Chapter 21
Together
Natulala na lang kami kay Bobbie. Tila hirap na hirap pa siyang pulutin iyong mga paper bags na nabitawan niya. Kung titignan pa ay parang nanginginig ang kamay niya.
Tumayo si Apxfel para tulungan siya. Lumapit din ako.
"What made you visit? May kailangan ka ba?" tanong ni Apxfel.
Tinignan lamang siya ni Bobbie na parang hindi alam ang dapat na isagot.
Umiling ito bigla. "Ummm, ah wala. May dala akong breakfast... pero kumakain na pala kayo. Sige ha. Una na ko. May pupuntahan pa rin kasi ako."
Tumango lang kami sa kanya.
She looks so devated... Ang weird lang. Gusto niya ba na mag breakfast dito? O gusto niya na sila lang ni Apxfel ang mag breakfast? Anyway, ano pa man dyan ay hindi na mangyayari.
Mag breakfast na lang siya mag-isa.
Pagkaalis ni Bobbie ay bumalik na kami sa table na parang walang nangyari.
"Kain na, wife." sabi ni Apxfel nang makita niya akong nakatulala.
"Dapat pala inimbitahan natin si Bobbie na kumain dito." wala sa pag-iisip kong sabi.
Di bali, ayaw ko naman din talaga diyang imbitahan!
Kumunot ang noo ni Apxfel.
"But I don't want to. Gusto ko tayong dalawa lang. I want to have this moment with you." he said. "...every moment, actually."
Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti sa kanyang sinabi.
I softly punched his arm.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan namin na makipagkita kay Dominic para pag-usapan ang tungkol doon sa kaso.
Paniguradong magugulat iyon na magkasama kami ni Apxfel dahil ang alam niya, ayaw kong ipaalam na nakikipag usap din ako sa kanya tungkol doon.
"Dom!" tawag ko nang makita siya na nakaupo na at umiinom ng kape.
Agad nag-iba ang ekspresyon niya. Marahil sa gulat at pagtataka na kasama ko si Apxfel.
"I already told him." bungad ko. "That's why we came together."
Ngumiti si Dominic. "Yes!" tugon niya. Halos napatalon pa nga.
"Bakit ang saya mo?" tanong ko pa.
"Well... ang hirap kaya magtago dyan kay Christan! Muntik pa akong bugbugin niyan nung isang araw!" ani Dom.
Natawa naman ako at bumaling kay Apxfel.
"At bakit mo naman muntik bugbugin si Dominic?" takang tanong ko.
Kumamot si Apxfel sa ulo niya.
"E, akala ko inaagaw ka niya." diretsong sabi nito.
Humagalpak kami ni Dom sa kakatawa. Siya naman ay nanatiling nakakunot ang noo.
"Baliw!" sabay naming sigaw ni Dominic sa kanya. Hay, kumag.
Hanggang sa makaupo kami ay hindi ko pa rin tinigilan si Apxfel.
"So sa tingin mo ba iiwanan kita?" panunuya ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Syempre, hindi. Sa gwapo kong 'to?"
I laughed and pinched his cheek because of his remarks. Naalala ko bigla 'yung dati... 'Yung mga ganitong biruan namin nung mga highschool pa lang kami.
BINABASA MO ANG
Forever with the Bad Boy
Romance[COMPLETED] Book 2 of Destined with the Bad Boy. Book 2 is available in book stores nationwide, Shopee, and Lazada!