Chapter 38

133K 4K 548
                                    

Chapter 38

Veranda

Hindi ako nagpaawat sa kanyang sinabi. Patuloy akong nagpupumiglas pero masyado siyang malakas.

"Ibaba mo ako! Aalis na ako! Uuwi na ko!" sigaw ko.

Wala siyang imik. Patuloy lamang siyang naglalakad. At saan ba siya pupunta?!

"Uuwi na ako, Apxfel! Put me down!" pinagpapalo ko ang kanyang likod ngunit hindi siya natinag doon.

Pumasok kami sa isang kwarto at inibaba niya ako sa kama. Bago pa ako nakareact ay agad na siyang lumabas sa kwarto. Narinig ko na nilock niya ang pinto mula sa labas.

What the hell?!!

"Apxfel! What are you doing? Baliw ka na ba? Let me out of here!" paghuhuromintado ko sa tapat ng pintuan.

I can sense that he's still by the door. Hindi siya nagsasalita kaya binalagbag ko ang pintuan ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya.

"Let me out of here! This is kidnapping! I can sue you!"

Lumalabas na yata ang lahat ng ugat sa aking katawan dahil sa galit. How dare him lock me inside this room?!

Nang mapagod na ako sa pagwawala ay naupo ko at sumandal sa may pintuan. Yinakap ko ang aking mga tuhod.

I don't get it! Why is he locking me up?! Hindi ba't gusto niya na ring makawala sa akin? Ibinibigay ko na nga ang tiyak na nais niya. Ang annulment! Para maging malaya na siya kasama ang babae niya!

"Please don't be mad at me for locking you up." nagulat ako nang may nagsalita mula sa labas.

Lalo lamang akong nainis. Sinong hindi magagalit na makulong sa isang lugar na hindi niya nais? Na makasama ang taong gusto niyang iwasan na? Sino?!

"I just don't want to lose you. I... I just want to understand everything, because all of what's happening ever since you left is fucking me up. Wala akong maintindihan."

Paisa isang luha ang nagsimulang pumatak sa aking mga mata.

Hindi mo talaga maiintindihan, Apxfel. It's me who saw you naked with someone else. Not you. It's me who felt betrayed. Not you. It's me who you cheated on...

Paano mo maiintindihan kung habang nagsasaya ka ay unti-unti namang nadudurog ang aking puso?

Huminga ako ng malalim at saka tumayo para dumako roon sa kama.

I think I should rest. Bukas ko na iisipin kung paano ako tatakas. Kung gigibain ko ba ang pinto o tatalon sa bintana ay hindi ko pa alam. Bahala na. Ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga.

Pagkagising ko ay maliwanag na. Nag unat unat ako at saka ko lang ulit napagtanto na narito pa pala ako sa Tagaytay at nasa isang hindi kilalang kwarto.

Iginala ko ang aking mga mata. Kagabi kasi ay hindi ko na ito napagtuunan ng pansin.

The bed is big. The whole room is painted white with black and gray touch ups. May malaking veranda roon ngunit nang makita ko iyong lock ay bumagsak na lamang ang tingin ko sa aking mga paa.

Paano ako tatakas dito? Kung hindi lang kay Apxfel 'to ay nanaisin kong manatili dahil sa ganda ng lugar. Ngunit kanya ito at nariro pa siya. Isang bagay na hindi kanais nais.

Napatingin ako sa isang table malapit sa may veranda. May pagkain sa ibabaw noon at may kasama iyong note.

Eat up. Hindi ka na nakapagdinner kagabi. Gigisingin sana kita pero masyadong mahimbing ang tulog mo.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon