Pagkatapos kong basahin iyon ay nakita kong nakatayo si Zach malapit sa aking locker. Titig na titig siya sa akin na para bang hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ko sa nilalaman ng kanyang sulat.
"Sabi ko sayo, seryoso ako. Kahit ilang sulat pa ang kailangan kong ibigay sayo gagawin ko, kung kapalit naman nito ay ang matamis mong oo." aniya.
"Zach, bakit? Bakit ako?"
"Walang dahilan kung bakit ikaw. Basta naramdaman nalang ng puso ko na gusto ka na nito."
"Ang bilis kasi. Wala pang isang buwan simula nung maghiwalay kayo ni Alyssa tapos ngayon ako na ang gust--"
"Dahil wala akong gusto sakanya! Una palang ikaw na ang gusto ko!"
"A-anong sinasabi mo?"
"Unang araw palang na nakita kita, nagustuhan na kita. At simula noong nakausap kita, lalo pa akong nahulog sayo. Pinigilan ko naman yung nararamdaman ko para sayo, e! Dahil sinabi saken ni Tristan na may boyfriend ka. Pero natalo ako... Natalo ako kasi tuwing makikita kita lalo lang akong nagkakagusto sayo."
"H-hindi ko alam ang sasabihin ko."
"Hihintayin ko ang sagot mo. Hindi kita minamadali."
"Thank you. I just need some time. Sige, uuwi na ko."
"Hatid na kita."
"Hindi na. Mas makakapag-isip ako kung mag-isa lang ako."
Lutang ako habang naglalakad palabas ng school. Masyado akong nagulat sa mga sinabi niya kaya't ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat. Pagkauwi ko sa bahay ay naligo at nagpahinga. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako.
Ala sais na ng gabi nang magising ako. Bababa na sana ako para maghapunan nang mag ring ako cellphone ko. Nakita kong tumatawag sa akin si Brenna kaya sinagot ko ito.
"Hoy babae ka! Nawala ka bigla nung uwian. Saan ka naman umaura ha?"
"Umuwi ako agad. Pero bago iyon ay nakausap ko si Zach."
"Ay tologo nomon! Ano naman pinagusapan niyo? Wait. Parang alam ko na, e. Tungkol ba yan sa panliligaw niya?"
"Oo. And I think he deserves a chance. Don't you think?"
"Buti naman at naisip mo yan. Kaloka ka! Manliligaw lang naman yung tao akala mo e magpopropose na kung makapag-isip isip ka riyan. Masyado kang advance mag-isip!"
"Eh syempre malay ko bang kung trip lang ako nung tao."
"Gusto ka nun. Bigyan mo lang ng chance na mas mapatunayan niyang seryoso siya."
"Yun na nga ang gagawin ko."
"Osha sige. Good yan! Bababa ko na ito. Bye!"
Nagpaalam na rin ako sakanya. Pababa na sana ako para kumain nang mag ring ulit ang cellphone ko. Si Zach naman ang tumatawag at sinagot ko ito.
"Kanina pa ako nagtetext sayo. Hindi ka nagrereply, nag-alala ako. Kaya tumawag na 'ko sayo."
"Ahh ganun ba? Nakatulog kasi ako kaya di ako nakareply. Sorry."
"Kaya pala. Sige. Okay na ko kasi okay ka naman."
"Zach... I'm giving you a chance." Pagkasabi ko nun ay binaba ko na agad ang tawag. Baka hindi na ko makakain kapag patuloy pa kaming mag-usap.
Kinabukasan ay hindi maikubli ang mga ngiti sa mukha ng bawat estudyanteng dumarating sa school. May program kasi ngayong araw at wala kaming klase hanggang uwian. Ganadong ganado ang mga estudyante habang naglalakad sa school grounds.
Nakita ko sina Alex at Brenna sa bench di kalayuan sa lobby ng school. Nilapitan ko agad sila para makipagkwentuhan.
"Hi guys!" Bati ko sabay beso sakanila. Kahit na naiilang si Alex dahil lalake siya ay nakipagbeso siya. Aniya'y para siyang bading sa ginagawa niya.
"Ang reklamador mo lately ha." tukoy ko kay Alex.
"Wala naman. Miss ko lang girlfriend ko. Sa pasko pa ko makakauwi sa probinsya e."
Nasa London nagtatrabaho ang mommy ni Alex. Ang lola at kanyang mga pinsan lamang ang kasama niya rito sa Maynila. Tuwing bakasyon ay unuuwi sila sa Isabela. Mas matanda ng tatlong taon sakanya ang kanyang girlfriend.
"Miss niya na rin makipagbahay-bahayan. Umurong na ata pagkalalake niya sa sobrang tigang niya. Isang taon nang nagmamaktol yung bespren niya sa loob ng pantalon niya." ani Brenna sabay hagalpak ng tawa.
"Baka mabuntis mo iyong girlfriend mo, Alex! Gumagamit ba kayo ng proteksyon?" tanong ko.
"Hindi. Ayaw niya e. Gusto raw niya na ramdam na ramdam niya ako. Masarap kasi yata talaga ako." ani Alex.
Saktong umiinom naman ng tubig si Brenna nang sabihin iyon ni Alex kaya't naibuga niya iyong tubig sa sahig.
"Huwaw naman tol! Puring puri mo iyang sarili mo ha. Maglabas ka nalang ng likido sa katawan mo nang mabawasan ng konti yung confidence mo."
Tawang tawa ako sa kanilang dalawa habang pinapanood ko silang mag-asaran. Paano kaya kung sila ang magkatuluyan dahil sa ginagawa nila? Hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Oy ikaw! Ano baliw ka na? Bat ngumingiti ka mag-isa riyan? Wala na ba akong matinong kaibigan? Naknampucha. Lord, ano pong ginawa kong mali? Huhu." ani Brenna.
"Anong ginawa mong mali? Sasabihin ko sayo. Wala kang ginawa kundi ang dumakdak dyan. Daig mo pa ang lola ko pag nagsermon." ani Alex.
"Ikaw ba si Lord? Bat ikaw ang sumasagot dyan? Kingina nito." ani Brenna.
Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Hindi na ako makasingit sakanilang dalawa dahil puro sila asaran. Habang tawa ako ng tawa ay may lumapit sa amin.
"Via, pwede ba kitang makausap?"
Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at nalamang si Zach pala ito. Sinulyapan ko sina Brenna na biglang natahimik sa pagdating ni Zach. Tumango si Alex sa akin bilang senyales na makipag-usap daw ako kay Zach. Lumingon ako kay Zach atsaka tumango.
"Sa likuran ng gym tayo." aniya. Sumunod na lamang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa lugar na gusto niya. Hinarap niya ako sakanya at diretsong tiningnan aking mata.
"Thank you for giving me a chance. Pinasaya mo ako. Di ako agad nakatulog dahil don."
"You're welco--" napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang halikan ang aking pisngi.
"Gusto ko sanang halikan ang labi mo kaso nililigawan palang kita, e. Tsaka na kapag sinagot mo na ako. Sa ngayon, ito nalang muna ang hahalikan ko."
I'm lost for words. I knew right at this moment that my cheeks are turning red. Damn, Zachary Martinez!
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...