Chapter 23

8 0 0
                                    


Sabado ngayon. May plano kami nina Brenna at Alex na manood dito sa bahay. Movie marathon daw tutal wala naman kaming assignment.

Kagigising ko palang. Sa dami nang inisip ko ay nakatulugan ko na ito. Tiningnan ko ang orasan. Alas onse y media na pala. Usapan namin na ala una sila pupunta dito.

Agad akong bumangon upang maligo. Naging matagal din ang aking pagligo. Mas matagal pa nga yata ang pagkatulala ko sa loob ng banyo kesa sa ginawa kong pagligo.  Palabas pa lamang ako sa banyo nang marinig kong nag riring ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Goodmorning babe. Gising ka na pala. Di mo man lang ako tinext." ani Zach. Hindi agad ako nakasagot. Totoong nakalimutan ko siyang itext.

"Babe? Andyan ka pa?" Napabalikwas ako nang marinig ko ulit siyang magsalita. Di ko namalayang natulala na pala ako.

"Ah oo naririnig kita. Bye na muna babe. May gagawin lang akong ha. I love you!" Nagpaalam na rin siya sa kabilang linya at matapos nito ay agad kong binaba ang tawag.

Nagtext ako kina Brenna na sa mall nalang kami magkita kita dahil gusto ko nang umalis sa bahay. Dumiretso na ako sa mall kung saan kami manonood nina Brenna. At bilang kaibigan ko sila, ayon, as usual late nanaman sila. Akala ko ay ako itong mahuhuli dahil late akong nagising ngunit sila pa pala itong wala rito. Ano pa nga bang bago?

Tinext ko sina Brenna at Alex na nasa mall na ako at baka sakaling bilisan nila ang pagkilos. Namasyal muna ako habang naghihintay sa dalawa. Balak ko na sanang bumili ng ticket kaso hindi pa pala namin napaguusapan kung ano ang panonoorin. Nagpatuloy nalang ako sa paglibang sa sarili ko sa mga magagandang damit na nakikita ko. Sa tagal nina Brenna ay nakabili na ako ng apat na damit. Gumastos ka nanaman, Via! Hay. Minsan ayaw ko nalang lumabas ng bahay dahil paniguradong pag nasa isang mall ako, ay may mabibili talaga ako.

Nang makaramdam ng pagod ay umupo muna ako sa isang bench. Kinuha ko sa bag ko ang aking cellphone at earphones. Napagdesisyunan kong makinig nalang ng music para kahit papaano ay malibang naman ako.

Naka limang kanta na ako nang sa wakas ay dumating na ang mga kaibigan ko. May sinasabi sila pero hindi ko masyadong marinig dahil nga naka earphones ako. Bumuntong hininga ako at saka ko ito tinanggal. Nag angat ako ng tingin sakanila sabay tayo sa kinauupuan ko.

"Ang aga niyo para bukas. Buti naisipan niyo pang dumating?"

"Ay ang taray ni bakla! Marunong ka nang gumanyan ngayon ha?" ani Brenna.

"Kasalanan mo! Kahit ako ay urat na urat na. Ang bagal mo kumilos. Pucha akala ko coloring book na yang mukha mo sa dami ng pinaglalagay mo na make up. Eh wala namang nagbago. Pangit ka pa rin." pang-aasar ni Alex kay Brenna.

"Hoy animal ka! Anong sinabi mo? Ang ganda ko kaya. Baka kainin mo yang sinabi mo ay magkagusto ka saken." ani Brenna.

"Ah ganon ba? Wag kang mag alala. Pag nagkagusto ako sayo, hindi lang yung sinabi ko ang kakainin ko. Pati ikaw." ani Alex sabay kindat kay Brenna.

"Aba gag---"

"Itigil niyo na yan. Nasasayang yung oras. Para kayong timang. Manonood pa tayo. Tara na!" Pagpuputol ko kay Brenna.

Ang tagal naming nakatingala sa screen upang mamili ng papanoorin na movie. Nagtatalo pa yung dalawa kung ano ang papanoorin namin. Action ang gusto ni Alex. Si Brenna naman ay Romance ang gusto. Ako ay kahit ano. So para walang away, ang ending ay Suspense ang pinili namin.

Pagpasok ay kasisimula palang nung palabas. Unang parte ng palabas ay boring. Ang tagal kasing ng takbo ng storya. Panay ang reklamo ni Brenna na wala naman daw kwenta yung pinapanood namin. Reklamo siya ng reklamo nang bigla lumabas yung mga cannibal at hinahabol yung mga taong napunta sa teritoryo nila. Bigla siyang napakapit kay Alex habang pinapanood niya yung lalake sa palabas na unti unting kinakain nung cannibal. Tintigan ko ang dalawa. Napangiti ako. Bangayan nang bangayan tong dalawang to pero alam ko, nararamdaman ko, na gusto rin nila ang isa't isa. Nahuli ko si Alex na titig na titig kay Brenna habang busy ito sa panonood. Iba tong tingin na 'to. Tingin ng isang nagmamahal. Tingin na punong puno nang emosyon. Hindi na ito tingin ng isang kaibigan. Hindi na ito tingin ng pang aasar. Isa itong tingin ng taong inlove.

Di nagtagal ay nawala ang ngiti sa aking labi. May naalala ako pero pilit ko itong isinasantabi. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na mali ang hinala ko.

Habang abala ang dalawa sa panonood ay pasimple kong sinilip ang cellphone ko.

May isang text akong nareceive. Galing ito sa president ng dance troupe na sinalihan ko sa school.

Raquel:
Rehearsal tomorrow. 6pm-9pm. Don't be late. See you!

Agad kong ibinalik sa bag ang cellphone ko. Dismayado sa nakita.
Wala. Wala siyang text. Wala ni isa man lang na text o tawag galing sakanya. Very unusual. Sanay ako na lagi siyang nagtetext. Ako lang ba? Paranoid lang ba ako? O may dapat ba akong ikabahala?

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon