Chapter 24

167K 4.6K 290
                                    

Chapter 24

Barriers

Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin mapalagay ang aking loob. I just instantly felt that we are not safe anymore.

Pakiramdam ko tuloy ngayon ay kahit saan ako magpunta, mayroong panganib. Parang mayroong nakasunod lagi. Kumakalma lamang ako pag magkasama kami ni Apxfel. Doon lang.

Umayos ako ng upo sa aking swivel chair at nag simula ng himay himayin ang mga dokyumento na ibinigay ng sekretarya ko kanina. I need to review and sign these documents.

Kahit na may ginagawa ay hindi pa rin ako mapalagay.

"Relax, Abigail. Nasa office ka at maraming guards dito." sabi ko sa sarili.

Nag ningning ang mga mata ko nang may bigla akong naisip. What the hell? Bakit ngayon lang ito sumagi sa isip ko?

Na dapat ay mag hire kami ni Apxfel ng Body Guards! Dapat kumuha rin kami ng iilang Maids.

I think that would prevent me to worry a little. Syempre at marami na kaming kasama at tigapagbantay.

Apxfel and I like to live a bit low-key. We do not exceed onto everything our money can offer. We wanted to have a life aside from jewels and golds. To enjoy living like a normal husband and wife that do their chores.

But I guess, that really wouldn't work.

If we do not build barriers, we will end up hurting by people we don't know...

Kinuha ko ang phone ko. I dialed my Mom's number. Ilang saglit lang at sumagot na rin siya.

"What is it, darling?" tanong ni Mommy nang mahimigan niya na may kailangan ako.

"Mom, remember the mansion that you originally plan to give us after our wedding?" I asked.

Agad naman nagtaka si Mommy.

"I thought ayaw niyo ni Christan ng mansyon? Kaya nga when we personally heard you guys planning to build a two storey house, nag plano na agad kami nila Tatiana na mag pagawa." saad nito.

Tumango tango ako na para bang nakikita ako ni Mommy mula roon sa phone.

Tandang tanda ko pa kasi iyon.

"Pero fully furnished na iyong mansyon di'ba po?" tanong ko pa ulit.

"Yes. Kahit nga walang nakatira roon, may care taker iyon saka guard!" ani Mommy.

Natawa ako ng kaunti sa kanyang sinabi.

"Then it's fine if Apxfel and I relocate to the mansion?" tanong ko.

Naisip ko rin kasi bigla na mas maganda siguro kung doon na kami tumira.

"Of course, anak! I will tell Manang Josefina to change all the sheets and clean everything!" excited na sabi ng Mommy.

Natupad na rin ang nais niya. She is always questioning me and Apxfel on why we settled on a two storey house if we can have more.

Pagkatapos nang tawag ay pumunta ako sa opisina ni Apxfel.

Pagbukas ko ng pintuan ay agad kong nakita ang asawa.

Apxfel is sitting on his black swivel chair. Nakakunot ang noo nito habang may binabasa sa kanyang lamesa. He looks so serious every time he's working. And I adore him for that.

"Hi." bungad ko.

Agad niyang iniwan ang lamesa at nag tungo sa'kin. "Hi! How are you, wife?" tanong niya.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon