However Much Love

701 23 2
                                    

CL's POV

Apat na taon na ang nakalipas. Apat na masaya at malungkot na taon. Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip siya. Ang ngiti niya. Ang pagtawa niya. Ang pang-iinis niya sa akin. Ang mga kalokohan niya noon.

Hanggang sa unti-unti ng tumulo ang luha ko.

"Sino kayang kasama mo ngayon?"

"San ka nagpunta?"

"Iniisip mo pa din ba ako?"

Sobrang miss na kita Sky. Sana talagang kasama kita ngayon.

"Happy Birthday CL!"

Dali dali kong pinunasan ang mga luha sa mata ko bago humarap kay Calvin. "Salamat" walang ganang sagot ko at kinuha ko yung regalo na iniaabot niya. Nahalata ata niyang umiyak ako. "Crying again? Kada birthday mo na lang ganyan ka". Tiningnan ko si Calvin na nakatanaw sa malayo.

"Sabi ko naman sayo, wag mo ng hanapin ang matagal ng wala". Matagal na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nakatungo lang ako dahil pakiramdam ko iiyak na naman ako.

Matagal nang nanliligaw sa akin si Calvin. 4 years at Ilang beses ko na siyang binusted pero andito pa din siya at inaalagan ako. He's been really a good friend and friendship is all I can offer dahil iisang lalaki lang naman ang gusto ko. Iisang lalaki lang naman ang initibok ng puso ko. Si SKY.

"Sobrang tagal na ng apat na taon CL. Hindi mo padin ba palalayain ang sarili mo at ang puso mo?" Tumingin siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya yung awa para sa akin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. "Kung pwede ko lang turuan ang puso ko matagal ko ng ginawa pero wala eh, it's still him and him over and over again at alam kong babalik siya dahil nangako siya" tuluyan na akong napaiyak.

"Bakit ba kasi hindi na lang ako. Ako na lang ang mahalin mo CL! Ano bang wala ako na wala siya! CL ako yung kasama mo nung mga panahong wala siya. Ako yung umako at gumawa ng mga bagay na dapat siya ang gumagawa. CL ako yung andito, pero bakit hindi mo ako kayang mahalin?"

Hindi ako nakasagot kay Calvin. Sa loob ng apat na taon ngayon ko lang siya nakitang ganito. Mahina at naiiyak. Malayo sa Calvin na nakasama ko sa loob ng apat na taon. Ganon ba ako kamanhid? O ganun lang ako katanga. Nagulat ako ng biglang lumuhod siya sa harap ko. "Uy Calvin tumayo ka nga jan!" kahit anong saway ko sa kanya hindi siya natinag.

"CL please be with me, I love so much" hawak niya ang dalawang kamay ko. Matiyagang inaantay ang sagot ko.

Calvin's POV

Im still waiting for her answer. Its now or never. If this wont work. Tatanggapin ko na ang pagkatalo ko sa taong matagal ng wala pero kakumpitensiya ko pa din hanggang sa ngayon. "Please" she's still motionless.

"I promise to do all the things he promised you before, just be with me please" muka na akong tanga na nagmamakaawa sa kanya. Para akong bata na nagmamakaawa na bilhan ng laruan.

"Sorry" kasabay ng sagot na yun ay binitawan niya ang kamay ko at tumakbo palayo sa akin. At ako? Naiwang nakatanga at umiiyak na parang batang hindi binilhan ng laruan. Sobrang sakit. Mas masakit pa tong rejection na to sa lahat ng rejection na natanggap ko sa kanya.

I guess this is the end.

I guess were not meant to be.

Hanggang sa huli natalo padin ako.

Hanggang sa huli si Sky pa din ang pinili niya.

****************************

Bitin?

Penge munang 10 votes. Thank you :))

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon