Wala kaming pasok ngayon dahil pahinga raw ng mga estudyante. Pagod raw dahil sa field trip kahapon.Minsan talaga, kapag nasa mood kang pumasok dun naman walang klase. Pero kapag tinatamad ka, yun naman yung araw na may klase at sobrang daming gagawin.
Nandito ako ngayon sa bahay. Tulala. Di alam kung anong gagawin. Gusto kong gumala pero gusto ko ring magdamag na humiga sa aking kama. Sobrang sabaw ng araw na ito.
Isang oras na ang nakalipas ngunit narito pa rin ako sa aking kama. Nakatingin lang sa kisame. Ano ba ang magandang gawin? Magpunta sa mall? Magshopping? Manood ng sine? O manatili na lamang dito sa bahay?
Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. "Hello?" saad ko ngunit tahimik ang kabilang linya. "Uh, hello?!" ulit ko pa. Aba't pinagtitripan ba ko nito? Sino ba kasi tong tumawag? Mga walang magawa sa mundo!
"H-hello? Via... Babe..." pamilyar ang boses. Teka, si Zach pala ito! Hindi ko kasi tiningnan sa screen kung sino ang tumawag.
"Oh Zach, napatawag ka?" narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "Zach, may problema ka ba?" tanong ko.
"Ayaw ko na Zach lang ang tawag mo sa akin." saad niya. Naimagine ko na nakanguso siya dahil hindi niya nagustuhan ang tawag ko sakanya.
"Ohh. Sorry babe. Wag ka na magtampo." paglalambing ko sakanya.
"Ayan. Ganyan lang dapat. Sarap kasi pakinggan pag tinatawag mo ako niyan, e." napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi. Padagdag nang padagdag talaga ang sweetness nito sa katawan.
"Babe, busy ka ba ngayon?" aniya.
"Hindi naman. Bakit babe?"
"Gusto mong mamasyal? Tara mag-mall tayo." pumayag ako sa gusto niya. Agad akong nagpaalam para makapag-ayos na. Dali-dali akong dumiretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay agad kong chineck ang cellphone upang tingnan ang oras. 3:30pm na at ang usapan namin ni Zach ay 4:30pm kami magkikita. Shit! May isang oras nalang ako para mag-ayos. Nahirapan pa ako sa paghahanap ng damit na isusuot. Sa huli, ay napili kong magsuot na lamang ng cropped top, ripped jeans at white sneakers. Kinuha ko ang blower upang mabilis na matuyo ang aking buhok at agad na nag apply ng powder sa aking mukha at lip tint naman para sa aking labi. Chineck ko ang cellphone ko at nakitang 3:50pm na. Tiningnan ko rin ang texts ni Zach sa akin at sinabi niyang naroon na nga siya sa mall na napagusapan namin. Tinext ko siya na papunta na ako.
Buti nalang at malapit lang sa amin ang mall na iyon. Ilang minuto lang ay nakarating na ako at namataan ko agad siya.
"Babe sorry natagalan ako." I said as I leaned in to kiss his lips.
"Okay lang babe. Basta ba may kiss sa tuwing malilate ka ayos lang!" natawa ako sa sinabi niya kaya't tinampal ko ang kanyang braso.
Hinila ko na siya para makapagsimula na kami sa paglalakad lakad. Kung saan-saan kami pumasok na store. Bumili ako ng damit na nagustuhan niya para sa akin.
Kumain kami sa isang japanese restaurant. Masaya kami habang kumakain at nagkukwentuhan. Nailang pa nga ako kumain sa harap niya dahil grabe siya kung makatitig. Sa susunod nga hindi na ako papayag na magkaharap kaming kakain. I should take note of that.
Pagkatapos kumain ay napili naming mag arcade. Tawa kami nang tawa sa bawat larong ginagawa namin. Nang mapagod kami ay tsaka lang namin napagdesisyunang umuwi. Tiningnan ko ang oras at alas nuwebe na pala ng gabi.
Gaya ng dati, inihatid niya ulit ako sa may kanto ng street namin.
"Thanks for today babe! I love you!" mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Ngunit hinawakan niya ang likod ng ulo ko upang magtagal ang paglapat ng labi ko sa labi niya. Limang segundo rin na nagtagal iyon.
"Thank you din babe. I love you more! I really get lost every time we kiss." namula ang aking pisngi at kumaway na ako bilang paalam.
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Saglit akong nagpahinga at nagpasya nang mag shower. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis at chineck ang aking cellphone.
Zach:
Dad's inviting you for lunch tomorrow, babe. Hope you can come. I love you and goodnight princess. :*Lunch with his dad? Parang ang bilis naman? Hmm. Might as well go for it, right? Time to meet his father!
BINABASA MO ANG
Grieving Heart
RomanceYou promised me that we will be together no matter what happens... That we will fight till the end... That we will conquer the world as long as we are together... That I'm the one for you like you are to me... But one day, you woke up and realized t...