Nagmamadali ako papunta sa school dahil ngayon kami mag rroom to room. Ngayon lang din kasi makikilala ng mga estudyante ang mga tatakbo for Student Council. Buti nalang at nakasakay agad ako ng jeep kung hindi ay talagang malilate ako. Kahit anong pagod ko kasi kagabi ay hindi agad ako nakatulog. Iniisip ko pa rin yung nakita ko kahapon. Hindi ko tinanong si Zach tungkol doon. Ayaw kong mag isip ng masama. Ayaw kong paghinalaan siya. May tiwala ako sakanya.
Pagkarating ko sa school ay kumaripas na agad ako ng tumakbo dahil mahuhuli ako para sa Flag Ceremony. Agad akong pumila kung nasaan ang mga kaklase ko. Nakita ko pang sumenyas saken si Brenna na bilisan ko raw kaya tumakbo na ako.
"Oh bakit parang late ka ng dating ngayon? Ang alam ko eh lagi kang maaga sa school." usisa ni Brenna saken.
"Ahh wala. Napuyat kasi ako kaya late ako nagising. Di ako makatulog e." totoo naman. Di talaga ako makatulog.
Naningkit ang mata ni Brenna saken. Tila ba'y nakukulangan siya sa sinabi ko. Nagkibit balikat na lamang ako. Tumugtog na ang pambansang awit kaya tumalikod na ako sakanya. Alam kong kukulitin ako ni Brenna. Magtatanong siya saken kung ano ang problema kaya nagpapasalamat ako na nadelay ang interrogation niya sa akin.
Pagkatapos ay inannounce ng Principal na ang bawat partido ay mag rroom to room ngayong umaga hanggang hapon. Aniya'y pwede naming hatiin ang oras. Kalahating klase ay sa umaga at kalahati naman ay sa hapon para daw may pahinga kami. Ang iba kong kaklase ay nag rerequest sa akin na tiyempuhan daw namin na terror ang professor para maantala ang klase. Sinasabi ko na nga ba e. Pabor na pabor sakanila tuwing may ganito.
Kinuha ko ang mga gamit ko nang sa ganoon ay makapunta na ako sa meeting place ng aming mga kagrupo nang lapitan ako ni Zach.
"Hatid na kita kung saan ka man pupunta." Nakangiti siya saken habang sinasabi iyon. Parang normal naman itong araw na ito para sa kanya? Ako lang ata ang paranoid.
"Sigurado ka ba? Baka ma-late ka?"
"Di bale na na ma-late ako basta ang mahalaga naihatid ko ang girlfriend ko. Saan ba kayo magkikita kita ng mga kagrupo mo babe?"
"Uh, sa 3rd floor. Room 306." Tumango siya at sinabing mauna ako sa paglalakad. Dala niya ang mga gamit ko samantalang ako ay tinitingnan ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. May mangilan ngilang babae na napapatingin sa kanya. Nginingitian siya ng mga babaeng mukha may crush sa kanya at siya'y tatango lamang. Ganun kalakas ang dating niya huh? Ang sarap lang niyang halikan sa harap ng mga babaeng 'to nang sa ganoon ay hindi nila makalimutan na may girlfriend na siya. Talagang harap harapan nilang pinapakita saken na kinikilig sila sa presensya ni Zach. Damn these girls!
"Bilisan mo na nga sa paglalakad. Ang daming nagpapapansin sayo. Kairita!" he chuckled at that. Agad akong napatingin sa kanya at nakita kong kinagat niya ang kanyang labi upang mapigilan ang pag ngisi.
"Wag ka na mag selos. Wala naman akong pakialam sa kanila. Kahit mag hubad pa sila sa harap ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko."
"Ha! Talaga lang ah?"
"Talagang talaga. Bakit pa ako titingin sa kanila kung nariyan ka naman. Lahat ng natatakpan sa uniporme mo nakita at nahalikan ko na. And damn, I'm addicted. Can you do something about it please?" Humalakhak siya sa huling sinabi. Nabatukan ko nga. Alam ko yung ibig sabihin nun. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa kanya dahil nandito na kami sa tapat ng room 306.
"Papasok na ako sa loob. Salamat sa pag hatid." lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa kanyang labi.
"Text mo ako pag may gusto ka ipabili, okay? I love you."
"Sige. I love you too." ngumiti siya at kumaway sa akin bilang pagpapaalam. Pumasok na ako sa room at binati ang mga naroon sa loob.
"Good morning, guys! Kumain na ba kayo?"
"Yung iba po ay hindi pa. Pero ayos lang naman daw po." ani Jessica. Second Year Representative namin siya.
"Ahh sige, ganito, ang pag room to room naman ay hanggang bukas pa. We have a total of 12 classes para puntahan. So ang gagawin natin ay, tatlo ngayon umaga at ganun din sa hapon. The rest ay bukas na. Okay ba iyon sa inyo? Para makakain na din kayo agad after natin ngayong umaga. Bibilisan na natin para matapos tayo agad."
"Sige po. Mas mabuti pa nga po iyan."
"Sang ayon kami, Ate Via."
"Tara po. Mas maaga, mas maganda."
Napangiti ako sa kanila at tumango. Inihanda na namin ang mga materials at konting pakulo ngayong umaga. Ang introduction daw namin ay parang sa mga gay beauty contests. Magpapakilala kami at may mga kasabihan para naman daw hindi boring dahil paniguradong inaantok ang mga estudyante dahil maaga pa.
Inuna namin ang mga First Year Highschool. Tatlong sections bawat year level. Natapos agad namin ang mga ito. Tuwang tuwa sila sa amin at sinabing sana raw ay manalo kami.
Namigay rin kami ng mga candy para talagang tumatak kami sa isip nila.
Naglalakad na kami pabalik sa room 306 para magpahinga nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.Zach:
Kalaban mo si Justin sa pagiging President?
Hindi ko nga pala ito nasabi sa kanya. Agad akong nag type ng message.
Ako:
Oo. Sorry di ko nasabi sayo.
Zach:
Nagkakausap ba kayo?
Ako:
Hindi. Busy kami sa bawat grupo namin.
Hindi na nagreply si Zach pagtapos nun. Napaka seloso talaga niya. Ako nga hindi ko siya tinanong kung bakit sila magkasama ni Thea kahapon e.
Ibabalik ko na sana ang cellphone ko nang mag vibrate ulit ito. Nagtext si Brenna.
Brenna:
May problema ba kayo ni Zach?
Ako:
Wala naman. Bakit?
Brenna:
Kanina pa kasi nakakunot ang noo ng boyfriend mo.
He really got jealous. Kausapin ko na lang nga yun mamaya. Akala niya siguro may namamagitan sa amin ni Justin kaya hindi ko sinabi na siya ang kalaban ko.
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...