Chapter 14

145K 4.5K 800
                                    

Chapter 14

Last

I run and run... Hindi ako hinahabol ng Zombie. Oras ang humahabol sa akin.

Nang makakita ako ng taxi na walang sakay ay agad ko iyong pinara. Sinabi ko kung saan tutungo. I also told the Driver to fasten his drive.

Wala akong ginawa sa byahe kung hindi ang umiyak. Palihim kong pinupunasan ang luha. Baka kung ano pa ang isipin ni Manong Driver.

Ikinalma ko ang sarili ko.

"Talia is okay. Something went wrong, maybe. But she is okay. She will be okay." sabi ko sa isip ko.

Trenta minutos ang lumipas nang makarating ako sa ospital. Tumakbo na ako pagbaba ng taxi.

The elevator is full so I have no choice but to take the chairs. Nasa third floor ang NICU, kaya kong takbuhin iyon.

Nang makarating ay agad kong nakita si Mommy na pinapatahan ni Daddy na namumugto rin ang mata.

Ang Papa ni Apxfel ang unang nakakita sa akin.

"Anong nangyari, Pa?" tanong ko. Pilit pa akong ngumiti at nagbakasali pa rin na ayos lang ang lahat.

He shed a tear in his eyes. He composed himself as what he really are... a powerful magnate.

Nagulat ako ng yinakap ako ni Papa.

"Pa, anong nangyari? Bakit?" sabi ko nang bumitaw na ito.

Hindi pa rin siya makasagot kaya tumakbo na ako sa NICU.

Inilapit ko ang mukha ko sa malaking salamin. At sa kahit anong tingin at silip, ay wala na akong masilayan. Wala si Baby Talia sa isolette kung saan siya nakahiga.

Where is she?

I panicked. Parang pati ang paghinga ko ay naninikip na rin.

Asan si Apxfel?

Pagtalikod ko ay nakita ko si Mommy at Daddy na papalapit sa akin.

"Anak." Mom called.

"Ma, asan si Talia?" pati ang boses ko ay nanginginig na rin.

Lumapit ang Mommy at hinimas himas ang braso ko.

"She is now with the Lord, anak."

Sa mga salitang iyon ay para bang nabulabog ang buong sistema ko.

Umalis ako sa harap ni Mommy. Pinilit kong inisip na baka nagkakamali lamang siya. Hindi maaari. Hindi pa ngayon. Hindi pa.

Tumakbo ako at napahinto na lamang nang makita ko si Apxfel.

His eyes were bloodshot.

Lumapit agad ito sa akin.

"Asan ang baby natin?" malumabay kong tanong sa kanya.

Yumuko siya at sunod sunod ng tumulo ang kanyang mga luha. It is tear after tear.

My... my husband is crying.

"Asan si Talia?" tanong ko pa ulit.

At sa pangalawang pagkakataon ay nabigo niya akong sagutin.

"Ano? Asan?" ulit ko.

Ngayon ay hindi na magkandamayaw ang damdamin ko.

Umiiyak ako habang pinapalo siya sa dibdib. "Asan?!"

Nakailang beses na akong nagtanong ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Patuloy ang pagpalo at pagsuntok ko sa kanyang dibdib.

Yakap na lamang ang sunod kong naramdaman mula sa kanya. Ni hindi ako nakagalaw sa higpit noon.

"Our princess left today." he said.

Tila ba may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Sobrang lalim. Sobrang hapdi. Sobrang sakit.

Napasandal na lang ako kay Apxfel... Ni walang lumalabas na salita sa aking dibdib. Luha lamang ang nalabas dahil sa sakit.

Ilang saglit lamang ay sinamahan ako ni Apxfel kung nasaan si Talia. Nakahiga siya sa isang normal na kama. Nakabalot na ng puti.

I cringed seeing her covered with that white fabric.

Dahan dahan kong inalis iyon.

Ngayon ay wala nang kahit na anong nakakabit sa kanya. Wala nang kahit na anong aparato. At sa pagkakataong ito, ngayon ko lang nakita nang maayos at maliwanag ang kanyang mukha.

Tila ba unang beses ko pa lang siyang nasilayan.

Her nose and cheeks are mine. Her lips is Apxfel's. Her chin seems like it is Apxfel's too. How I wish I can see her eyes too... but is that even matter?

Dahan dahan ko siyang binuhat mula roon sa kama. It's my first time to touch her... First time to feel her.

Simula nang magising ako ay sa NICU ko na siya naabutan. Ni hindi ko manlang siya mahawakan at mabuhat.

At ngayon... nahahawakan ko na siya. Nabubuhat ko na siya, pero wala na siya. Huli na.

I wasn't even here before her last breath.

Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Masakit siyang tignan ngayon.

She's our baby. Our baby that we almost had... Almost.

Naramdaman ko ang yakap ni Apxfel mula sa likuran ko.

Napapikit na lamang ako sa sakit na nararamdaman.

"Totoo ba ito?" tanong ko kay Apxfel.

I didn't get any response. And that is an enough answer.

Lumabas na kami ng kwarto at naiwan na si Talia sa loob. The hospital staffs will do something to her... Something I would not want to elaborate anymore.

Napaupo na lamang ako sa unang upuan na nakita ko.

Hindi na tumutulo ang aking mga luha. Malamang ay naubos na rin sila.

Nanatili akong tulala. Isang oras... dalawang oras... tatlong oras.

May kinakausap si Apxfel ngayon sa telepono. Tila ba may inaayos para sa pag lilibingan ni Talia. I cringed once again with that... libing... burol. Nakakagago sa sakit.

Nang matapos na iyong tawag niya. Naupo siya sa tabi ko. Inihilig niya ang ulo sa pader at pumikit.

I can see how painful this is for him too... He wanted this for so long Having a baby. Having Talia. Ngunit ngayon ay wala na.

Pigang piga na ako sa sakit. I want this pain to stop... Is there even a way? Is Apxfel the way? Paano niya maititigil ang sakit kung siya rin mismo ay nasasaktan?

Tumayo ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. I need to go somewhere. I just really need to... Despite what I am feeling now.

Hindi ko alam kung napansin ni Apxfel na umalis ako. Ayos na iyon.

I took a cab and directed the driver to the cemetery.

I wanted to talk to Cal.

Nang makarating ay agad akong nagtungo sa himalayan ni Calix. Naupo ako malapit sa libingan niya.

"I bet you knew it already, Cal." sabi ko.

A wind blew strongly. Hindi matigil sa pag anod ang aking buhok.

Even what I felt inside... para bang inaanod. Parang may kung ano roon. Parang may bagyo, parang may kung anong delubyo.

"Cal..." tawag ko.

Nagulat ako nang muling bumagsak ang mga luha ko.

"Kasama mo na ba siya?" wala sa sariling tanong ko.

Huminga ako ng malalim. Sinusubukang makapagsalita pa kahit hindi na mapigilan ang pag hagulgol.

"Cal, sabihin mo naman na bumalik siya, oh. Sabihin mo na wag muna. Sabihin mo na dito muna siya. Please." patuloy ang pag agos ng aking mga luha.

Hindi iyon mapigil pigil.

Forever with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon