Chapter 16

153K 4.2K 696
                                    

Chapter 16

Lies

Knowing Apxfel, he will probably won't let me meddle with this. So it's better not to tell him for the mean time.

Pababa ako ng hagdan nang makita ko naman siyang paakyat dito.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Where are you going, wife?" takang tanong niya at agad na lumapit sa akin.

"Pupuntahan ko lang si Mommy." sabi ko.

I... I don't want to lie. Pero kailangan. Ngayon lang naman, e. I just really need to talk to Dominic.

"Magbibihis lang ako, sandali. Sasamahan kita." aniya.

Mabilis akong umiling.

"Hindi na... My Mom and I need to talk. Girl talk..." I tried my best not to buckle.

I'm not really good at lying.

Mas mahirap pa dahil kilalang kilala ako ni Apxfel. Maling kilos lang ay malalaman niya na nag sisinungaling na ako.

"Doon lang ako sa labas ng bahay-"

Bago pa matapos iyong sabihin ni Apxfel ay may umalingawngaw na boses.

"Chris!" malakas na tawag nito.

Pareho kaming napalingon ni Apxfel dito.

Bobbie looks so happy. Like seriously? Pakaway kaway pa siya kay Apxfel.

"Ang sabi mo, you'll help me find a place diba." sabi ni Bobbie na tila ba hindi ako nakikita.

"Bobbie... Ang sabi ko, I'll ask Zimmer or Dominic to help you." ani Apxfel.

"But they are busy, right? Dali na." pag pupumilit nito.

Pinipigilan ko ang pagtaas ng aking kilay.

"Aalis na ako." sabi ko rito. "Samahan mo na lang si Bobbie."

Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ko. Ayaw ko siyang pasamahin kay Bobbie! Pero anong magagawa ko?! Pag hindi ay magpupumilit siya na sumama sa akin. Maaapula ang pag-uusap namin ni Dominic tungkol sa kaso kapag nangyari iyon.

I have no choice. Damn it!

Hindi ko na hinintay pa ang pag ayon niya at mabilis na akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi.

There's no traffic kaya mabilis akong nakarating sa The Fireplace. Pag pasok ko sa loob ay nakita ko na agad si Dominic.

"Kanina ka pa?" sabi ko nang makalapit na sa kanya.

"Not really." he said and pulled the chair. "Ano gusto mo kainin?"

I scanned the menu.

Ano nga ba ang gusto kong kainin? Maybe I'll just have a salad. I'm not really hungry.

"Millionaire's salad will do." I told Dominic.

Siya naman ngayon ang tumingin sa menu.

"Are you sure? There's a lot of good food here. You should eat more. Pumapayat ka na rin." sabi niya.

Really? Am I getting thinner? Hindi ko na napapansin iyon.

Dumating ang waiter para kunin ang order namin.

"We'll have a Millionaire's salad, lobster bisque, porterhouse, norwegian salmon steak and bavette pasta."

Nang makaalis na iyong waiter, agad akong bumaling kay Dom.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon