Happy

152 5 2
                                    

CL's POV

Pagkatapos ng 30 minutes na deliberation ng mga judges, inilabas nadin nila kung sino ang mga nanalo. Nanalo kami ni Sky ng beat in casual at formal attire. Kami din ang nanalo sa best in talent para sa prod. Ang di lang namin nakuha ay yung sa sports wear. Yung pares ng fourth year ang nakakuha. Magpasok ba naman ng motor sa loob ng gym. Kung alam ko lang sana nagpasok kami ng kabayo dito. Hahahaha. ^________________^

Inanounce na din nila yung mga grand winners. 2nd runner up sina Mikaila (2nd year) at Chad (1st year) samantalang 1st runner up naman sina Roxette (4th year) at si Rico (4th year). Hindi na ako umaasa na mananalo ako. Pinalagay ko na ang sarili ko. Si Sky expected na ng lahat na mananalo. Pangita na naman ih.

"May we call on Ms. Bea to award the sash and trophy. Thank you. And now our Mr. Acquaintance is no other than, drum roll please-"

"SEBASTIAN KY REVILLA!" Umugong ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga estudyante sa gym. Yung mga kaklase ko nagkakagulo na sa pwesto nila. Buti naman at least exempted na kami sa first quarter. Nakahinga na ako ng maluwag. Pumunta si Sky sa may gitna ng stage at nilagyan na siya ng sash at itinabi sa kanya ang trophy.

"Students calm down, para marining ng lahat kung sino ang sususnod na tatawagin. ok! Much better, and lastly our Ms. Acquaintance is- no doubt about it!, drum roll please-"

"CATARINA LARIZE ZOTOMAYOR!" naghiyawan ulit ang mga estudyante sa gym. Nagwawala na naman yung mga kaklase namin. teka! Pangalan ko yun ah? Ako nanalo? Pakisampal nga ako kung panaginip to! Ako nga ba ang tinawag? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lahat sila nakatingin na sa akin. Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na si Sky at nakalahad ang isa niyang kamay. Sobrang ganda ng ngiti niya sa akin. "Ako ba yung tinawag?" Napatawa si Sky sa akin. "Oo. Ikaw ang nanalo. Halika na" Inabot ko ang kamay niya at inalalayan niya ako papunta sa gitna ng stage.

Bineso beso muna ako ni Ms. Bea bago niya inilagay ang sash sa akin. Inabutan din niya ako ng bulaklak at inilagay sa gilid ko yung trophy. Hindi pa din ako makapaniwala na ako yung nanalo.

"Ladies and gentlemen, Your Mr. & Ms. Acquaintance 2011" pagkasabing pagkasabi nun nung emcee nagsilapitan na sa amin yung mga estudyante na nagpipicture. Puro flash na lang ang nakikita ko. Hindi ko na alam kung saan ako titingin. Masakit na sa mata.

"Ok! Now that's a relief! You know what's next students! Let's start the party!!!" pagkasabing pagkasabi nun nung emcee biglang nagpatugtog ng party song yung dj. Nagkanya kanya na yung mga estudyante. Pumunta na silang lahat sa gitna at nagsimulang sumayaw.

"Congrats!" sabi ni Sky sa akin. "Congrats sa ating dalawa!" nakangiting sagot ko sa kanya habang nakatayo padin kami sa may stage.

******

"What??!!!!" kulang na lang mabasag ang ear drum ni Steph dahil sa pagkakasigaw ni Samantha sa cellphone. Kasalukuyang nasa may ladies room si Steph habang kausap si Samantha sa kabilang linya. "Aray naman girl! Sakit sa tenga ha!"

"Kung alam ko lang na magiging ganito yung result ng pageant sana hindi na ako nagback out! Ih di sana ako ang pinapalakpakan at hinahangaan ng tao!" pagmamaktol ni Samantha. "Tsk! Nasa huli talaga ang pagsisisi girl. Ano ba kasing pumasok sa utak mo at nag back out ka bigla?" nagreretouch na si Steph sa harap ng salamin.

"Nainis kasi ako kay Sky na yun dahil iniwan niya ko sa club nung nakaraan. Mukhang akong ewan nun kaya naisip ko na wag siyang siputin para hindi ma exempt ang buong class nila sa first quarter ng school year. Gusto ko siyang gantihan sa ginawa niyang pangiiwan sa akin!"

"Well girl looks like the joke was on you. So what will you do next?" tanong ni Steph habang inaayos ang kulot ng buhok niya. "Parang hindi mo naman ako kilala Steph, you know what I can do" nag smirk si Steph habang nakaharap pa din sa salamin. "Well kung ano man yan, count me in".

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon