Sana'y Ako na Lang

83 4 0
                                    

CL’s POV

Ano ba naman tong equation na to? Hindi ko maintindihan. Haist! Bakit ba kasi ang bopols ko sa math. Bakit ba hindi ako biniyayaan ng talino dito. Sumasakit na ulo ko sa kaka analyze nito. Review time na naman kami kasi hell week na nest week. OO hell week talaga kasi exam week na. Finals na namin. Matatapos na naman ang isang school year.

Sabi ng teacher namin nag improve na daw ako kahit papaano pero medyo mahirap kasi yung last topic namin. Napapakamot na lang ako sa ulo ko kahit wala naman akong kuto. :( Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Sky. Pag pumasa ko, ililibre niya ako kahit saan. Pero pag siya ang nanalo, patay ang savings ko. T_T

Hindi naman ako makapagpaturo ngayon kay Sky kasi nasa Manila siya at may inaasikaso daw na importante. Ano kaya yung inaayos niyang yun? Napabuntong hininga na lang ako at saka sumubsob sa study table ko. Makapunta na nga lang kina Chelsy. Sa kanya na lang ako magpapaturo.

Nag decide na lang ako na maglakad papunta kina Chelsy. Wala na din kasi akong exercise nung nakaraan. Pakiramdam ko tumataba na ako. Madaming tao ngayon sa park kasi sabado at karamihan ay walang pasok.

Nakakatuwang pag masdan ang mga bata habang nag lalaro. Bigla kong naisip na mas masarap pala maging bata. Wala kang problema sa buhay. Gigising ka, kakaen, paliliguan tapos maglalaro. Pag napagod lalapit sa nanay at hihingi ng pagkain. Bukod dun walang sakit na nararamdaman kundi yung sakit ng sugat na pwedeng gamutin ng betadine at alcohol.

Tumigil ako sandali sa park at saka bumili ng ice cream. Namiss ko yung ice cream ni manong. “Neng parang ang tagal mo hindi nagpunta dito ah” sabi ni manong habang nag scoop siya ng ice cream at nilalagay sa apa. “Medyo nga po kasi naging busy sa school”, sagot ko.

“Tama yan neng, mag aral ka ng mabuti, oh eto na yung ice cream mo” sabay abot ni manong sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya at saka naglakad ulit papunta sa bahay nina Chelsy.

****

Nagdoorbell ako sa malaking gate ng mansion nina Chelsy at dali dali namang lumabas ang isa sa mga kasambahay nila. Agad niya akong pinagbuksan ng gate ng makita niya na ako ang nasa labas.

“Pasok po kayo Ms. CL, nasa sala po si Señorita Chelsy”.

Nagpasalamat ako sa kanya at saka pumasok sa loob. Pag pasok ko nakataas ang paa ni Chelsy sa lamesita nila at nanonood ng tv. Mukang bad mood siya ngayon. Wrong timing ata ang punta ko. Palabas na sana ako ng pinto ng bigla niya akong tawagin.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon