Nagulat ako nang biglang bumukas ang mga ilaw. Eh? Tapos na? Hindi ko namalayang tapos na pala ang palabas. Masyado akong natulala kakaisip. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong unti-unting nililisan ang sinehan. Karamihan pala sa mga manonood ay halos mga kasing edad namin. May mga magkakaibigan at mayroon din na mga magkasintahan nanood. Hindi ko nanaman tuloy maiwasang mapaisip."Via, tara na! Tapos na ang palabas. Nagugutom na ako." tawag ni Brenna sa aking atensyon.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng sinehan. Nagpaalam ako sa dalawa na magrerestroom lang ako saglit. Nag ayos ako saglit ng aking buhok at naglagay ng lipstick. Ngunit bago ako tuluyang lumabas ng restroom ay kinuha ko ang cellphone ko at napagdesisyunang itext si Zach.
"Hi babe! Eat ka na po ha. I love you!" Then I pressed the send button.
Sa paraan ng text ko ay hindi mo iisiping may kakaiba. I acted normal. I have to. Dahil ayaw kong mag-assume. Dahil baka wala naman talaga. Pagkatapos nun ay lumabas na ako at nilapitan sina Alex.
"Gusto ko mag pizza. Sbarro nalang tayo please." ani Brenna.
"Kahit naman umayaw kami, di pa rin papatalo yang mga bulate mo sa tiyan."
"Hoy grabe ka Alex! Wala akong bulate sa tiyan. Miss ko lang talaga mag pizza."
"Sige na, sige na. Sa Sbarro nalang tayo. Tara na doon." yaya ko sakanila.
Pagdating namin sa Sbarro ay ang haba ng pila. May promo kasi sila ngayon. Lilipat na sana kami sa ibang restaurant kaso ayaw paawat Brenna. At saglit lang naman daw ang ipipila namin. Maghintay lang daw kami. At ayon, naghintay nga kami. Sa sobrang sanay na kami maghintay, halos isang oras ang hinintay namin bago kami nakaorder. May mga umalis na sa pila sa lagay na yon.
"Grabe! Gutom na gutom talaga ako. Wooh! Pero ang sarap talaga ng pizza shet!" gigil na gigil si Brenna sa kinakain niya.
"Hindi nga halatang gutom ka. Dalawa palang nga nakakain namin ni Via sa 12 slices ng pizza na inorder natin e. Dalawa nalang natitira oh." saad ni Alex.
"Okay lang yun. Hindi rin naman ako masyadong gutom."
"Hehe hindi naman pala masyadong gutom si Via. So ubusin ko na tong mga natira ah? Hihi."
"Ay wow talaga. Di man lang ako inalok kung baka gusto ko pa. Hala sige! Kumain ka pa. Mukhang kulang pa talaga sayo." ani Alex
Habang busy magtalo sina Brenna at Alex ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko na sana titingnan kaso gusto kong malaman kung si Zach nga ba yung nagtext.
"Kumain na ko babe. Ikaw din ha. I love you more."
Napabuntong hininga ako. Okay pa naman pala. Dahil ganyan pa rin siya magreply. Siguro nga paranoid lang talaga ako.
Nang matapos kumain si Brenna ay nagpaalam ako sakanilang mauuna na ako umuwi dahil bawal ako mapuyat dahil may rehearsal pa ko bukas. Dapat sapat ang tulog ko para may lakas ako sumayaw. Sila naman daw ay mamamasyal muna sa mall.
Pagkauwi ng bahay ay nag shower agad ako. Pagod na pagod ako ngayon kahit wala naman kaming ginawa masyado. Pagkatapos mag shower ay nagbihis na ako at agad na nagpatuyo ng buhok. Pinagmasdan ko ang aking buhok sa salamin. Humahaba na ito, makapal pa naman ang aking buhok kaya mas matagal bago ito matuyo. Pagkalipas ng ilang minuto ay natuyo na rin ito. Pumunta na ako sa aking kama para maghanda sa aking pagtulog ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomansaYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...