Chapter 6

199K 5.2K 776
                                    

Chapter 6

Flames

I woke up feeling entirely bad. Hindi ko alam kung bakit... Siguro ay gutom lang ako.

Bumaling ako kay Apxfel na mahimbing pa ang tulog. Pinindot ko ang kanyang ilong. Saka ko lang naisip na ang rude ng ginawa ko kasi natutulog pa siya tapos ako ay nanghaharot.

Unti unting dumilat ang mga mata niya.

"Ang aga mong magising, wife." sabi niya na nakangiti. Dahan dahan din siyang bumangon. "Good morning."

"Gutom ata ako." bungad ko at siya naman ngayon ay natawa.

"Lagi naman, wife."

Mahina kong pinalo ang kanyang braso. Hindi ako laging gutom, ano! Minsan lang kaya. Tss!

"Anong gusto niyong kainin ni Baby Talia?" tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako at nagsungit sungitan pa.

Akala ko ay susuyuin niya ako, pero mas lalo siyang natawa.

"Ang cute mo!" sabi niya sabay ang pag yakap sa akin. "Si Aling Sungit ka talaga."

Hmp! Ako masungit? Kailan? Saan? Hindi naman ha.

Bumitaw ako sa yakap.

"Ikaw naman si Manong Kumag!" pag bawi ko sa kanya. Mas tumawa lang siya.

Ano kaya ang dapat kong sabihin para mainis naman siya? Hmmm.

"Makapag swimming nga mamaya. May binili pa naman akong bikini..." saad ko sabay tayo sa kama.

Pag lingon ko ay nakasibangot na siya. Hah! Nakabawi rin ako!

"What did you just said?" seryoso pang tanong nito.

Ako naman ngayon ang natawa.

"Joke lang!" sabi ko.

Lumapit siya lalo sa akin at marahan na pinisil pisil ang aking mukha. Bakit? Mukha na ba akong stuff toy ngayon? Ang taba ko na ba talaga?!

Naramdaman ko na lang bigla ang gutom.

"Hubsky, parang gusto ko ng... tocino. Ay hindi hindi... Umm, tapa na lang pala."  habang nalilito pa rin kung ano ba ang talagang gusto ko.

Humiga ako ulit. Si Apxfel naman ay tumawag upang umorder ng breakfast namin.

Napatingin naman ulit ako sa dingding at natulala roon. Mas maganda ang dingding ng hotel rooms namin kaysa rito.

Maganda rin naman ang hotel na ito pero marami pa rin silang kakulangan. Siguro dahil ay bago pa kaya ganoon. Walang heater sa comfort room. Dapat ay mayroon. Kung titignan ay tila wala rin silang close-circuit television. Wala nga ring silang fire sprinkler system. Ang mga tauhan nila ay kaunti lang din. Paano na lang kung marami ang tourists? Mangangarag ang mga tauhan.

Kapag nakausap namin ni Apxfel ang may-ari ay magsusuhestiyon ako sa mga bagay na maaari niyang idagdag.

Napahinto ako sa iniisip nang may naramdaman akong humiga sa kama.

Bumaling ako kay Apxfel.

"Hey." bati niya.

Itinapat niya ang kanyang mukha sa tiyan ko. Tila ba pinapakiramdaman niya ang aming baby.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon