Chapter 43

162K 4.1K 1.6K
                                    

Chapter 43

Little by little

Binulatlat ko iyon.

Bianca Cepeda

Iyon ang pangalan na nakasulat sa papel.

Kumunot ang aking noo. Sino ito? Ano bang gustong ipahiwatig ni Phillip? Hindi ko lubos na maintindihan ngunit parang may kutob ako roon.

Inabot ko iyong papel kay Max.

"I have no idea about this person. But can you do a research and report to me?" I told Max.

Agad naman itong tumango.

Habang pauwi ay naguguluhan pa rin ako. I wanted to ask Phillip! I want to know it so badly!

Nang makarating sa babay, nagtaka ako roon sa isang kulay gray na kotse sa tapat. Kaninong kotse ito? Bumili ba ulit ng bagong kotse si Dom?

Napatalon ako nang makita si Paui at Zimmer pagpasok ko sa loob.

"Frans!" maligayang sigaw ni Paui. Halos mag dive siya para mayakap ako.

"Paui! Nakauwi na pala kayo!" bati ko habang gulat na gulat pa rin. Yinakap ko siya pabalik.

Nasilayan ko naman si Dominic na naghahanda ng juice.

"Zim! Long time no see." baling ko rin kay Zimmer.

"Kakaiba ang glow ng mag-asawang iyan. Siguro extra special ang honeymoon!" biro ni Dom at saka ipinatong sa mesa iyong mga dala dala niyang baso.

"Syempre!" ani Zim.

Si Paui naman ay natawa. "Kung hindi ko lang kayo namiss, baka mas nagtagal pa kami roon. Ang ganda sa Greece!"

Nagkwentuhan kaming dalawa ni Paui sa sala. Sina Dominic naman at Zimmer ay naroon sa dining area, nagkekwentuhan din habang naghahanda ng makakain. Biglang sumagi sa aking isipan si Apxfel. Kung narito siya ay kumpleto ang Venoms. Malamang ay mala royal rumble dito sa bahay kung magkakasama iyong tatlong itlog na iyon.

Bumaling ako kay Paui at patuloy pa kaming nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari nitong nakaraan. Pati iyong kay Bobbie ay kinwento ko rin sa kanya.

"Seriously?! Naku! Nako talaga. Pag nagkita kami ng Bobbie na yan mata niya lang ang walang latay!" paghihisterya ni Paui.

Natawa ako ng bahagya. Apektadong apektado siya sa lahat ng aking kinikwento.

"Bobbitch na 'yon! Magkita lang talaga kami, naku!" dagdag pa niya.

"Namiss kita." sabi ko rito.

She is one of the people that I cherish a lot. A true friend.

"Ako rin!" aniya at muli akong yinakap.

Tinawag na kami ni Dominic at Zimmer. Handa na raw ang gabihan. Nagpadeliver kasi iyong dalawa, tapos ayun sila na rin ang naghain para daw makapagkwentuhan kami ng maayos ni Paui.

Umupo na kami. Magkatabi kami ni Paui. Tapos si Zimmer ay nasa harapan niya, ako naman ay kaharap si Dominic.

Habang hinihiwa ko iyong steak ay hindi ko namang maiwasan na hindi mapansin ang lakas ng pagkain ni Paui.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon