Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong ligawan ako ni Zach. Kinausap ko ulit siya tungkol sa mga sinabi sa akin ni Mara. Aniya'y hindi niya alam kung bakit ganoon ang sinabi ni Mara sa akin. Nagkakatext daw sila pero hindi ito gabi-gabi. Si Mara daw ang laging nauunang magtext sakanya. At hindi rin daw totoo na sweet siya rito.Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sakanila. Ngunit kung hindi totoo ito, bakit kailangang magsinungaling sa akin ni Mara? May gusto ba siya kay Zach kaya niya nagawa iyon? Gayunpaman ay wala akong makitang sapat na dahilan para gumawa siya ng kwento.
Linggo ngayon kaya pupunta ako sa simbahan. Naligo ako at nagbihis lamang ng tshirt at pants. Pagkatapos ng dalawampung minuto ay nakarating na ako sa simbahan. Saktong mag-uumpisa palang ang misa nang makarating ako. Pagkatapos kong magsimba ay tinext ko si Brenna kung nasaan sila. Sinabi sa akin ni Brenna na naroon si Alex sa bahay nila at nakikitambay raw. Ganyan naman sila. Sobra kung magbangayan pero sobrang close rin nila sa isa't isa.
Brenna:
Pumunta ka nga dito dahil pinepeste lang ako nito ni Alex.
Nireplyan ko siyang papunta na ako sa kanila. Nagdala ako ng pagkain para sa aming tatlo. Naisip ko kasing yun lang ang makakapagpatahimik sa kanilang dalawa. Nakarating na ako sa bahay nila at si Alex pa mismo ang nagbukas ng gate nina Brenna. Sinalubong naman ako ni Brenna at napag alaman kong wala pala ang magulang niya at katulong lang iyong kasama nila ngayon. Anong ginawa nitong dalawang 'to nung wala pa ako? Hindi kaya.... ah, nevermind.
"Wow foods! Mabubusog nanaman mga alaga ni Brenna nito." ani Alex.
"Hoy, tukmol! Anong pinagsasasabi mo dyan ha?" sigaw ni Brenna.
"Sinasabi ko lang na mabubusog nanaman iyang mga bulate mo sa tiyan." ani Alex
"Wag ka nga mangialam. Kung gusto mo, mag-alaga ka rin ng bulate sa tiyan mo nang hindi ka naiinggit dyan. Ayy.. di na kailangan. Baka magselos yung bespren mo pag may iba ka pang aalagaan bukod sa kanya." ani Brenna.
"Talagang inaalagaan ko 'to! Kailangang mapanatili kong malusog si bestie para laging happy si wifey." ani Alex.
"Hahahaha! Wifey tawagan niyo? Tangina ang cheesy niyo mga ulol." ani Brenna.
Kaya ganyan kabitter yan si Brenna ay dahil "hubby" at "wifey" rin ang tawagan nila ng kanyang boyfriend noon. Hiniwalayan siya dahil ayaw daw isuko ni Brenna ang kanyang perlas ng silanganan.
Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa mabusog kami. Napagdesisyon naming manood ng isang movie na gustong gustong panoorin ni Brenna. One More Chance ang title nito.
"Bash! Hindi mo ba alam yung 3 month rule? Lahat ng taong na inlove at nakipagbreak alam yun. Bash maghihintay ka muna ng 3 buwan, diba 3 buwan bago ka makipag boyfriend uli. Hindi mo alam yun? Bash may 2 linggo pa ako eh, 2 linggo pa! Bakit kating kati kang palitan ako? – Popoy
"Gusto mo talagang malaman kung anong problema ko? Nasasaktan ako.. kahit alam kong wala na kong karapatan.. dahil naisip kong ako naman ang may gusto nito..pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako.. na sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit....."-Basha
Isa lamang iyan sa mga linyang iniyakan ni Brenna. Sa galing umarte nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ay aakalain mong ikaw ang kaeksena nila. Maski ako ay naiyak pero itong si Brenna ay napahagulgol talaga. Naalala nanaman siguro niya iyong ex-boyfriend niya. Habang tutok na tutok kami sa palabas ay may nagpatigil ng mga luha namin.
"Uhhh.. Fuck! Uhh.. Shit! Harder!" Nagkatingin kami ni Brenna. Hinanap namin kung saan nanggaling iyong ungol ng babaeng narinig namin. Nakita namin si Alex na nanood ng porn habang napapapikit at napapakagat labi pa.
"Shit kang lalake ka! Napakalibog mo! Drama na nga yung pinapanood natin nakuha mo pang manood niyan!" sigaw ni Brenna kay Alex.
"Yun na nga ang dahilan. Ayaw ko ng mga ganyang palabas. Ang boring. Kaya ito nalang pinanood ko atleast nag-enjoy pa kami ni bestie." paliwanag ni Alex
"Kinain ka na ng sistema. Sistema ng kalibugan." ani Brenna sabay hagis ng unan kay Alex.
Alas otso na namg makauwi ako sa bahay. Naligo ako at nagbasa muna ako ng pocket book pagkatuyo ng aking buhok. Ala una na ng madaling araw nang matapos ako sa aking binabasa. Matutulog na ako ngunit naisipan kong tingnan ang cellphone ko kung may nagtext.
Zach:
Hi!Nakita kong tinext niya ito bandang 8:45pm. Naguilty ako dahil ngayon lang ako makakareply. Naisip kong baka tulog na siya pero nireplyan ko pa rin.
Me:
Hi! Sorry ngayon lang ako nakareply. Di ko namalayan na nagtext ka pala. Goodnight! Sorry ulit.
Zach:
Ayos lang. Tulog ka na. Baka napagod ka ngayong araw, e. Goodnight, Via! :*
Me:
Sorry talaga. Bat gising ka pa? Wag ka magpuyat. Tulog ka na rin.
Zach:
Ang pangarap kasi pinaghihirapan at pinagpupuyatan kung talagang gusto mo ito. Kaya wag ka na magtaka kung bakit pinagpupuyatan kita.
And with that, I knew that I fell. I just really hope that he'll catch me...
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...