This Time

34 2 1
                                    

CL's POV

[CL nasan ka na?]

"Sorry ah, may mga tinapos pa kasi ako na mga reports na kailangan na sa monday.  Andyan na ba kayong lahat?" tanong ko.

[Oo, ikaw na lang ang wala] sagot ni Chelsy.

Ibig sabihin andun na din si Sky. Makikita ko na naman siya. Napakapit ako sa palda ko at nakuyumos yun. Nung muli sko siyang nakita muling nabuhay yung galit sa puso ko. Bakit ba kasi ganun Lord? Kung kailan ako nag decide na mag move on na saka naman siya bumalik. Bakit kailangan pang bumalik ulit ako sa ganitong pakiramdam.

[CL, still there?]

"Ye-es, sige later na lang. See you" pagkasabi ko non ay pinatay ko na ang tawag niya. Ang totoo nan nag pa-late talaga ako ng punta dahil ayokong makasama ng matagal si Sky.  Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan. Half of me wants to hug him and tell him i still love him but half of me wants to get mad and ask him so many questions. What should i do?

Sky's POV

"Where is she?" tanong ni Calvin kay Chelsy. "She's on her way. May tinapos lang daw siyang mga reports na need sa monday."  tumango si Calvin at saka ngumiti kay Chelsy.

"Pinsan hindi ba din ba kayo nag-uusap ni Calvin?" tanong ni Nathan. Sumandal ako sa sofa na kinauupuan namin at saka umiling. "I've tried to approach him pero mukang ayaw niya akong kausapin. Alam kong galit din siya sa akin dahil sa ginawa ko."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya yung totoong nangyari para maayos na at-"

Biglang iniluwa ng pinto si CL. "Sorry im late"

"Ayan kumpleto na tayo! We can start singing na" sabi ni Sam na kanina pa nagpipindot sa remote para sa videoke.

Naupo si CL sa tabi ni Chelsy. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Wala parin siyang pinagbago. Napaka ganda parin niya. Lalo na ang mga mata niya. Nagsimula ng kumanta si Sam at nagsimula na ding umapaw ang alak at inumin sa loob ng videoke room na nirentahan ni Nathan para daw sa pagbabalik ko pero alam ko may iba siyang agenda.

Nakailang kanta na rin sila Chelsy at Sam pero wala padin imik si CL. Nakaupo lang siya, umiinom ng juice at paminsan minsan ay sumasabay sa kanta. Nakita kong tinanong siya ni Calvin kung okay lang siya. Tango lang ang sinagot niya.

Kinuha sandali ni Nathan ang mic at tumayo sa harap naming lahat. "I know all of you are wondering bakit ko kayo ininvite biglaan, meron kasi akong gustong aminin sa inyong lahat-"

"Dude your gay?" biglang singit ni Calvin at nagtawanan kaming lahat.

"Basag trip ka talaga Calvs, hindi yun! Ako muna pwede?" nag peace sign si Calvin.

"Eversince the day that i first laid my eyes on her, i knew she's the one. Kahit na napaka suplada niya. Even if she's a spoiled brat. Kahit sinungitan niya ako at nilait ng sobra nung una niya akong nakita. Kahit na maigsi ang pasensya niya. Kahit topakin siya at madalas niya akong i-bully. Kahit na aso't pusa kami kung minsan siya padin ang gusto ko."

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon