Back For Good

90 4 0
                                    

Samantha’s POV

“Since when did you became good friends?” taas kilay na tanong ni Steph sa akin saka hinigop ang frappe na order niya. Nasa starbucks kami ngayon at kasama din namin si Chloe na abala naman sa pagkain ng paborito niyang devil’s food doughnut. Hinalo ko ng straw ang iniinom kong frappe.

“Two months ago” sarcastic na sagot ko sa kanya.

Napahalukipkip siya at saka napabuntong hininga. “Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong gawin yan? Don’t tell me may evil plan ka na naman diyan kaya ka nakipagkaibigan sa kanya?” sabay smirk ni Steph.

“Wala no! Isang araw nagising na lang ako and I wanna be her friend, what’s wrong with that?” Hindi makapaniwalang tinapunan ako ng masamang tingin ni Steph. “What’s gotten into you? Sinapian ka ba ha?”

“Hey Steph! Stop that! Hindi ba pwedeng magbago ang isang tao?” buti na lang sinalo ako ni Chloe. Katulad ko kasi medyo nagbabago na din siya. I dunno why pero I’m so happy to know that she is too. Sarap sa pakiramdam na may kaibigan ka na sinusuportahan ka. “Woah! Don’t tell me Chloe pati ikaw?” Nag nod sa kanya si Chloe.

Inis na tumayo si Steph at dinampot ang bag niya . “I can’t believe the two of you!!” at saka nagmartsang palabas. Naiwan kaming nagtatawanan ni Chloe.

Ano bang mali sa pagbabago? Hindi naman masama yun diba? Hindi din naman nakakabawas ng ganda yun diba? Mas nakaka boost pa nga ng moralidad yun eh.

Pero aaminin ko simula nung nakita ko si CL na malungkot after her birthday, parang nakaramdam ako ng awa sa kanya. Oo, I admit, I made fun of her a couple of times pero iba yung arrive sa akin ng nangyari. Naalala ko lang siguro yung sarili ko nung pinagpalit ako nung gago kong ex para sa isang matrona. Kaaduwa diba? Pero sobra talaga akong nasaktan dun.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon