunta iyon dito. Tinext niya kasi ako kung alam ko raw ba kung nasaan ka. Sinabi ko na magkikita tayo dito kaya ayun, pinapunta ko na rin." usal ni Brenna.

"Ano?! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Sana sinabi mo muna sa akin."

"Sorry dear. Di ko alam na may ganyang pangyayari kanina e. Gusto mo sabihin kong wag nalang siya pumunta?" ani Brenna.

"Ayan. Masyado ka kasi, e. Ang daldal mo kasi. Sa sobrang kadaldalan mo, nakakalimutan mo nang mag-isip. Yung totoo, nag-eexist pa ba yung brain mo?" ani Alex.

"Hoy Alex Fuentabella, manahimik ka! Hindi ko kailangan ang opinyon ng bespren mo. Shut up, okay?" usal ni Brenna.

"Mas lalong hindi ka kailangan ng bespren ko. Hinding hindi ka niya gugustuhing maging bespren!" ani Alex.

Habang nagtatalo sila ay may humawak ng kamay ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkagulat. Hinila niya ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nagpatianod ako.

"Bakit hindi mo ko pinansin kanina?" tanong ni Zach.

"Wala. Kailangan bang pansinin kita?"

"A-ano?! May ginawa ba akong mali? Sabihin mo saken."

"Bakit pumunta ka pa rito? Baka may date kayo ni Mara."

"Date? Anong date ang pinagsasabi mo dyan? At anong kinalaman ni Mara dito."

"Eh diba gabi-gabi kayong magkatext? Sweet mo pa nga raw sakanya, e. So... Kayo na ba?"

"What the hell? Hindi kami nagkakatext. Hindi ko siya gusto."

"Tigilan mo na yang pangtitrip mo saken. Doon ka na kay Mara."

"Nagseselos ka ba?" hindi niya naikubli ang ngiting sumilay sa kanyang labi ngunit agad niya ring kinagat ito para pigilan.

"Hindi. Bakit naman ako magseselos?"


Nahimigan niya ang pait sa aking boses nang sabihin ko iyon. Damn, not now. I have to act cool and pretend that I'm fine.


"Nagseselos ka nga. Pero gusto kong sabihin sayo na wala kang dapat ipagselos. Because the first day I laid my eyes on you... You've got me big time. Baby, I'm all yours."

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon