Chapter 8

156K 4.8K 539
                                    

Chapter 8

Bandage

I tried my best to speak. Tila ba napanis na ang aking laway at ang hirap hirap na magsalita.

"Mom..." I uttered.

Hilatsa ko ay narinig naman iyon ni Mommy.

Nakita ko ang kanyang paglingon. Nalaglag niya ang prutas na kanyang hawak.

"Abigail!" she called.

Agad siyang tumungo sa akin. "Anak, gising ka na."

Happiness showed in her face. Ngunit kita ko rin ang stressed at pagod sa kanya.

"Abigail, anak ko, gising ka na." banggit niyang muli. "Dad! Gising na si Abigail!"

Nagising naman agad si Daddy sa sigaw ni Mommy. Nagpunta siya sa akin ngunit sumigaw ulit ang Mommy ko na tumawag ng nurse at doctor kaya lumabas na muna si Dad.

"Anong pakiramdam mo, anak?" tanong ni Mommy. Namumuo rin ang luha sa kanyang mga mata.

This is like a déjà vu.

"Mom... asan..." bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay may Doctor na at iilang nurse ang pumasok sa kwarto.

Hindi ko alam ang kanilang ginawa. May tinignan sila na kung ano, tapos ay mayroong itinurok sa akin.

Ni hindi ko iyon naawat o maitanong man lang sana kung ano iyon...

Seconds after it, I dozed off.

"May sakit daw ang Mama ko." sabi ni Chap Chap.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Yinakap ko ang stuff toy ko dahil nalulungkot ako.

"Anong sakit niya?" tanong ko.

Umiling lang siya.

Lumapit ako rito at itapik tapik ang kanyang likod. "Gagaling din siya. Uminom lang siya ng gamot tapos mag pray tayo." saad ko.

Tumango si Chap Chap.

Bago kami maglaro ay nag dasal muna kami na sana gumaling na ang Mama niya.

Nagpunta kami sa may playground na malapit sa aming village.

"Anong lalaruin natin?" tanong ko.

Nakaupo kami sa may damuhan. May ibang mga bata rin kasi na naglalaro. Hindi kami makasingit doon sa swing. Iyon pa naman ang pareho naming gusto.

"Bahay bahayan?" sabi niya. "Tapos anak natin kunwari iyang stuff toy mong bibe."

"Hala! Bakit may anak anak? Hindi ba pwedeng magkapatid na lang tayo kunwari?" sabi ko naman.

Sumibangot na lang si Chap Chap tapos ay nagyaya na siyang umuwi.

Hala?!

Magulo ang lahat. Is this a dream?

As much as I wanted to wake up, para bang hinahatak pa ako sa mas malalim pang tulog.

"Anak, lumabas ka naman ng kwarto mo." sabi ni Mommy.

Nanatili lang akong nakahiga.

Sobra akong nalulungkot dahil lumipat na kami rito sa Tagaytay. Mamimiss ko si Chap Chap. Mamimiss ko siya ng super duper!

"Anak... your Daddy and I will go to the office. Sinabi ko kay Yaya na samahan ka sa park. Mag libot libot kayo roon." sabi ni Mommy.

Nang umalis na sila Mommy ay tinulungan na rin ako ni Yaya na magbihis.

Pupunta kami ng Park. Medyo nakaramdam ako ng tuwa. Gusto ko din kumain ng ice cream mamaya doon.

Pagdating namin ay agad akong na amaze sa lugar.

Naupo kami ni Yaya sa isang bench doon. Gusto ko na ng ice cream kaya naman umalis muna si Yaya. Wait lang daw at maghahanap siya.

Habang wala si Yaya ay napatingin na lang ako sa paligid. Hindi ko maiwasan na hindi maiyak kasi namimiss ko si Chap Chap. Wala na akong kalaro, saka friend, saka lahat lahat.

Nagulat ako nang may tumabi sa akin na bata.

Tinignan ko siya pero saglit lang at inilayo ko na din ang tingin ko.

Ano ba itong batang ito! Nakiki upo. Nauna kaya kami ni Yaya dito!

May inaabot siya sa akin na dimpo.

Tinitignan ko lang iyon.

"Para sa luha mo. Umiiyak ka kasi, e." sabi nung bata.

"Malinis ba yan?" tanong ko.

"Oo naman! Hindi ko pa yan pinupunas sa pawis ko 'no. Sabi nga ng Mommy ko para sa pawis ko 'yan, e."

Kinuha ko 'yung dimpo tapos ay nag punas ng luha.

"Bakit ka umiiyak? Nadapa ka ba?" tanong niya.

Umiling ako.

"Namimiss ko 'yung kaibigan ko sa ibang lugar."

"Ahhh." sabi niya at tumango. "Ako, pwede mo ako maging friend. Wag ka na umiyak."

Tumango tango ako rito. Mukha naman siyang mabait.

"Calix." pagpapakilala niya sa akin.

I gasped when I woke up. Para bang nanggaling ako sa ibang dimensyon samantalang nakatulog lang ako.

Was I dreaming?

"Abigail, anak?" bungad ni Mommy at Daddy sa akin.

"How are you, Abi?" Dad asked.

Unti-unti akong kumukuha ng lakas para magsalita.

"Anak, may inenject sayo na pang pakalma kanina kaya naman nakatulog ka. Do you feel better now?" sabi ni Mommy.

"Opo." sagot ko. "Anong nangyari, Mom?"

Sa katanungan kong iyon, agad bumalik sa aking alaala ang mga nangyari.

The fire... Everything...

Nakaramdam agad ng kaba at takot nang maalala ko iyong nangyari.

"Si Apxfel? Nasaan po si Apxfel?" sunod sunod kong tanong.

Bago pa sila makasagot ay may lalaki nang tumambad sa aking harapan.

My husband.

He... he have a bandage... all over his head.

-

AN: Sorry po sa mabagal na update. Babawi po ako. Busy lang talaga ngayon huhu.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon