Chapter 37

138K 4.3K 523
                                    

Chapter 37

Papers

"What?!" sigaw ko.

"Sa Tagaytay. That's where the files are." sabi niya habang kalmadong nagmamaneho.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Ni hindi nga nagloload sa aking utak kung bakit sa Tagaytay kami pupunta!

"Ha?" tanong ko, tila naguguluhan pa rin. "At kailan ka nagkaroon ng bahay doon?"

The last time I checked, all the houses that they've owned is just around the Metro.

Nagkibit balikat lamang siya roon sa tanong ko.

"If you want to have the name, it's in there." aniya at bumaling sa akin."Choose."

Natulala na lang ako. Nang mag sink in na ang lahat, bahagya akong tumango.

"Okay. Let's go there." I said, giving up.

Wala naman na akong magagawa. Kung nandoon iyon ay kailangan na talaga naming pumunta roon.

Huminga ako ng malalim. Baka kasi sa sobrang inis ko ay mabugahan ko na lang ng apoy si Apxfel!

Sumandal ako at piniling matulog. I should sleep instead. Mas maganda iyon kaysa awkward kaming dalawa rito sa kotse. Nakakastress kaya!

Hindi ko namalayan na naidilip na pala ako. Pag gising ko ay agad akong tumingin sa daan. Ang layo pa.

"Laway mo." ani Axpfel.

Agad akong napatakip ng kamay sa bandang bibig ko. Nang makapa kong tuyo iyon ay inirapan ko na lamang siya.

"Hindi ako naglalaway!" giit ko.

Tumawa siya. Ang lakas pa! How dare he?!

Hindi ko na siya pinansin pa. Kinuha ko na lamang ang phone ko sa aking bag. Nagtipa ako ng mensahe para kay Dominic. Baka kasi magtaka iyon kung nasaan ako. Sinabi ko kasi na makakauwi na ako after lunch. Sa tagal namin ni Apxfel ay baka gabi na kami makakauwi.

Dom, I'm with Apxfel. We're going somewhere. Baka gabihin na ako makauwi. This is about Talia's case.

Text ko kay Dominic.

I instantly received a reply from him.

Alright. Take care. Though I know na hindi ka naman pababayaan ni Chris.

Kung nakikita lang ako ni Dominic ngayon ay malamang na inirapan ko na rin siya.

"Malayo pa ba?" tanong ko kay Apxfel.

"Quite." he shortly answered. "Sino katext mo?"

"Si Dom. Sinabi ko lang na baka gabihin akong makauwi."

Agad na kumunot ang kanyang noo "Why?"

"Anong 'why'?" tanong ko.

Hindi ko siya maintindihan. His eyes were bloodshot.

Ngayon ay inihinto niya ang kotse.

"Why do you need to tell him?"

I can see how furious he is right now. Hindi ko tuloy mahanap ang mga tamang salita na dapat isagot sa kanya.

"Umm... I... I just want to let him know. I told him that I'll be home this afternoon. Baka lang magtaka siya kung bakit wala pa ako."

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga mata niya. Galit at pagod ang nakikita ko sa mga iyon.

Umiwas na lamang siya ng tingin sa akin at pinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa huminto siya sa isang malaking bahay.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon