Chapter 17
Set Up
He's right. I am being distant to him.
I'm sorry, Apxfel. I need to do this. Cause if not, baka masabi ko ang lahat sayo. Baka pagbawalan mo ako at pag nangyari iyon, hindi ko na alam ang magagawa ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog na.
Kinabukasan, nagising ako na wala na si Apxfel sa tabi ko.
Kinusot ko ang mga mata ko. Right after, bumukas ang pintuan.
"Good morning." he said and tried to smile.
"Good morning." tugon ko at tumayo na sa higaan.
"Breakfast is ready. Kain na tayo?" tanong niya.
Tumango ako sa kanya.
Pagkababa namin ay bumungad agad si Bobbie. Kumunot ang aking noo.
"Tara kain na tayo!" maligayang sabi niya.
Why is she here... again?
Naupo siya. At doon pa talaga siya sa upuan ko umupo. Sa tabi ni Apxfel... Is she insane?!
"Ayaw ko na. Nawalan na ako ng gana." pag baling ko kay Apxfel.
Tumalikod na ako at umakyat na lang muli sa hagdan. I can't take her. Alam ko ang rude ng ginagawa ko, but come on. I have no time to buddy her. I don't even have plans to!
Nagpunta agad ako sa kwarto para maligo at magbihis. Aalis na lang ako at aasikasuhin ang kaso. Kaysa naman nandito lang ako at maiirita lang sa babaeng iyon.
Nang tapos na akong mag ayos ay lumabas na rin ako ng kwarto.
Apxfel is just standing infront of the door.
"Aalis ka... ulit?" tanong niya.
Tumango lamang ako at hindi na umimik pa.
Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa muli. Mabuti rin na hindi siya nangulit para sumama.
Nang makasakay na ako sa taxi ay hinugot ko ang phone sa bulsa at itinext si Dominic.
Let's meet at Seattle's.
Ilang saglit lang at nakakuha na rin ako ng reply.
Sure. Ingat ka.
Nang makarating ako ay umorder na lang muna ako ng kape. Medyo gutom na rin ako dahil hindi naman ako nag almusal.
A few minutes after, Dominic came.
"Hi. Kumain ka na?" bungad niya.
Umiling ako. "Coffee lang."
Tumayo siya at nag punta sa counter. Siguro ay magkakape rin...
Maya maya lang ay nakarating na siya sa table at may dala dalang tray.
"Ang dami naman niyan." I told him.
Iyong tray kasi na bitbit niya ay ang daming laman. May coffee, may pancakes at fried rice na may ulam.
"Let's have breakfast first." sabi niya.
Ngumiti naman ako dahil gutom na talaga ako.
Inuubos ko na lamang ang pancake ng magsalita si Dom.
"So, have you seen the picture?" he asked.
Umiling agad ako.
"Wala sa albums ko. I think, na kay Calix. I have to wait for his Mom first. Nasa ibang bansa pa kasi 'yung Mama niya." saad ko.
"Alright. We have to proceed even without it for the mean time." aniya. "What are your plans?"
"I really wanted to talk to the owner. Is that possible?" tanong ko naman sa kanya.
"The owner of the hotel? Ang sabi sa akin ng kaibigan ko, mailap daw iyon. Though I can use my connections to push through kung gusto mo talaga ito makausap."
Tumango naman ako. "I really wanted to."
"Sa tingin ko, kung papayag iyon ay matatagalan pa. How about we talk to the hotel employees first?"
"Magandang ideya iyan." sabi ko pa kay Dom.
We ended up talking past three pm.
Ilang araw ang lumipas at ganoon na ang naging set up.
Umaalis ako ng bahay tapos ay nagkikita kami ni Dominic para pag usapan ang tungkol sa kaso... At sa araw araw ding umaalis ako ay nakikita ko si Bobbie sa bahay.
Gusto ko sanang mag react... pero hindi na lang. Hinahayaan ko na lamang. I have no other time to think about her. I need to be focus on giving my daughter the justice she deserves.
Apxfel, on the other hand, is now back at working. Lalo na at bumababa na ng kaunti ang sales. Napilitan lang din yata ito dahil kinausap siya ng ama niya para bumalik na.
While our company is getting the hang of it... Apxfel and I's relationship must have gone worst... We barely talk to each other. Pag uwi ay tulog na lang ang nagagawa namin pareho.
I am even prohibiting myself to talk to him.
Imposible kasing wala akong masabi. Imposibleng hindi ko maisambulat sa kanya ang tungkol sa imbestigasyon.
I just don't want to lie anymore! Kaya naman imbes na magsinungaling ay mas mabuti na lang na huwag nang magsalita pa.
Ayos na iyong hindi na rin siya nagtatanong sa araw araw kong pag alis.
Ayos na muna ang ganitong set up.
![](https://img.wattpad.com/cover/76522977-288-k719239.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever with the Bad Boy
Romance[COMPLETED] Book 2 of Destined with the Bad Boy. Book 2 is available in book stores nationwide, Shopee, and Lazada!