Chapter 25

2 0 0
                                        

Pag uwi ko ng bahay kagabi ay nakatulog agad ako. Pagod na pagod ako dahil galing pa ako sa rehearsal ng dance troupe. Hindi ko na nagawang itext pa si Zach sa sobrang pagod. Nagising na lang ako na umaga na pala. Chineck ko agad ang cellphone ko para tingnan kung may text ba si Zach doon. Marami siyang text saken. May missed calls pa.

"Babe nakauwi ka na?"

"Babe dinner ka na ha. Wag ka papalipas ng gutom."

"Babe anong ginagawa mo?"

"Babe gising ka pa ba?"

"Babe can I call? I'm fucking worried."

Ayan ang mga text niya saken. Nag type ako ng message sakanya. Magagalit kaya siya saken?

Ako:

Good morning, babe! Sorry nakatulog agad ako pag uwi. Sobrang pagod lang. Sorry. I love you! Mag prepare na ako for school. See you later!

Nandito kami ngayon sa isang bakanteng room ng mga kasamahan ko sa "Power Party". Natatawa talaga ako pag sinasabi ko yung pangalan ng party namin. Nag bibrainstorming kami ngayon. May mga nakahanda na kaming mga plataporma. Bukas daw ay kailangan naming mag room to room para iexplain sa bawat klase ang plataporma namin. Kailangan din naming maghanda ng isang sayaw para sa Miting de Avance.

"Ate Via, ikaw nalang mag choreo. Dance troupe ka diba? Ikaw lang magaling sumayaw sa amin dito." ani Harry

"H-ha? Ahh.. oo sige. Pipili na ako ng kantang sasayawin natin para sa Miting de Avance. Kung may maisip pa kayong plataporma sabihin niyo lang saken." tumango siya at bumalik na sa paglilista ng mga plataporma.

Nagtext ako kay Zach kung ano ang ginagawa namin. Baka kasi magtampo iyon, grabe pa naman magtampo yung lalakeng yun. Hindi ko nga alam kung makakapag reply siya dahil may klase ngayong oras na to. Ibabalik ko na sana sa aking bulsa ang cellphone ko ng mag vibrate ito. 

Zach:

I miss you. Nakakawalang gana pala makinig sa klase kapag wala ka.

Kinagat ko ang aking labi. Damn! Pwede bang matapos na ito? 

Ako:

I miss you too. Makinig ka na dyan, okay? Sorry ha. Babawi ako.

Namimiss ko na rin sina Brenna at Alex. Nasa iisang school lang naman kami pero dahil busy ako, di kami masyado makapag usap. Nakakalungkot naman ito. Dapat ineenjoy ko nalang 'tong huling taon ko sa highschool, eh!

Naghahanap ako ng kantang gagamitin namin para sa sayaw na gagawin namin. Sobrang bored na ako. Medyo inaantok pa ako dahil sa sobrang pagod ko kagabi pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko. 10:30pm na ako nakauwi kagabi at nagising ako ng 5:00am. Hindi pa sapat saken yun. Kung nasa bahay lang siguro ako buong araw ay ayos lang. Kaso ay hindi, kaya antok pa rin ako hanggang ngayon.

Mukhang bored na rin ang mga kasama ko. Lalo na't mas matanda ako sakanila, boring pa ang ganito para sakanila. May mga ilan na nagpapatugtog nalang para malibang sa ginagawa namin.

 I still remember the look on your face
Lit through the darkness at 1:58
The words that you whispered
For just us to know
You told me you loved me
So why did you go away?
Away  

Lalo akong inantok sa kantang ito ni Taylor Swift. Para akong hinihele. Mukha namang masaya ang nagpatugtog nito pero bakit ito ang pinatugtog niya? Gusto niya ba kaming makatulog lahat?

 I do recall now the smell of the rain
Fresh on the pavement
I ran off the plane
That July 9th
The beat of your heart
It jumps through your shirt
I can still feel your arms  

Sinabayan ko nalang ang kanta para hindi ako antukin. Damang dama ko pa ito habang kumakanta ako. Alam ko kanta ito ni Taylor Swift kay Joe Jonas nang mag break sila? Pumipikit pikit pa ako habang kumakanta. Na para bang ako si Taylor at ramdam ko ang pinagdadaanan niya.

But now I'll go sit on the floor
Wearing your clothes
All that I know is
I don't know how to be something you miss
I never thought we'd have a last kiss
Never imagined we'd end like this
Your name, forever the name on my lips  

Ang sakit naman masyado ng kantang ito. Sa sobrang sakit, ramdam ko ito. Parang kumirot ang aking puso. Nagpatuloy na lamang ako sa paghahanap ng kanta at sa wakas ay nakahanap na rin ako. Party Rock Anthem by LMFAO ang napili kong sayawin namin nang mabuhay naman ang katawang lupa namin.

Tumayo ako para gumawa ng ilang steps. Pag sayaw talaga ay nawawala sa isip ko na may mga tao sa paligid ko. Masyado akong tutok sa ginagawa ko. Ganun ko kamahal ang pagsasayaw. Para akong nasa ibang mundo sa tuwing sumasayaw ako. Habang sumasayaw ako ay napatingin ako sa pintuan. Kita kasi ang mga dumadaan sa corridor dahil may glass ito. Nakita kong dumaan sina Thea at Zach. Nag uusap silang dalawa at hindi ko alam kung saan sila pupunta. 

Napahinto ako sa pagsasayaw. Napahinto ang mundo ko. Saglit din na napahinto ang pagtibok ng puso ko. Ano yun? Bakit sila magkasama? 

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon