Damn Regret

102 6 2
                                    

CL's POV

Hay salamat! Tapos na din ang exams. Makakapag pahinga na din sa napaka stressful na week na to. Grabe! Hell week talaga.

"Miss Zotomayor" tawag sa akin ni Mr. Cruz. Tumayo ako at kabadong nag lakad papunta sa harap. Bigayan na kasi ng test papers. Pasado naman ako sa lahat. Itong math na lang ang inaantay ko ang resulta. Kada hakbang ko papalapit sa unahan, mas lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Poker face kasi si Sir kaya lalo ako kinabahan. Ilang hakbang na lang malapit na ako sa kanya.

Tumigil ako ng nasa harap na niya ako. Iniabot niya yung test paper. Pumikit ako at saka huminga muna ng malalim bago tinignan ang paper ko.

90%

What? Totoo ba tong nakikita ko? 90% ang nakuha ko sa exam. Tumingin ako kay Mr. Cruz na ngayon ay nakangiti na sa akin.

"Congrats CL. Keep it up!" tumango ako kay Sir at saka masayang bumalik sa upuan ko. Hindi pa din ako makapaniwala. Ang saya ko talaga!

"Mr. Revilla" nawala ang ngiti ko ng marinig ang pangalan niya. Mula nung birthday ko, hindi ko na siya kinausap. Ilang beses siyang nagtangka na kausapin ako. Ilang beses din niya akong hinarang at kinulit para makinig sa paliwanag niya.

Pero hindi ko siya kinausap.

Hindi ko siya binigyan ng chance na magpaliwanag.

Paulit ulit din naman eh. Hindi din naman niya tinutupad ang mga pangako niya. Magaling lang siya sa simula. Tss.

"Congrats Mr. Revilla. Perfect ang score mo and because of that, exempted ka na sa 4th periodical exam".

Nagpasalamat siya kay Mr. Cruz. Nung nasa tapat ko na siya, tumingin siya sa akin pero agad na nagbawi ng tingin at saka dumiretso sa upuan niya.

Mas okay na din siguro na ganito kaming dalawa. Walang hassle at walang nasasaktan. At least hindi na ako umaasa.

**********

Halfday na lang halos ang klase namin. Maaga kami pinauwi para ma enjoy daw namin ang weekend. If I know maghahappy happy lang naman yung mga teachers namin kaya maagang nag dismiss.

Dumaan muna ako sa locker ko para iwan yung gamit ko. Sobrang bait ng mga teachers kasi hindi na sila nagbigay ng assignments. Halos personal na gamit ko na lang ang naiwan sa bag ko.

Papalabas na ako ng campus ng makita ko si Sky at may kasama siyang isang babae.

From the look on his face, nakikita ko na masaya na siya.

Dapat masaya na din ako para sa kanya. Dapat mag move on na din ako katulad ng ginawa niya. Pero bakit ganun? Parang masakit. Parang nasasaktan padin ako.

Nakatalikod yung babae kaya hindi ko makita kung anong itsura niya. Sa tingin ko maganda siya at mukang mayaman.

"Anong ginagawa mo jan?"

"Ay palakang tumalon! Ano ka ba naman Calvin! Nakakagulat ka eh!" sabay hampas ko sa braso niya. Tatawa tawa siya habang nakatingin sa akin.

"Si Natalie yung kasama ni Sky". Tumingin ako kay Calvin. "Im not asking".

"Taray naman nito! Obvious naman kasi na curious ka malaman kung sino yun eh. Denial pa".

"Im not" sabay pamewang ko sa kanya. Sabay tawa niya sa akin. Nakakainis naman tong si Calvin. Makaalis na nga lang! Naglakad na lang ako papalayo sa kanya. Habol habol naman ako ni Calvin.

********

Hindi na ako nagpahatid kay Calvin. Gusto ko muna mag isa. Nagpunta na lang ako sa may tabing dagat. Nawawala kasi kahit papaano yung mga isipin ko sa buhay. Dito malaya ako.

Nakatingin lang ako sa napakagandang sunset sa harap ko. Naalala ko tuloy nung unang beses ko na dinala dito si Sky. Sobrang saya nun. Tapos kumaen kami ng isaw. Nung nagpunta kami sa mall, nag arcade at nagpa picture sa photo booth. Naalala ko pa yung itsura niya dun sa isang pic. ^_^

Nung tinuturuan pa niya ako sa math. Yung tipong sagad na yung pisi niya pero hindi niya pinapakita sakin. Nung sinurprise niya ako sa secret place. Nung inabot niya sa akin yung bouquet. Nung nagsayaw kami. Nung sinabi niya na mahal niya ako.

Hindi ko na napigilan na umiyak. Dalawang buwan nadin pero bakit masakit padin? Bakit ganun? Bakit sa akin pa? Tanga ko din kasi. Pumayag pa ako na saktan niya ulit.

"Ang ganda dito ha, infairness!" Laking gulat ko ng makita si Samantha na nakatayo sa gilid ko.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Nakita kitang naglalakad papunta dito eh kaya i followed you".

"Sige, iiyak mo lang yan. Iiyak mo lang hanggang sa wala ka ng mailuha".

Inabutan niya ako ng panyo. Kinuha ko yun at pinunasan ang luha ko. Naupo siya sa tabi ko.

"Ok lang yan. Iiyak mo lang. Hindi naman masama yan eh". Totoo ba tong nakikita at naririnig ko? Si Samantha ba talaga to?

"Oh bakit ganyan ka makatingin? I may be a bitch pero hindi naman ganun kasama ang ugali ko" ngumiti ako sa kanya.

"Yan ganyan dapat! Smile! Life's to short to waste CL". Tumingin ulit ako sa malawak na dagat. "Bakit ganun Samantha? Bakit sobrang sakit?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Part ng buhay yan CL. We get hurt but we have to move on. I've been in that situation before. Sobrang mahal ko ung first boyfriend ko to the extent na maloka ko sa kanya. Kaya lang, kaimbyerna. Sumama lang siya sa isang matrona! Kadiri diba? Hahahahaha!"

Sumeryoso ang mukha ni Samantha. "Ganyan din ako nuon pero naisip ko at the end of the day. Sarili ko lang ang nasasaktan ko. That i am the loser. So i've accepted the fact whole heartedly ang look what i am now. Much stronger, wiser and prettier". Sabay pose pa ng loka.

Natawa ako sa sinabi niya. Mabait naman pala si Samantha. May good side din pala ang mga bad girls. "Thanks Samantha. Thanks for the advice".

"Kahit dito man lang makabawi ako sa mga damages na ginawa ko sayo dati and pwede ba wag ng Samantha tawag mo sakin. Sobrang formal. Sam na lang. So Friends?" sabay abot ng kamay niya sa akin. Kinuha ko yun at nakipag shake hands. "Friends!".

***********

Kinabukasan sabay kaming dumating ni Samantha este ni Sam pala sa campus. Naglalakad na kami sa hallway. Lahat sila nakatingin sa amin. Lahat nagbubulungan. Lahat nagulat. Medyo naiilang na ako sa kanila.

"Dont mind them CL. Masanay ka na sa kanila. Ganun talaga pag maganda. Pinagtitinginan". Sabay flip ng long and shiny hair niya.

Taray talaga nito ni Sam. Di ko keri ang mga hirit nito! ^____________^

Nagpaalam na sa akin si Sam nang tumapat na ako sa pintuan ng classroom namin. "Kita tau mamaya ha, isama mo si Chelsy".

Tumango ako sa kanya at saka nag wave. Pagharap ko sa mga kaklase ko. Lahat sila parang nakakita ng multo. Nakakatawa yung mga itsura nila.

Nagdiretso na lang ako sa upuan ko.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon