Chapter 12
Home
"I have a spare condo. You can stay there." sabi ni Apxfel.
Tila hindi pa rin kumbinsido si Bobbie.
"Hindi ba pwedeng sa inyo na lang?" giit nito.
"We are not going home yet. We're staying here until the doctor said so." ani Apxfel.
Nanatili akong walang imik. Napupuno kasi ako ng iritasyon at ayaw ko iyon. Bobbie is a friend. Siguro ay talagang hindi lang maganda ang mood ko kaya ganito ang aking pakiramdam.
"Alright then... Sa condo mo na lang muna ako mag stay." si Bobbie. "Where exactly the location is? Pagod na kasi ako, e. I want to have some rest."
"In Makati." maikling sagot ko.
Tumango tango naman si Bobbie. "Hey, Chris. Can you bring me there? Ang dami ko rin kasing bitbit and baka maligaw pa ako." she demanded.
Bago pa makasagot si Apxfel ay nagsalita na ako.
"He can't. His stitches are still aching, he needs a rest too. We can assign a cab for you kung gusto mo." sabi ko.
Is she blind? Hindi niya ba nakikita iyong benda ni Apxfel sa ulo niya at nais pa talaga niyang magpahatid?
What happened to her? She seems different... Is it the way she talks? Her posture? Her straight jetblack hair? Or is it just me?
A cab lead Bobbie to the condo. Naiwan kaming dalawa ni Apxfel dito sa may mga upuan.
"Are you okay?" alalang tanong niya.
"Hindi ko alam." tugon ko.
"May masakit ba sa'yo? Saan? Do you want me to call a doctor?" sunod sunod niyang tanong.
Umiling lamang ako sa kanya. "I... I just wanted everything to be okay right now." saad ko.
Agad niya akong yinakap. Sabay noon ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Mayroon pa pala akong mailuluha...
"Everything will be okay soon enough. Just hold on me... Hold on me tight." he said.
Tumango lang ako muli rito.
Sa sumunod na araw, dumating na ulit sila Mommy at Daddy. Marami silang dalang mga pagkain na tila ba may paparty. Ang sabi ni Apxfel ay ganoon daw lagi ang ginagawa ng dalawa.
I can't help to smile amidst the pain.
Alam kong lubos na nag-alala ang mga magulang ko. Pati na rin ang kay Apxfel. Actually ang sabi nila, hindi na raw ito ipinaalam kay Tita Tatiana, sa Mommy ni Apxfel. Baka mag-alala lang daw ito at makasama pa sa kanya... Tama lang iyon dahil under medication parin si Tita until now. She should not be bothered by stress.
"Mga anak, tell us if you need anything." sabi ni Mommy sa amin bago sila nag paalam ni Daddy.
Dapat nga ay magpapaiwan ang Mommy. Kaso ay sinabi ko na sumama na siya kay Dad dahil hindi naman din siya makakapag pahinga rito. Si Dad kasi muna ang muling namamahala sa kumpanya.
BINABASA MO ANG
Forever with the Bad Boy
Romance[COMPLETED] Book 2 of Destined with the Bad Boy. Book 2 is available in book stores nationwide, Shopee, and Lazada!