Chapter 4

235K 6K 739
                                    

Chapter 4

Sea Side

Pumunta na kami ni Apxfel doon sa restaurant. Para bang nasa ibang bansa kami dahil sa banyagang disenyo ng resto. Iginaya kami ng Waiter sa isang table, bago pa kami makaupo ni Apxfel ay may pamilyar na boses kaming narinig.

Tumalikod kaming dalawa. Nakita namin doon si Mr. Mendoza na nakaupo, may kasma siyang babae. Iyon yata ang kanyang girlfriend.

"Mr. and Mrs. Gonzalez." banggit ulit nito.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Apxfel sa kamay ko. Ngumiti lamang ako kay Mr. Mendoza at sa girlfriend niyang nakahalukipkip.

Lumipat naman ang tingin ko sa asawa ko.

Umigting ang panga niya habang tinitignan si Mr. Mendoza.

"I thought you're going to the Margarita's, Mr. Mendoza." sabi ni Apxfel.

Nagpakawala ng mapanuyang ngiti si Mr. Mendoza. "Yeah... nagkamali lang ako. I thought my girlfriend is waiting at Margarita's. Nandito pala siya."

Agad namang tumingin ang girlfriend nito sa kanya. "What are you talking about?" mahinang tanong nito.

Hindi siya binigyang pansin ni Mr. Mendoza. Inaya niya pa kami ni Apxfel na umupo sa table nila.

"It's okay, Phillip. Dito na kami sa kabilang table." Apxfel said.

So Phillip ang pangalan ni Mr. Mendoza? Kung hindi ako nagkakamali, siya yata ang binabanggit minsan ni Apxfel... Iyong may-ari ng bagong hotel malapit sa area kung saan nakatayo ang isang hotel branch namin.

Si Phillip Mendoza.

"I insist. Dito na lang din kayo... Unless may iniilag ka sa'kin?" tanong ni Phillip. Nakataas pa ang kilay niya.

Kumunot naman ang noo ni Apxfel.

"I just thought that maybe you wanted an alone time with your girlfriend, as I wanted an alone time with my wife."

Akala ko ay matatahimik na si Phillip sa sinabi ni Apxfel, pero hindi pa rin.

"Well... I'm just trying to be polite and friendly. My girl and I can have an alone time later, right hon?" pag baling niya sa kanyang girlfriend.

Tumang tango lang iyong babae.

"Are you threatened?" tanong ni Phillip na ikinagulat ko.

Nagtiim bagang si Apxfel. Hinila niya ang upuan sa harap nung girlfriend ni Phillip, inilahad niya ako sa upuan para makaupo roon.

Umupo naman si Apxfel sa tabi ko. Magkaharap sila ni Phillip.

"And why would I be? That word is not in my dictionary, Phillip. After all, a ranked one hotel doesn't comes close to ranked ten." matalas na sabi ni Apxfel.

Tumawa ng mapait si Phillip.

"I wasn't even talking about that, Christan." sabi nito sabay ang pagtingin sa akin.

Apxfel closed his fist.

Mataas ang intensidad na pumapagitna sa dalawa. Hindi ko na alam kung business pa rin ba ang pinaguusapan nila.

Gutom na ako, ano ba yan...

"Anyway, this is Mela. Mela, meet the Gonzalez'." pagpapakilala ni Phillip sa kanyang girlfriend. Ngumiti iyong babae. Masaya yata siyang pinakilala siya ni Phillip sa amin... samantalang ako ay naiirita na sa gutom.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon