"Via! Dalian mo nga at may ipapakita kami sayo. Wag ka na mag emote emote diyan na akala mo'y kasali ka sa isang music video!" Sigaw ni Brenna saken.
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom nang marinig ko ang hiyaw ni Brenna sa akin. Unang araw ng pasukan at ngayo'y 4th year highschool na kami. Hindi ko alam kung bakit parang lumaklak ng energy drink itong si Brenna at kung makahiyaw eh pagkalakas-lakas.
"Ano ba kasi yun? Ang aga pa pero ang ingay ingay mo na!"
"Eh kasi naman po Miss Aviana Kinsley Gallego, may mga transferee na napunta sa section natin! Isn't it amazing?" Aniya.
"Ano naman ngayon? Yan lang ba ang sinisigaw sigaw mo dyan? I'm not interested." Saad ko sabay pasok sa loob ng classroom.
Diretso ang pag salampak ko sa upuan nang biglang may mga babaeng pumasok sa aming classrom na mula pa sa ibang section. Hindi nila malaman kung papasok sila o sisilip nalang.
"Oh my gosh! Siya ba yung transferee?"
"Oo siya yun! Ang gwapo! May girlfriend na kaya siya?"
Iyan lang naman ang mga narinig ko na pinaguusapan nila at naging hudyat iyon para tingnan ang mga nakaupo sa likuran ko at inisa isa kong tingan ang mga mukha nang mapatigil ako sa hindi pamilyar na mukha.
"Hoy Gallego! May pa "I'm not interested" ka pang nalalaman ha! Ano itong nasaksihan ko? Bat ka nakatingin kay pretty boy, aber?" Ani Brenna.
Napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Brenna. Was I staring too much? No, I don't think so. Panibagong mukha lang kasi kaya siguro ganon. Normal naman yun sa first day of school.
"Hindi ah." Depensa ko sa aking sarili.
"Ahh. Sige. Kunwari nalang na convinced ako sa sinabi mo." Sabay kindat sa akin ni Brenna.
"Alam mo, masyado ka e. Napatingin lang nga ako sakanya."
"Oo na, wag masyadong defensive napaghahalataan ka 'te!" Sabay upo niya sa katabing upuan ng sa akin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na ang aming adviser na si Mrs. Chavez. At tulad ng inaasahan, isa isa kaming nagpakilala kahit karamihan sa amin ay magkakakilala para na rin sa mga bagong dating.
"Yes iho, ikaw na ang susunod. Will you please come here in front and tell us something about yourself?" Ani Ma'am Chavez.
"Kyaaaaaa! Ayan naaaaa siya na! Malalaman na naten pangalan niya Jemaimah!"
"Oo nga kaya manahimik ka na at baka sungalngalin kita bes hehe."
Hindi pa man din nakakapagsalita itong lalake sa harap namin ay nagtitilian na ang ibang kaklase naming babae. What's with him? Why are they so fond of him? I don't get it.
"Um, Hi. My name is Zachary Graysen Martinez. You can call me Zach for short. And I'm 17 years old."
"Thank you Mr. Martinez you may now take your seat."
Pagkatapos naming magpakilala, may mga activity na pinagawa sa amin si Ma'am Chavez. Nakakaenjoy naman pero nakakapagtaka lang dahil hindi ko na muli narinig pa ang boses nung Zach. Nakapagsalita naman siya kanina at ibig sabihin nun ay hindi siya pipe. Nilingon ko ang pwesto niya at nakita ko siyang nakikipagtawanan sa mga kaklase naming lalake.
"Aviana! Bili tayong pagkain." Yaya ni Alex sa akin. Bestfriend ko silang dalawa ni Brenna.
"Sige hintayin mo ko sa labas. Kukunin ko lang ang wallet ko." Agad kong kinuha ang wallet ko dahil alam kong gutom na gutom na si Alex. Lalake siya. Madalas siyang mapagkamalang bading dahil sa kilos niya. Pero may girlfriend siya, kaso nasa probinsya kaya't walang naniniwala sakanya na may girlfriend siya dahil wala silang nakikitang sinasamahang babae ni Alex bukod sa aming dalawa ni Brenna.
"Uy nandyan ba si Zach?" Tanong ni Alyssa, kaklase namin nina Brenna. Maganda siya at maputi. Bali-balita na marami na itong naging boyfriend ngunit hindi nagtatagal.
"Ahh, oo! Nasa loob siya. Hindi ata magbbreak kaya hindi bumaba. Gwapo no? Type nga ata nito ni Aviana." Dire-diretsong sabi ni Alex.
"Uy di na pwede. Kay Alyssa na yun." Singit nung kaibigan ni Alyssa. Nakalimutan ko na ang pangalan.
"Nako wag ka mag alala Alyssa. Sayong sayo na siya. May boyfriend na ako." Agad na depensa ko. Pahamak kasi itong Alex na 'to. Kaibigan ko ba talaga to?
Totoo naman iyong sinabi ko. May boyfriend na ako pero mag iisang buwan palang kami. Kaklase ko siya noong Elementary ako. Long distance relationship kami dahil nasa America siya.
Ginugol namin ang natitirang oras ng break sa pagkain at pagkukwentuhan tungkol sa aming ginawa noong bakasyon.
"Kumusta na kayo ng girlfriend mo lex?" Tanong ko kay Alex nang napagtanto kong natulala siya.
"Ayun naka homerun na ako hahahaha!"
"Ang bata mo pa! Ako di ko gagawin yan. Nakakatakot! Di ko maimagine. Tara na nga! Balik na tayo sa room." Yaya ko kay Alex dahil kinilabutan ako sa pasabog niya.
"May dare ako sayo." Ani Alex
"Ano naman yun?"
"Mag hi ka nga kay Zach. Malay mo type ka niyan nahihiya lang."
"Ayoko nga! Baka sabunutan pa ako ng mga nagkakagusto sakanya."
"Dali na. Try lang, e!"
"Oo na sige na nga!"
Saktong pagtayo ko sa aking upuan ay ang paglakad ni Zach malapit sa kinatatayuan ko. Kaya't bago pa siya makalagpas ay lumapit na ako.
"Hi, Zach!" ang laki ng ngiti ko sa kanya. Syempre para mas effective diba?
Tiningnan niya lang ako at nginitian sabay labas ng classroom. Naiwan akong gulantang sa pangyayari at saktong paglabas ni Zach ay ang paghagalpak ng tawa ni Alex.
"Bwisit ka! Napahiya ako! Ang suplado niya hinding hindi ko siya magugustuhan!" Sabay sugod ko kay Alex para mabatukan siya.
"Easy! Hahahaha! Pero binabalaan kita. Wag ka magsalita ng tapos dahil baka sa susunod, mahulog ka. Sa sobrang lalim hindi ka na makakaahon pa." napatitig ako sa sakanya pagkasabi niya nun. Ang weird talaga ni Alex kaso may ibang epekto sa akin yung sinabi niya.
At sa pagkakataong yun, naramdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Naririnig ko ang pagtawag sa akin nina Brenna at Alex ngunit tanging pagtibok lamang ng puso ko ang naririnig ko. Bakit? Bakit parang kinabahan ako sa sinabi ni Alex? May boyfriend na ako. Mahuhulog nga kaya ako sa taong di ko akalaing mamahalin ko o mapaninindigan ko ang sinabi kong hinding hindi ko siya magugustuhan?
At habang iniisip ko ang sinabi ni Alex ay siya namang pagbalik ni Zach sa room. Tumigil siya sa harap ko at kinindatan ako.
Doon muli nagsimulang maghuramentado ang puso ko. Ngunit hindi dahil sa kaba. Isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag kung ano. At sa puntong iyon, di ko alam kung iyon na ba ang simula ng unti unti kong paglubog.

BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...