Chapter 33

135K 4.3K 774
                                    

Chapter 33

Saved

The investigation is getting rough. Wala pa ring update hanggang ngayon at kung kailan ko ba makakausap iyong may-ari ng hotel.

Mabilis ang takbo ng oras. Mabilis ang pagtalon ng panahon... Justice must be serve! And I want it now!

Nakakagigil lang!

"Take it easy, Frans. I'll see what I can do." sabi ni Dom.

Kakatapos lang namin kausapin iyong kaibigan na investigator ni Dom. Mailap daw iyong hotel owner. Nasa ibang bansa raw ngayon at hindi malaman kung saan bansa.

Huminga ako ng malalim.

"I'll try to get help with my contacts. Wait for me at the store, alright?" habol pa niya.

"Okay." dismayadong sagot ko.

I'm so disappointed about everything! Tila ba wala nang nangyayaring maganda.

Agad na umalis si Dom. Ako naman ay pupunta ng mall ngayon dahil may mga kailangan akong bilhin. At saka kaunti na lang din ang stocks dito sa bahay na ito.

I hopped at Dom's white BMW. Sana lang ay wala akong makabangga gamit ang sasakyan na ito.

Pagdating ay namangha ako dahil sa karampot na tao. Madalas kasi na marami ang tao sa mall, hindi ba?

Tama nga ang sinabi ni Dominic, kaunti lang ang mga namimili rito. Marami rin kasing mga mall sa area kaya siguro nahahati ang mga tao.

I bought some law books. I wanna try to understand what we can do about Talia's case. I am not a lawyer. I just want a little knowledge about it.

Namili na rin ako ng mga pagkain. Dom's getting busy these past few days, kaya ako na lang ang aasikaso para sa mga grocery needs.

Bitbit ang grocery bags sa kaliwa, books at bag naman ang sa kanan. Papunta na ako sa parking lot. Ang dami kong dala ha.

Napahikab ako. Medyo nakakapagod din ang ginawa kong pamimili.

Habang naglalakad, tinatanaw ko kung saan ko pinark iyong kotse. Nasaan na nga ba iyon?

Nang mamataan ko ang puting sasakyan ay agad akong tumungo roon. Ang dilim na. Gabi na rin kasi. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pag iikot ikot.

I suddenly froze when a hand covered my mouth.

Nabitawan ko ang aking mga bitbit.

I thought it was Dominic playing around... Ngunit pahigpit ng pahigpit ang hawak nito sa aking bigbig. That's when I thought that whoever is on my back wasn't kidding.

Agad akong nagpumiglas.

Pinilit ko ring sumigaw pero masyadong mahigpit ang hawak niya.

Bigla niyang hinagit ang dalawa kong kamay upang hawakan niya iyon gamit ang isang kamay niya.

Kahit isang kamay lang ang gamit niya upang hawakan ang mga kamay ko ay hindi pa rin ako makabitaw. He's too fucking strong!

Sinubukan kong tumalon talon upang makawala ay wala ring nangyari.

My tears harshly rolled when the man brought me to the darker part of the parking lot.

Higit pa sa takot ang aking naramdaman.

Nang binitawan niya ang aking bibig ay agad akong nagsisigaw.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko. "What the fuck do you want?!!"

Nilingon ko ang lalaki ngunit nakatakip ang kanyang mukha. Akala ko ay hahayaan niya na lamang ang aking bibig pero ilang saglit lang ay tinakpan niya ulit iyon gamit ang kamay.

Patuloy niya pa akong dinadala sa mas madilim pang parte. I saw a van right there and my fear rosed like a wildfire.

Sinubukan kong kagatin ang kanyang kamay. Nagtagumpay ako ng panandalian dahil nabitawan niya ang bibig ko. Pero agad niya akong sinandal sa isang matigas na pader roon.

"Sino ka? Anong gusto mo?!" malakas na sigaw ko.

Idinikit niya ang katawan niya sa akin. Halos naninikip na ang dibdib ko sa takot.

The next thing I knew, nasa lapag na ang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Apxfel. Shock filled me.

Malalakas na suntok ang pinakawalan niya. It was punch after punch.

Ako ay nasa gilid lamang at nanatiling nakatulala. Apxfel came... He came and he... saved me.

Nanginginig ang mga kamay ko. Humawak ako sa aking bibig upang mapigil ang paghikbi.

Hindi tumigil si Apxfel sa pagsuntok doon sa lalaki. Kita ko ang galit sa kanya at sa bawat paglapag ng kanyang kamao ay kitang kita ko ang dugong dumadaloy.

Tumayo siya nang makitang hindi na makapalag iyong lalaki. Bahagyang gumagalaw pa ito, pero kitang hirap na.

Hinarap niya ako. I saw his bloodshot eyes.

Mabilis siyang lumakad upang harapin ako.

"Nasaktan ka b-" bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay winakasan ko ang maliit na espasyo sa amin. Hindi ko napigilan ang sarili at yinakap ko siya.

I am so afraid.

Hindi ko alam kung bakit pero napayakap na lang ako sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na pumalupot sa akin. Puno iyon ng kasabikan, takot at marami pang iba.

I hugged him as my tears continued to flow.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon