Chapter 22

10 0 0
                                    



Pagkatapos ng klase ay agad akong nilapitan nina Alex. Bakas ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Napailing na lamang ako  sa kanya.

"Uwi ka na ba agad, Via?" tanong ni Brenna.

"Uh, hindi naman. Bakit? May lakad ba tayo ngayon?"

"Wala naman sana. Pero ngayon nagka-idea na ako. Hahaha!" aniya sabay tingin kay Alex. Takang taka ako sa inasta nang dalawa.

"Saglit lang. May hinihintay lang tayo tapos gora na." ani Brenna.

"Hi guys! Sorry natagalan." agad akong hinanap ng paningin ni Zach. Nang makita niya ako ay agad niya akong hinalikan sa labi.

"Ehem. Oh ano?! Tara na ba? Nagugutom na ako e." ani Alex.

"Kahit kailan ka talaga e no? Umiiral nanaman yang pagka patay gutom mo. Oh tara na guys!" sabat ni Brenna.

"Akala ko ba may hinihintay pa tayo? Nasaan na ba yung hinihintay naten?" tanong ko.

"Andyan na sa tabi mo. Si Zach yung hinihintay naten." ani Alex.

Napa face palm na lamang ako. Akala ko naman kung sino yung hinihintay namin. Akala ko nagyaya pa sila ng kaibigan namin. Si Zach lang naman pala yung hinihintay namin.

Nag abang na kami ng jeep. Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta dahil mukhang planado naman na nila kung saan ang lakad namin ngayon. Nang may matamaang maluwag na jeep ay agad kaming sumakay. Nakatulog ako sa biyahe dahil medyo traffic. Ginising na lamang ako ni Zach nung malapit na kami bumaba.

Pagkababa namin sa jeep ay agad akong napanganga. Pabalik balik ang tingin ko kina Zach at maging sa pamilyar na kalsadang tatahakin namin.

"Teka lang guys, bakit nandito tayo?" tanong ko.

"Bakit, Via? May bumabalik ba na sariwang kaganapan? Hahahaha joke only. Bwahahahaha!" ani Alex

"H-ha? A-ahh w-wala..."

"Dito lang namin napagusapang tumambay since nagyaya naman si Zach kanina."

Nagsimula na silang maglakad habang ako ay nakatayo lang. Bumalik lang ako sa aking ulirat nang hawakan ni Zach ang aking kamay.

"Tara na babe? Okay ka lang ba?"

"A-ahh oo. Okay lang ako. Sige tara na."

Nagsimula na kaming maglakad papunta kina Zach. Hindi naman ito kalayuan sa binabaan namin kaya't ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa bahay nila. Walang tao sa bahay nila kaya't tuwang tuwa si Alex dahil malaya raw siyang makakapag ingay.

Nagpaalam samin si Zach na magbibihis at maliligo raw muna siya. Habang kami naman ay abala sa paghahanap ng mga maaari naming panoorin.

"Gusto ko horror ah. Or anything na hindi boring." ani Brenna.

"May alam ako na hindi boring. Maganda yon, Brenna! Siguradong hindi mo pa napapanood." excited na sabi ni Alex.

"Ano yon? Anong title? Bago lang ba yan?" interesadong tanong ni Brenna.

"Iba-iba kasi yon e." ani Alex

"Ano nga kasi yun?"

"Porn. Hehehehehe!"

"Gago ka talaga, Alex! Akala ko naman kahit ngayon lang may maganda kang suggestion. Pero ano pa nga bang aasahan ko sayo?!"

At ayun na. Nagsimula na naman ang bangayan nilang dalawa. Si Brenna ay inis na inis kay Alex samantalang si Alex naman ay tawa nang tawa habang nakikitang inis na inis si Brenna sakanya.

May narinig akong nagriring na cellphone. Tiningnan ko kung akin ba iyong tumutunog pero hindi naman. Nakita kong naiwan ni Zach yung cellphone niya sa ibabaw ng dining table. Tiningnan ko kung sino iyong tumatawag dahil baka parents niya ito at may emergency. Nakita ko sa screen na si Thea ang tumatawag. Saktong bumaba naman si Zach. Sinagot niya iyong tawag sa loob ng kwarto niya.

Nakapili na nang panonoorin sina Brenna ngunit nanatili lamang akong nakatingin sa TV pero nasa ibang bagay ang aking isip.

Lumabas si Zach sa kanyang kwarto na tila ba walang nangyari. Hindi ko siya tinanong kung bakit tumawag si Thea. Baka naman may itatanong lang tungkol sa assignment o kung ano mang importanteng bagay.

Umupo sa tabi ko si Zach. Nanatili akong nakatingin sa mukha niya habang siya ay nakikipagtawanan kina Alex. Napatingin siya saken. Nakita niyang nakatingin ako sakanya. Nginitian niya ako at bigla ko na lamang siyang hinalikan. Mabilis lang pero siniguro kong punong puno ito ng pagmamahal.

"Mahal mo ako diba?" tanong ko.

"Mahal kita. Mahal na mahal. Bakit mo naman biglang natanong yan?" tanong niya.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig kung gaano mo ako kamahal."

Magtitiwala ako. Magtitiwala ako kasi iyon ang tama. Magtitiwala ako kasi mahal kita.

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon