Chapter 18

12 1 0
                                    




Hindi ako nakareply sa text ni Zach kahapon. Hindi ko kasi alam kung papayag ba ako dahil kinakabahan ako. Makilala ko na kasi ang parents niya. At makakasama ko pa mag lunch! Baka hindi ako makakain nang maayos kapag kaharap ko na sila. Baka hindi nila ako magustuhan. Baka masungit sila. Baka... Ah basta! Napaparanoid ako. Ang daming pumapasok sa isip ko na negative thoughts.

Nasa kalagitnaan pa rin ako ng aking pag-iisip nang biglang mag ring ang cellphone ko. Dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hello babe? Bat ka napatawag?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Babe kanina pa ko nagtetext sayo. Hindi mo nabasa?" ani Zach.

"A-ano sorry babe. Kagigising ko lang kasi, e." pagpapaumanhin ko.

"Ah ganon ba? Yung lunch natin nina dad ha. Mag ayos ka na po." ayan nanaman. Kinakabahan nanaman ako dahil ngayon na nga pala yun. Tiningnan ko ang orasan. 10 o'clock na pala ng umaga. Shit! Tinanghali ako ng gising.

"Anong oras nga ba yun?"

"12:30 babe. Kaya maligo ka na ha susunduin kita. Bye see you later. I love you!"

"Sige sige. Bye I love you too!" Agad kong binaba ang tawag at kumaripas ng takbo papunta sa aking closet. Nagmadali akong maghanap ng maisusuot para sa lunch na iyon.

"Asan na ba kasi yon?! Nandito ko lang nilagay yun, e. Aish!" kinakausap ko na ang sarili ko. Nababaliw na nga ata ako. Kanina ko pa kasi hinahanap yung damit na binili ko nung nakaraang linggo. May purpose pala kung bakit ko binili yun. At hindi ko naman inexpect na sa panahong ito ko pa ito susuotin.

Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nakita ko na rin iyong dress na isusuot ko. Kailangan kasing semi-formal dahil fine-dining restaurant ang pupuntahan namin. Di ko alam kung anong trip ba nila at fine-dining pa ang napili. Ipinatong ko na ito sa kama at agad na dumiretso sa banyo para maligo.

Pakiramdam ko ay isa akong housemate sa PBB dahil sa bilis ng ginawa kong pagligo. Natatakot kasi ako na malate dahil baka pumangit ang impression ng parents ni Zach sa akin.

Dali-dali akong nagtuyo ng katawan at agad na hinagilap ang blower para mabilis matuyo ang aking buhok. Kinulot ko ang aking buhok para mabigyan ito ng dating. Soft curls lang para hindi naman masyadong plain tingnan. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakitang 11:30am na. Sinuot ko na ang aking dress at naglagay din ako ng light makeup sa aking mukha.

Bumaba na ako sa sala at tinext si Zach na huwag niya na akong sunduin. Tinext niya sa akin kung saan ang restaurant na kakainan namin at agad akong dumiretso doon.

Sa loob lamang ng fifteen minutes ay nakarating na ako sa mall na sinabi ni Zach. Agad kong hinanap iyong restaurant at nakita kong kauupo lang nila. Hay salamat at hindi ako late!

"Hi babe! Mom, dad this is Aviana.. My girlfriend." agad na lumapit sa akin ang mommy ni Zach at nakipagbeso sa akin.

"Nako iha! Ang ganda mo naman. Sana naman kayo na ang magkatuluyan. Mommy nalang itawag mo sa akin. Hihi" ani Tita Amara.

Sunod na lumapit sa akin ay ang daddy ni Zach. Hindi pa ako nakakarecover sa mommy ni Zach at ngayon nasa harap ko na agad ang daddy niya.

"It was nice to finally meet you, iha." tumango ako at nakipagbeso sakanya.

"Nice meeting you din po." nginitian nila akong lahat at sinenyasan na umupo na. Dumating na ang mga inorder na pagkain at nagsimula na kaming kumain. Panay ang lagay ng pagkain ni Zach sa aking plato ngunit nakakaramdam na ako ng pagkabusog.

"Anak, masyado na atang marami iyang nilagay mo sa plato ni Aviana. Baka hindi niya maubos." Nagpapasalamat ako sa mommy ni Zach sa aking isip. Totoong hindi ko ito mauubos. Patapos na sana ako ngunit nang makita ni Zach na paubos na ang pagkain ko kanina ay dinagdagan niya pa ito.

"She needs to eat more, mom. I don't want my girlfriend to lose weight just because I'm not giving her enough food." napakasweet naman nitong si Zach. Ngunit masusuka na talaga ako pag pinilit ko pa itong ubusin. Kaya't pintake out nalang ni Tita Amara ang mga natirang pagkain para hindi masayang.

"Aviana, can you come over to our house? Gusto pa kitang makabonding, e. Wala kasi akong anak na babae. But if you have things to do--"

"No, tita. It's okay po. I'm free po today." I said with a smile.

Tuwang tuwa siya nang sabihin ko iyon. Buong biyahe papunta sa bahay nila Zach ay nakangiti itong si Tita Amara. Napakamasayahin niyang tao, yung tipong mahahawa ka dahil ramdam mo yung masayang aura sa mukha niya.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong hinila ni Tita Amara papuntang living room nila. Agad siyang pumunta sa kitchen at ilang saglit pa ay may dala-dala na siyang mga dessert. Nakakatakam. Kumuha ako ng brownie cheesecake at agad na tinikman ito.

"Masarap ba? Ako gumawa niyan." Ngumiti ako sakanya at agad na tumango.

"Buti naman at nagustuhan mo. Mag-uwi ka nito mamaya ha. Teka lang at ipagtatabi na kita para maiuwi mo mamaya."

"Nako di na po sana kailangan pero maraming salamat po."

Bago pa makabalik sa kitchen si Tita Amara ay biglang lumapit si Tito Rick.

"Hon, may pupuntahan tayo. Birthday ni kumpareng Travis ngayon."

"Ganon ba? Sige ipagtatabi ko lang nitong brownies si Aviana at aalis na tayo."

"Babe magbibihis lang ako ah. Wait mo ako dyan." ani Zach.

"Sige babe, take your time."

Makalipas ang ilang minuto ay tapos nang magbihis si Zach at lumabas na rin si Tita Amara galing sa Kitchen.

"Oh paano, Zach. Aalis muna kami ng daddy mo. Gabi na kami makakauwi. Bahala na kayo ni Aviana rito ha." bumaking saken si Tita Amara, "Feel at home iha, okay?" ngumiti ako at tumango.  

"Yes ma. Ingat kayo ni dad."

Pagkaalis nina tita ay naglaro nalang kami ng Need for Speed sa PS3 ni Zach sa kanyang kwarto. Tawa kami ng tawa habang naglalaro dahil lagi niya akong binabangga pag magkalapit na ang mga sasakyan namin sa isa't isa.

Makalipas ang ilang minuto ay naging seryoso at tahimik kami habang naglalaro. Sinulyapan ko ng tingin si Zach at napansin kong nakatitig siya saken. Kinuha niya ang controller sa kamay ko at agad na sinunggaban ako nang halik. Mainit at dahan dahan. May pag-iingat sa bawat halik. Maya maya pa ay sinuklian ko siya ng halik at naramdaman kong unti-unting naging mapupusok ang mga halik niya. Naramdaman ko nalang na dahan-dahan niya akong ihiniga sa kanyang kama.

Grieving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon