Chapter 41

146K 4.1K 1.5K
                                    

Chapter 41

What Kind

Tinakbo ko ang parke. Wala akong dalang pera o kahit ano man. Tanging sarili ko lamang ang mayroon ako.

Tumigil muna ako at bahagyang pinunasan ang aking mga luha. Pagtingala ay nagulat ako sa taong nasa harapan ko.

"Phi... Phillip?"

I was surprised to see Phillip Mendoza here. Huli ko siyang nakita ay sa States pa. Iyon 'yung nakipag meeting ako para sa isang proposal ngunit sa kasamaang palad ay natanggihan.

"Bakit ka nandito?" tanong ko pa.

Lagi kasi siyang ganyan. Lumilitaw na lang bigla!

"I'm just... just having a little vacation." sagot niya.

Dahan dahan akong tumango. Sabay noon ang mabilis kong pag-iisip na humingi ng tulong sa kanya. Damn. I badly need help! I need money! I need to go back to Manila!

"Can you lend me some money? Kailangan ko lang talagang makauwi ng Maynila ngayon." I said.

Agad siyang tumango at bumunot ng pera sa kanyang wallet. Nagulantang ako nang inabutan niya ako ng sampung libo.

"Masyadong malaki 'yan. Pamasahe lang naman ang kailangan ko."

"Kung gusto mo, pwede naman kitang ihatid. Pauwi na rin kasi ako pa Manila." aniya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumayag na. Hindi ko rin kasi alam kung paano mag commute mula dito pabalik sa Maynila. Lagi kasing kotse ang gamit namin.

"Salamat." sabi ko habang nasa byahe.

Tumango tango siya.

"How's the investigation going for your lost baby?" tanong nito na ikinagulat ko.

Umawang ang aking labi.

Paano niya nalaman? The time we saw each other in the hospital, ang alam niya lang ay nanganak na ako. Ni hindi ko nasabi na critical si Talia. The time we ran in his uncle's office, puro business lang ang naging usapan.

How the hell did he knew about this?

"Paano mo nalaman ang tungkol dito?" I asked.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa tanong ko. Na tila ba alam niya na maling nagtanong pa siya.

"I... I overheard it. Usap usapan 'yon sa mga shareholder's meeting." aniya.

So, ganoon? Isa na pala kami sa topic ng mga chismis ngayon.

"The investigation is fine. The progress is a bit slow. But I know that my team are doing their best." I said.

Tumango na lamang si Phillip.

Huminto kami sa isang coffee shop. Doon na ako nagpababa. Magtataxi na lang ako para makarating sa Ancestral's house ni Dominic. Baka kasi kung ano pang isipin nitong si Phillip kung doon ako magpahatid.

"Salamat ulit." sabi ko.

"Wala 'yon. Take a good rest, Frans." tugon niya. "I hope that you'll get justice soon enough."

Nang makaalis na si Phillip Mendoza ay pumasok na ako sa coffee shop. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Buti na lang at pinahiram din niya ako ng isang libo. Okay na ito. Sapat na para makakain at makauwi.

Umorder ako ng tuna pie at saka ng caramel macchiato. Umupo ako roon sa gilid kung saan may mga sofa.

I took a deep breath.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon