Wag mong ipagkait sa sarili mo ang maging masaya. Hanggat wala kang tinatapakan na ibang tao, maging masaya ka lang.Antok na antok ako pero pinilit kong dumilat para pumasok. Lately, excited akong pumunta sa school. Hindi ko alam kung bakit. Kahit na napupuyat ako gigising ako nang maaga pag naalala kong papasok nga pala ako. Madalas ay hindi na ako nakakakain ng agahan sa sobrang pagmamadali kong pumasok. Hindi naman ako late pero gusto ko lang talagang magmadali.
6:15am palang ay nasa school nalang ako. 7:15am nagsisimula ang klase ko kaya may isang oras pa ako para tumambay. Late kasi dumarating sina Brenna kaya hindi na ako umaasang makakasama ko sila ngayong oras na to.
Nilibang ko na lamang ang sarili ko. Nagdownload ako kagabi ng games sa cellphone ko dahil sawang sawa na ako sa mga ibon at berdeng baboy na nilalaro ko. Kaya ko lang naman idinownload iyon dahil sabi ng pamangkin ko. Sabi niya ay subukan ko raw para naman may laro ako sa cellphone ko. Pinagbigyan ko naman siya dahil tuwing pinapanood ko siyang maglaro ay parang tuwang tuwa naman siya. Nung una ko itong nilaro ay aaminin kong naadik ako. Nakakachallenge ito. Pero kalaunan ay nabwisit na ako sa mga kahoy na nakaharang sa mga baboy dahilan kung bakit mahirap na itong tamaan.
Ang bago kong laro ngayon ay iyong Temple Run. Natatawa ako sa aking sarili dahil minsan ay napapatayo pa ako pag tumatalon iyong tao dun sa Temple Run. Feeling ko ata ay ako iyong hinahabol.
Habang busy ako sa paglalaro ay may tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita kong si Tristan pala ito. Naglalakad na siya papalapit sa akin at pansin ko ang mga babaeng grabe kung makatitig sakanya. Gwapo naman kasi talaga siya. Matangkad at may katamtamang laki ng katawan. Tambay na kasi ata itong lalakeng ito sa gym. At may angas kapag naglalakad kaya talaga namang mapapatingin ka sakanya.
"Hi Via!" bati ni Tristan.
"Hello! May kailangan ka?" tanong ko.
"Wala naman. Sasabihin ko lang sayo na hindi papasok si Zach ngayon."
"Ha? Ganun ba? Bakit daw?"
"Hindi ko alam, e. Tinext niya lang kasi ako. Tanungin mo nalang siya. Sige, Via! Canteen lang muna ako." paalam niya.
Bigla akong nalungkot sa narinig. Ano ka ba, Via! Baka naman may sakit lang yung tao kaya hindi makakapasok. Wag ka na magdrama dyan. Hindi bagay. Para kang tanga. At feeling ko baliw na ako. Kinakausap ko na yung sarili dahil nalungkot ako sa nalaman ko.
Naunang dumating si Alex kay Brenna. Nang makita niya ako sa kinauupuan ko ay agad niya akong pinuntahan. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil may kasama na ako. Malungkot kasi pag wala kang kasama. Bakit ba kasi ang aga kong pumasok?!
"Uy, Via!" sigaw ni Alex.
"Aray naman! Bakit ka ba kasi sumisigaw? At talagang sa mismong tainga ko pa? Lakas rin ng saltik mo e, no?"
"Eh kasi naman po, kanina pa kita kinakausap eh tulala ka naman dyan. Anong meron? Hinahanap mo ba sina Crispin at Basilio?" aniya
"Baliw! May iniisip lang kasi ako."
"Grabe naman yang iniisip mo. Ocean deep? Ang lalim e. Kala ko malulunod ka na!"
"Hahahaha! Loko ka. Asan na ba si Bren---"
"Hi mga keppy!" biglang singit ni Brenna.
"What the? Anong keppy pinagsasabi mo dyan?"
"Keppy... Di mo alam yun Alex? Of all people akala ko pa naman ikaw unang makakagets! Paborito mo kaya yun!" ani Brenna.
"Huh? Keppy? Oo, paborito ko yun. Diba chichirya yun? Iniba na nila yung pangalan?" takang tanong ni Alex.
"Hala siya oh. Tanga ka na? Chippy yun tol! Chippy. Hahahahaha!" ani Brenna sabay hagalpak namin ng tawa.
"Eh ano ba kasi iyang keppy na yan? Sabihin mo na kasi. Nakakacurious leche!" nag-aalburotong sabi ni Alex.
"Alex, private part ng babae yun." saad ko.
"Wag mo sabihing hindi mo paborito yun? Luluhod ang mga tala kapag hindi." ani Brenna.
"Yun pala yun. Hahahaha! Paborito ko ngang kainin yun. Lalo na pag juicy."
"Ay badtrip. Dinescribe pa ni loko. Chippy na nga lang kainin mo hahahaha!" ani Brenna.
Pagkatapos ng sandaling iyon ay umakyat na kami sa classroom. May mga pagkakataong hindi ko maiwasan ang pagkakatulala dahil hindi ko siya nakita ngayon. Naisip kong itext siya mamaya pag-uwi ko.
Makalipas ang ilang oras ay uwian na rin namin. Dumiretso ako nang uwi sa bahay. Nagpahinga muna ako saglit pagkatapos ay naligo na. Binilisan ko lamang ang pagkain ng hapunan para maitext ko siya at matanong kung bakit siya absent kanina.
Pagkatapos ng fifteen minutes ay natapos akong kumain. Umakyat ako sa aking kwarto at pumwesto sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone ko para maitext si Zach.
Me:
Hi! Goodevening. :)
Zach:
Hello! Kumain ka na?
Me:
Oo. Ikaw ba?
Zach.
Yup tapos na. :) pahinga ka tapos sleep ka na maya maya.
Me:
Ah, good! Oo hehe. Bat pala absent ka kanina?
Zach:
Wala lang tinamad lang ako pumasok.
Akala ko pa naman ay may sakit siya. Kanina pa ako isip nang isip kung bakit siya absent yun naman pala ay tinaman lang siya. Sakit kaya sa ulo nung ginawa kong pag-iisip kanina. Pinag-alala niya ako masyado.
Me:
Ahh kaya pala. Kala ko may sakit ka, e.
Zach:
Nag-alala ka ba?
Me:
Oo naman. Di ka kasi nagtext, e.
Zach:
Sinadya kong magpamiss sayo.
Me:
Well infairness, effective yung ginawa mo.
Zach:
Namiss kita. Pag girlfriend na kita, hindi pwedeng di tayo magkita araw-araw.
Me:
Naks bumabanat! Wag ka pala umabsent bukas. May sasabihin ako sayo.
There's no more turning back. I fell inlove with the person I didn't even know I'd be in love in the first place.
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...