Chapter 22
Bond
Humilig ako sa balikat ni Apxfel.
"Sleepy?" he asked.
Tumango naman ako sa kanya. I'm jet lagged! Gusto kong mahiga na sa kama. Hindi rin naman kasi ako nakatulog sa eroplano.
Yes!
Nagpunta kami sa HongKong. Gusto kasi ng barkada na mag disney land. I can't believe that we've been at HongKong for two days!
After Zimmer suggested to go there, inasikaso din nila ang flight at tickets. Ibang klase!
"We should do this more often." ani Paui.
"Ang ano?" tanong ni Zim.
Siya ang nagmamaneho. Ngayon ay pauwi na kami.
"Travel! Ang saya kaya. We should make a bucket list for this!" sabi ni Paui habang umiinom ng juice sa passenger's seat.
"That's a great idea!" tugon ko.
I really love traveling. And going with the people you love in such wonderful places makes it more amazing.
"Let's go to LA next time! Or maybe Santorini?" ani Zimmer.
"The heck!" nagulat kami kay Dominic. Naroon kasi siya sa likod at nakahiga. Sakop niya iyon dahil siya lang mag-isa ang naroon. Tapos ngayon ay bigla bigla siyang bumangon. "Gagawin niyo nanaman akong fifth wheel!"
Tawang tawa kaming lahat kay Dom.
Kaming lima lang ang umalis. Wala si Zoey kaya wala siyang partner! Ang bitter nga ng mokong. Sa kabiteran niya noong nasa disney land kami ay akala mo ang lalim ng pinaghuhugutan. Hindi tuloy namin malaman kung sila pa rin ba ni Zo!
"Grabe ha! Hindi namin kasalanan na wala kang partner!" si Paui.
"I told you, bro. Maghatak ka na lang ng isa roon sa mga fan girls mo!" suhestiyon ni Apxfel.
Mukhang hindi naman siya seryoso sa suggestion niya dahil natatawa tawa pa siya. Kumag talaga!
"Ano 'to? Highschool?! Tska' wag mo ko igaya kay Zim!" biro ni Dominic.
"Hoy! Hindi ako fan girl ah!" bulyaw naman ni Paui.
All of us laughed at her statement. Alam naman kasi namin kung gaano niya ka crush si Zimmer dati. Nako! Lumipat pa nga ng school, e.
Pagtapat ng kotse sa aming bahay ay bumaba na rin kami agad ni Apxfel.
"Bye, ingat kayo." I told them.
Si Apxfel ang may bitbit sa lahat ng gamit namin. Isang malaki maleta tapos body bag. Ayaw niya akong pagbitbitin kahit kinukuha ko 'yung body bag.
"Are you tired?" tanong niya habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Super." I answered. "Ikaw?"
"Yeah." he said and kissed me on my forehead. "Tulog na tayo."
I smiled at him. Gusto ko na talagang magpahinga at matulog!
Naghilamos lang muna ako ng mukha at nagpalit ng damit. Pag punta ko sa kwarto ay naroon na si Apxfel at nakapagpalit na rin siya ng suot.
Nakahiga siya at hawak ang DSLR. Marahil ay tinitignan niya ang mga litrato namin.
"Bakit ang sungit ng tingin mo dyan sa cam?" tanong ko.
Paano ba naman kasi, nakakunot ang noo niya.
Ipinakita niya sa'kin iyong picture sa camera.
![](https://img.wattpad.com/cover/76522977-288-k719239.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever with the Bad Boy
Romance[COMPLETED] Book 2 of Destined with the Bad Boy. Book 2 is available in book stores nationwide, Shopee, and Lazada!