Chapter 10

194K 5.1K 345
                                    

Chapter 10

Protect

Inilayo ko ang tingin ko kay Apxfel. I was so damn guilty from what I've said. Mali iyon.

"I'm sorry..." I said without looking at him.

Agad akong nakaramdam ng hiya sa taong walang ginawa kung hindi ang isipin ako.

"It's okay... Kukuha muna ako ng makakain mo." sabi niya at saka tumayo na.

Hindi nabawasan ang guilt na nararamdaman ko.

Pero kasi... sa mga oras na ito ay wala na talaga akong pakialam sa aking sarili. Makakain man o hindi. Si Talia lang talaga ang nais kong pagtuunan ng pansin.

Our baby is in a critical condition... Hindi ko mahanap sa aking sarili kung paano ako magiging okay. Hindi kasi talaga.

Isinandal ko muli ang sarili sa pader. I closed my eyes and prayed to the Lord.

Ipinagdasal ko na sana ay maging okay na ang anak namin... Lahat ay itataya ko para sa kanya.

Dumating si Apxfel bitbit ang isang paperbag. Iyon na siguro ang pagkain na binili niya.

"Let's go to your room. Ihahatid lang kita doon para kumain at magpahinga. Ako naman ang magbabantay kay Baby Talia." saad niya.

"Ikaw paano ka? Hindi ka pa kakain?" mahinang tanong ko.

"I'm alright." aniya.

Hindi na ako tumutol pa dahil mukhang pursigido siya na ako na lang muna ang kumain at siya ang magbabantay kay Talia.

"Pinauwi ko na rin muna ang Mommy at Daddy mo. Sa totoo lang ay ayaw pa nila, kaso ilang araw na silang dire-diretsong narito at walang pahinga. They should rest. Kaya ko namang magbantay rito." ani Apxfel.

Tumango na lamang ako sa pahayag niya.

Naupo ako sa kama kung saan ako nakahiga kanina. Inilapit ni Apxfel iyong tray sa ibabaw ko at inihanda roon ang mga binili niya.

"Kahit kaunti lang ang ilagay mo... sayang kasi kung hindi ko mauubos. Wala pa talaga akong gana." sabi ko.

He just nodded.

"Lalabas na muna ako. Kumain ka na at saka magpahinga. You need a lot of rest." saad nito.

Nakakaramdam ako ng gutom ngunit parang hindi ko gusto isubo itong mga pagkain sa harapan ko kahit pa paborito ko ang mga nakahain.

Huminga ako ng malalim at sumubok ng sumubo. Tama si Apxfel. I need all the strength I can get.

Habang sumusubo ay hindi maiwasan ng mga mata ko ang libutin ang kwarto... It was exactly like the last time. Lagi na lang ba ako babalik dito? Sa ospital? Lagi bang may isa na nasa panganib? Hindi ba pwedeng maging masaya naman?

Umagos ang mumunting tubig mula sa aking mata. Crying is inevitable right at this very moment.

Nang matapos na ako sa pagkain ay inilayo ko na iyong tray na nakapatong sa akin. I felt that I was drained from all the emotions I released.

Pipikit na sana ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Something on that hotel bothers me." sabi ng pamilyar na boses na iyon.

Bumangon ako sa pagkakahiga tapos ay lumapit sa pintuan. Idinikit ko ang aking tenga roon para marinig ko iyong usapan.

Ilang palitan pa ng salita at nahimigan ko na ang boses ni Dominic.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon