Chapter 5

217K 5.7K 953
                                    

Chapter 5

Quail

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Umaga na pala. Napatingin ako sa tabi ko at wala na roon si Apxfel. Nasaan kaya siya?

Bumangon ako at lumabas na ng bedroom. Tuwing nagigising kasi ako tapos ay wala na siya sa tabi ko, gusto ko na ding bumangon kaagad. Ewan ko ba.

Paglabas ko ay agad akong may naamoy na luto. Wait... is he cooking?!

Pumunta agad ako sa kusina. Nanlaki ang aking mga mata. Oh gosh. He is really cooking!

Bumungad ang kanyang likod sa akin. He's topless... tanging boxers lang at apron ang suot niya ngayon. His hair is messy and his muscles are flexed... God.

Nang tumalikod siya ay saka niya lang ako nakita. Umalis agad siya malapit sa may stove at pumunta sa akin.

Nakailang lunok ako ng laway habang naglalakad siya papalapit. He looks so hot. What the heck?!

"Good morning, wife. Gigisingin na rin dapat kita pagkatapos kong mag luto... Gising ka na pala." sabi niya.

His happiness is evident on his face.

"Good morning."

Iyon na lang ang nasabi ko. Yumakap na kasi ako sa kanya.

"You're clingy." he said while hugging me back.

"Please, wear a shirt. Hindi ko kakayanin. Baka mag crave ako sayo."

Humagalpak siya sa tawa sa sinabi ko. Seryoso kaya ako!

"Are you attracted, wife?" panunuya niya.

Umirap na lang ako sa kanya at nagtungo na doon sa lamesa.

"Bakit ikaw? Hindi ka ba attracted sa'kin? Mukha na ba akong refrigerator?!" sigaw ko.

Lumapit siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Hinawakan niya ang baywang ko.

"I'm always attracted to you, Abigail."

Napatingin ako sa mga mata niyang tila ba nilulunod ako.

Ibinaling ko na lang ang sarili ko doon sa pinggan na nakatakip sa may lamesa.

"Anong niluto mo?" tanong ko.

Hindi ko na inantay iyong sagot niya. Tinignan ko na agad kung ano ang nasa pinggan.

Hotdogs ang nakita ko roon.

Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Naalala ko kasi iyong unang beses niya itong iniluto sa'kin... Sunog lahat.

"Hindi na 'yan sunog!" pagmamalaki niya. Para bang tuwang tuwa siya na hindi nasunog iyong luto niya.

Tinignan ko naman iyong luto at agad akong natawa.

"Hindi nga sunog... hindi rin naman luto!" sabi ko.

Hindi ko mapigilang hindi matawa. Siguro ay ingat na ingat siyang huwag iyon masunog kaya hinango niya agad!

"Hindi luto?!"

Tumango tango sa kanya. "Ni hindi nga bumuka 'yung hiwa, hub hub e!"

"Tss. Hindi ko naman kasi hiniwa, wife. Kailangan ba?" anito na ikinatawa ko nanaman.

Ang cute niya!

"Pipritusin ko na lang ulit." suhestiyon ko pero pinigilan niya ako.

"Hindi ko na iyan luto pag ginawa mo 'yun. Ibigsabihin... I failed to cooked for you." ngumuso siya.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon