Chapter 7

181K 5.1K 635
                                    

Chapter 7

Flashes

It's all white. It's all blurred... but seconds by seconds, minutes by minutes, sweet and old memories are flashing me.

"Babi, pumasok ka na rin maya maya ha? Magagalit nanaman ang Mommy mo. Ayaw ka pa naman palabasin kasi baka madapa ka nanaman at magkasugat." sabi ni Yaya Conching sa akin.

"Opo, ya!" sagot ko at saka nagtatakbo karga ang stuff toy ko na bibe.

Sobrang excited na kasi ako maglaro. Minsan lang kasi ako makalabas ng bahay, e.

Malayo layo na ako sa bahay. Patuloy pa rin akong tumatakbo at iwinawagayway pa si Ms. Cutie Duckling na stuff toy ko.

Nagulat na lamang ako nang may nakabangga akong bata. Hala! Tumalsik si Ms. Cutie Duckling ko!

Hindi ko na pinansin ang aking nakabangga... ni hindi ko nga inalala ang puwet kong lumagapak sa sahig, e. Si Ms. Cutie Duckling ang inaalala ko. Madudumihan siya! Bibe love ko ito, e!

"Hoy, bata! Hindi ka manlang mag sorry? Bad ka."

Lumingon ako at nakita kong naka simangot iyong batang lalaki. Napansin ko rin na umiiyak siya.

Hala! Umiiyak ba siya dahil nabangga ko siya? Bakit ako rin naman lumagapak ang puwet ha... O baka mahina lang ang puwet niya. Teka, may mahina bang puwet?

"Ay hala, bata. Sorry. Hindi ko naman sinasadya." sabi ko rito.

Lalo lang siyang sumimangot.

"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo, e!" anito.

"Hindi naman kaya ako naglalakad. Tumatakbo ako!" giit ko naman doon sa bata. "Sorry na! Dapat nga galit din ako kasi nadumihan si Ms. Cutie Duckling pero hindi naman ako nagalit kasi umiiyak ka."

Pinunasan niya naman ang mukha niya.

"Hindi ako umiiyak!" sigaw niya.

Nagsisinungaling pa siya! Umiiyak siya, e. May tubig tubig siya sa mata niya tapos namumula. Ano 'yun kung hindi iyak 'yun? May iba pa bang lumalabas sa mata bukod sa luha?

Pwede bang mag tubig ang muta? Matigas iyon diba? Hindi rin naman pwedeng laway iyon.

Ang sabi ni Mommy pag daw may malungkot dapat i comfort. Pag nga umiiyak ako dahil sa sugat ay yinayakap ako ni Mommy.

Lumapit ako roon sa bata at yinakap ko siya.

Nako! May isa pa pala akong nalimutan. Sabi ni Mommy 'Don't talk to strangers', e... Pero naisip ko, hindi naman siguro ako dudukutin ng batang to kasi wala naman siyang kendi na binibigay sa'kin.

Sabi kasi ng Yaya Conching ko, ganoon daw ang technique ng mga bad guys. Bibigyan ka ng kendi tapos kukunin ka raw nila!

"Bakit mo ako yinayakap? Crush mo ba ako?" tanong nung lalaki.

Ay. Anong crush? Di ko kaya iniisip iyon. Bata pa ako, ano! Kahit nga crush ko si Sasuke at Rukawa ay hindi ko sinasabi kayla Mommy at Daddy! Baka magalit!

"Hindi kita crush!" sabi ko tapos ay bumitaw sa yakap. "Bakit ka ba umiiyak? Masakit ba nung nadapa tayo?"

Umiling siya.

"Dinala sa ospital ang Mama ko. Nahimatay kasi siya. Gusto kong sumama pero ayaw ni Papa. Dito na lang daw ako." saad nung bata.

Agad akong nakaramdam ng awa. Nalulungkot ako para sa kanya.

"Sana ay okay lang ang Mama mo... saka tama rin si Papa mo. Pag nagpunta ka roon sa ospital baka mahawa ka. Madaming may sakit doon!" sabi ko.

"I hope my Mama is okay." sabi nung batang lalaki at muling nag punas ng mata gamit iyong t-shirt niya na power rangers ang design.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon