Napapitlag ako sa gulat nang mag-alarm ang cellphone ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang ala singko na nang umaga. Pinindot ko ang snooze para makaidlip pa ako ng ilang minuto. Nang sa wakas ay nag alarm ulit sa pangalawang beses ay napagdesisyunan ko ng bumangon.Kinusot kusot ko ang aking mga mata para makadilat nang mas maayos. Dumiretso ako sa dining area para kumain ng agahan. Kumuha ako ng bread, lettuce at ham. Saglit lamang ang naging pagkain ko nang matapos ako. Gumawa pa ako ng isang sandwich para sa snack ko mamaya sa school.
Naligo ako at naghanda na sa pagpasok. Nang makarating ako sa school ay nakita kong medyo marami na ang naroon. Himala nga't naroon na rin sina Alex. Nilapitan ko sila at nakipagkwentuhan saglit. Iginala ko ang aking paningin sa mga taong nakikita ko. Nakita ko si Zach na nakikipagtawanan kasama si Tristan at iba pa niyang mga kaibigan.
Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase. Sabay sabay kaming naglakad nuna Brenna papunta sa hagdanan patungo sa aming classroom. Ngunit hindi pa kami nakakalayo sa aming kinatatayuan kanina ay may sumabay sa aming maglakad.
"Goodmorning! Tulungan na kita dyan sa gamit mo." nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at nakitang si Zach pala iyon. Kinantyawan kami nina Brenna at mga kaibigan ni Zach. Uminit ang pisngi ko sa nangyari.
"Hindi na Zach. Kaya ko naman ito. Salamat!" saad ko sakanya. Nahihiya kasi ako dahil patuloy sa pangangantyaw ang mga kaibigan niya lalo na si Tristan. Ang lawak ng ngiti niya at nakipag-apiran pa siya kay Zach. Napailing na lamang ako sakanilang ginagawa.
"Ayokong umaga palang ay pagod ka na. Sige na, akin na yang bitbit mo." ani Zach. Wala na akong nagawa. Masyado siyang pursigidong tulungan ako. Binigay ko sakanya ang ilang librong bitbit ko. Kinindatan niya ako pagkatapos niyang kunin ang mga ito.
"Nice one, pare! Nililigawan mo pala itong si Via? Ayos yan." ani Jared. Kaibigan ni Zach. Magbabarkada sila nina Tristan. Marami sila sa barkada. Pero si Tristan palang ang nakakausap ko dahil siya itong close ko.
"Oo pare. Tinamaan, e. Ngayon niyo lang pala nalaman na nililigawan ko siya." Lalo silang nagkantyawan nang sabihin iyon ni Zach. Papalapit na kami sa aming classroom nang sabihin niya iyon. Nagtaka ang ilan sa aming mga kaklase sa kung anong meron. Pinabayaan ko lamang ito. Magkaklase kami pati na iyong mga barkada ni Zach.
"Kaya naman pala hindi ka namin masyado nakakasama pag may inuman. Iba pala ang pinagkakaabalahan mo. Okay lang pre. Suportado ka namin." kinuha ko sakanya ang mga libro ko at nagpasalamat. Iyong iba ay nilagay ko sa loob mg locker dahil mamayang hapon pa naman ito gagamitin.
Habang naglalagay ako ng mga libro ay lumapit sa akin si Zach at tinitigan ako habang abala ako sa aking ginagawa. Nailang ako sa kanyang ginawa kaya't tinigil ko saglit ang pag-aayos ng libro.
"Umm.. Bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko sakanya.Ngunit tumitig lamang siya sa akin. Hinampas ko siya sa braso nang hindi siya natinag sa pagkakatitig sa akin. "Uy ano na? Haha! Wag ka na tumitig." saad ko. Napangiti siya bigla. Bigla niyang kinurot ang pisngi ko.
"Bakit? Ayaw mo ba na tinititigan kita?" tanong niya sa akin.
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay na tinititigan ako. Nakakailang, e." paliwanag ko sakanya. Nacoconscious kasi talaga ako pag tinititigan ako.
"Pwes masanay ka na. Dahil tititigan kita sa ayaw at sa gusto mo." aniya sabay kindat sa akin at tuluyan nang pumasok sa classroom habang naiwan akong nakanganga.
"Alam mo, dalawa lang yan e. Kaya ka tinititigan ay dahil baka may mali sayo..... O baka may tama siya sayo. Which I think it's the latter. May tama talaga yun sayo." ani Brenna.
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomansaYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...